Mga Kawikaan
17 Mas mabuti pa ang isang piraso ng tuyong tinapay pero may kapayapaan*+
Kaysa sa bahay na maraming pagkain* pero laging may pagtatalo.+
2 Ang lingkod na may kaunawaan ang mamamahala sa anak na gumagawi nang kahiya-hiya;
Magkakaroon din siya ng mana gaya ng anak.
3 Ang dalisayang kaldero ay para sa pilak at ang hurno ay para sa ginto,+
Pero si Jehova ang tagasuri ng mga puso.+
4 Ang masama ay nagbibigay-pansin sa masakit na pananalita,
At ang taong mapanlinlang ay nakikinig sa mapanirang dila.+
5 Ang humahamak sa dukha ay umiinsulto sa kaniyang Maylikha,+
At ang natutuwa sa kapahamakan ng iba ay tiyak na mapaparusahan.+
7 Ang mahusay* na pananalita ay hindi bagay sa mangmang;+
Lalo nang hindi bagay sa isang tagapamahala* ang pagsisinungaling!+
8 Ang regalo ay gaya ng mamahaling bato* para sa may-ari nito;+
Ang nagbigay ay nagtatagumpay anuman ang gawin niya.+
9 Ang nagpapatawad* ng kasalanan ay nagpapakita* ng pag-ibig,+
Pero ang salita nang salita tungkol dito ay naglalayo sa malalapít na magkakaibigan.+
11 Puro paghihimagsik ang gustong gawin ng masama,
Pero isang malupit na mensahero ang isusugo para parusahan siya.+
12 Mas mabuti pang makasalubong ang oso na nawalan ng mga anak
Kaysa ang mangmang na kumikilos nang may kamangmangan.+
13 Kapag kasamaan ang iginaganti ng isang tao sa kabutihan,
Ang kasamaan ay hindi hihiwalay sa bahay niya.+
14 Ang pagpapasimula ng away ay gaya ng pagpapakawala ng tubig;*
Bago magsimula ang pagtatalo, umalis ka na.+
15 Ang nagpapawalang-sala sa masama at ang humahatol sa matuwid+
—Pareho silang kasuklam-suklam kay Jehova.
16 Para saan pa ang kakayahan ng mangmang na makakuha ng karunungan
18 Ang taong kulang sa unawa ay nakikipagkamay at pumapayag
19 Ang mahilig makipagtalo ay madaling magkasala.+
Ang nagyayabang* ay naghahanap ng kapahamakan.+
20 Ang taong masama ang puso ay hindi magtatagumpay,*+
At ang nagsasalita ng panlilinlang ay mapapahamak.
21 Ang ama na nagkaanak ng mangmang ay mapipighati;
At ang ama ng anak na walang unawa ay hindi masaya.+
24 Ang karunungan ay nasa harapan ng taong may unawa,
Pero ang mga mata ng mangmang ay pagala-gala hanggang sa dulo ng lupa.+
25 Ang mangmang na anak ay nagdudulot ng pighati sa kaniyang ama
28 Kahit ang mangmang ay itinuturing na marunong kung nananatili siyang tahimik,
At ang nagtitikom ng bibig niya ay itinuturing na may kaunawaan.