Kawikaan
Ang anak na marunong ay yaong nagpapasaya sa ama,+ at ang anak na hangal ay pighati ng kaniyang ina.+ 2 Ang kayamanan ng balakyot ay hindi mapakikinabangan,+ ngunit katuwiran ang magliligtas mula sa kamatayan.+ 3 Hindi pababayaan ni Jehova na magutom ang kaluluwa ng matuwid,+ ngunit ang paghahangad ng mga balakyot ay kaniyang itataboy.+
4 Ang gumagawang may kamay na makupad ay magiging dukha,+ ngunit ang kamay ng masikap ang magpapayaman sa isa.+
5 Ang anak na kumikilos nang may kaunawaan ay nagtitipon sa panahon ng tag-araw; ang anak na gumagawi nang kahiya-hiya ay natutulog nang mahimbing sa panahon ng pag-aani.+
6 Ang mga pagpapala ay para sa ulo ng matuwid,+ ngunit kung tungkol sa bibig ng mga balakyot, pinagtatakpan nito ang karahasan.+ 7 Ang alaala ng matuwid ay pagpapalain,+ ngunit ang pangalan ng mga balakyot ay mabubulok.+
8 Ang may pusong marunong ay tatanggap ng mga utos,+ ngunit ang mangmang sa kaniyang mga labi ay yuyurakan.+
9 Siyang lumalakad sa katapatan ay lalakad nang tiwasay,+ ngunit siyang gumagawang liko sa kaniyang mga lakad ay makikilala.+
10 Ang nagkikindat ng kaniyang mata ay magdudulot ng kirot,+ at ang mangmang sa kaniyang mga labi ay yuyurakan.+ 11 Ang bibig ng matuwid ay bukal ng buhay;+ ngunit kung tungkol sa bibig ng mga balakyot, pinagtatakpan nito ang karahasan.+
12 Poot ang siyang pumupukaw ng mga pagtatalo,+ ngunit tinatakpan ng pag-ibig ang lahat ng pagsalansang.+
13 Sa mga labi ng taong may unawa ay nasusumpungan ang karunungan,+ ngunit ang pamalo ay para sa likod niyaong kapos ang puso.+
14 Ang marurunong ang siyang nag-iingat ng kaalaman,+ ngunit ang bibig ng mangmang ay malapit sa kapahamakan.+
15 Ang mahahalagang pag-aari ng taong mayaman ay kaniyang matibay na bayan.+ Ang kasawian ng mga dukha ay ang kanilang karalitaan.+
16 Ang gawa ng matuwid ay nagdudulot ng buhay;+ ang ani ng balakyot ay nagbubunga ng kasalanan.+
17 Siyang nanghahawakan sa disiplina ay landas patungo sa buhay,+ ngunit siyang nagpapabaya sa saway ay nagliligaw.+
18 Kung saan may nagtatakip ng poot, doon may mga labing bulaan,+ at ang nagdadala ng masamang ulat ay hangal.+
19 Dahil sa karamihan ng mga salita ay hindi magkukulang ng pagsalansang,+ ngunit ang sumusupil sa kaniyang mga labi ay kumikilos nang may kapantasan.+
20 Ang dila ng matuwid ay piling pilak;+ ang puso ng balakyot ay kakaunti ang halaga.+
21 Ang mga labi ng matuwid ay nagpapastol sa marami,+ ngunit dahil sa kakapusan ng puso ay namamatay ang mga mangmang.+
22 Ang pagpapala ni Jehova—iyon ang nagpapayaman,+ at hindi niya iyon dinaragdagan ng kirot.+
23 Para sa hangal ang pagsasagawa ng mahalay na paggawi ay parang katuwaan lamang,+ ngunit ang karunungan ay para sa taong may kaunawaan.+
24 Ang bagay na kinatatakutan ng balakyot—iyon ang darating sa kaniya;+ ngunit ang ninanasa ng mga matuwid ay ipagkakaloob.+ 25 Gaya ng pagdaraan ng bagyong hangin, gayon nawawala ang balakyot;+ ngunit ang matuwid ay isang pundasyon hanggang sa panahong walang takda.+
26 Kung paano ang sukà sa mga ngipin at kung paano ang usok sa mga mata, gayon ang taong tamad sa mga nagsusugo sa kaniya.+
27 Ang mismong pagkatakot kay Jehova ay magdaragdag ng mga araw,+ ngunit ang mga taon ng mga balakyot ay paiikliin.+
28 Ang pag-asam ng mga matuwid ay isang kasayahan,+ ngunit ang pag-asa ng mga balakyot ay maglalaho.+
29 Ang daan ni Jehova ay moog para sa walang kapintasan,+ ngunit ang pagkapahamak ay para sa mga nagsasagawa ng bagay na nakasasakit.+
30 Kung tungkol sa matuwid, hanggang sa panahong walang takda ay hindi siya mapahahapay;+ ngunit kung tungkol sa mga balakyot, hindi sila patuloy na tatahan sa lupa.+
31 Ang bibig ng matuwid—nagluluwal ito ng bunga ng karunungan,+ ngunit ang dila ng katiwalian ay puputulin.+
32 Ang mga labi ng matuwid—nalalaman ng mga ito ang kabutihang-loob,+ ngunit ang bibig ng mga balakyot ay katiwalian.+