Ikalawang Samuel
5 Nang maglaon, ang lahat ng tribo ng Israel ay pumunta kay David sa Hebron+ at nagsabi: “Kadugo* mo kami.+ 2 Noong si Saul ang hari namin, ikaw ang nangunguna sa Israel sa mga labanan.*+ At sinabi ni Jehova sa iyo: ‘Papastulan mo ang bayan kong Israel, at magiging pinuno ka ng Israel.’”+ 3 Kaya ang lahat ng matatandang lalaki ng Israel ay pumunta sa hari sa Hebron, at si Haring David ay nakipagtipan sa kanila+ sa Hebron sa harap ni Jehova. Pagkatapos, pinahiran nila ng langis si David bilang hari sa Israel.+
4 Si David ay 30 taóng gulang nang maging hari, at namahala siya nang 40 taon.+ 5 Sa Hebron ay naghari siya sa Juda nang 7 taon at 6 na buwan, at sa Jerusalem+ ay namahala siya nang 33 taon sa buong Israel at Juda. 6 At ang hari at ang mga tauhan niya ay pumunta sa Jerusalem para labanan ang mga Jebusita+ na nakatira sa lupain. Ininsulto nila si David: “Hindi ka makakapasok dito! Itataboy ka kahit ng mga bulag at mga lumpo.” Iniisip nila, ‘Hindi makakapasok dito si David.’+ 7 Pero sinakop ni David ang moog ng Sion, na ngayon ay Lunsod ni David.+ 8 Kaya sinabi ni David nang araw na iyon: “Ang mga sasalakay sa mga Jebusita ay dapat dumaan sa daluyan ng tubig para patayin ‘ang mga lumpo at mga bulag,’ na kinamumuhian ni David!” Kaya sinasabi ng mga tao: “Ang mga bulag at mga lumpo ay hindi makakapasok sa bahay.” 9 Pagkatapos, nanirahan si David sa moog, at iyon ay tinawag* na Lunsod ni David; at si David ay nagsimulang magtayo ng mga pader at gusali sa Gulod*+ at sa iba pang bahagi ng lunsod.+ 10 Kaya lalong naging makapangyarihan si David,+ at si Jehova na Diyos ng mga hukbo ay sumasakaniya.+
11 Si Haring Hiram+ ng Tiro ay nagpadala ng mga mensahero kay David, pati ng mga trosong sedro,+ mga karpintero, at mga mason para sa pagtatayo ng mga pader, at nagtayo sila ng bahay* para kay David.+ 12 At nalaman ni David na ginawang matibay ni Jehova ang paghahari niya sa Israel+ at ginawa siyang dakilang hari+ alang-alang sa Kaniyang bayang Israel.+
13 Si David ay kumuha pa ng mga pangalawahing asawa+ at iba pang mga asawa sa Jerusalem pagdating niya galing sa Hebron, at nagkaroon pa si David ng mga anak na lalaki at babae.+ 14 Ito ang mga pangalan ng mga naging anak niya sa Jerusalem: Samua, Sobab, Natan,+ Solomon,+ 15 Ibhar, Elisua, Nepeg, Japia, 16 Elisama, Eliada, at Elipelet.
17 Nang marinig ng mga Filisteo na si David ay inatasan* bilang hari sa Israel,+ sumugod ang lahat ng Filisteo para hanapin si David.+ Nang marinig iyon ni David, pumunta siya sa moog.+ 18 Pagkatapos, dumating ang mga Filisteo at kumalat sa Lambak* ng Repaim.+ 19 Itinanong ni David kay Jehova:+ “Lalaban ba ako sa mga Filisteo? Ibibigay mo ba sila sa kamay ko?” Sinabi ni Jehova kay David: “Lumaban ka, dahil ibibigay ko ang mga Filisteo sa kamay mo.”+ 20 Kaya pumunta si David sa Baal-perazim, at pinabagsak sila roon ni David. At sinabi niya: “Pinabagsak ni Jehova ang mga kaaway ko,+ gaya ng pader na nawasak dahil sa tubig.” Kaya tinawag niya ang lugar na iyon na Baal-perazim.*+ 21 Iniwan doon ng mga Filisteo ang mga idolo nila, at inalis ni David at ng mga tauhan niya ang mga iyon.
22 Nang maglaon, bumalik ang mga Filisteo at nangalat sa Lambak* ng Repaim.+ 23 Sumangguni si David kay Jehova, pero sinabi Niya: “Huwag kang lumusob sa harapan. Sa halip, pumunta ka sa likuran nila, at salakayin mo sila sa harap ng mga halamang* baca. 24 At kapag may narinig kang tunog na gaya ng mga yabag sa ibabaw ng mga halamang baca, kumilos ka agad, dahil nauna nang lumabas si Jehova para pabagsakin ang hukbo ng mga Filisteo.” 25 At ginawa ni David ang iniutos ni Jehova sa kaniya, at pinabagsak niya ang mga Filisteo+ mula sa Geba+ hanggang sa Gezer.+