Kawikaan
29 Ang taong paulit-ulit na sinasaway+ ngunit nagpapatigas ng kaniyang leeg+ ay biglang mababali, at wala nang kagalingan.+
2 Kapag dumarami ang matuwid, ang bayan ay nagsasaya;+ ngunit kapag ang balakyot ang may hawak ng pamamahala, ang bayan ay nagbubuntunghininga.+
3 Ang taong umiibig sa karunungan ay nagpapasaya sa kaniyang ama,+ ngunit siyang nakikisama sa mga patutot ay sumisira ng mahahalagang pag-aari.+
4 Sa pamamagitan ng katarungan ay napananatili ng hari ang lupain,+ ngunit ginigiba iyon ng taong humihingi ng mga suhol.+
5 Ang matipunong lalaking labis na mapamuri sa kaniyang kasamahan+ ay naglalatag lamang ng lambat para sa kaniyang mga hakbang.+
6 Sa pagsalansang ng masamang tao ay may silo,+ ngunit siyang matuwid ay humihiyaw nang may kagalakan at natutuwa.+
7 Inaalam ng matuwid ang pag-aangkin sa batas ng mga maralita.+ Hindi isinasaalang-alang ng balakyot ang gayong kaalaman.+
8 Ang mga taong may kahambugang magsalita ay nagpapaliyab ng bayan,+ ngunit yaong marurunong ay pumapawi ng galit.+
9 Ang taong marunong, na pumasok sa usapin laban sa taong mangmang—siya ay nabagabag at tumawa rin, at walang kapahingahan.+
10 Ang mga taong uháw sa dugo ay napopoot sa sinumang walang kapintasan;+ at kung tungkol sa mga matuwid, hinahanap nila ang kaluluwa ng bawat isa.+
11 Inilalabas ng hangal ang kaniyang buong espiritu, ngunit siyang marunong ay nagpapanatili nitong mahinahon hanggang sa huli.+
12 Kapag ang tagapamahala ay nagbibigay-pansin sa bulaang pananalita, ang lahat ng nagsisilbi sa kaniya ay magiging balakyot.+
13 Ang dukha at ang taong naniniil ay nagsalubong;+ ngunit pinagliliwanag ni Jehova ang mga mata nilang dalawa.+
14 Kapag hinahatulan ng hari ang mga maralita nang may katapatan,+ ang kaniyang trono ay matibay na matatatag sa habang panahon.+
15 Ang pamalo at ang saway ang siyang nagbibigay ng karunungan;+ ngunit ang batang pinababayaan ay magdudulot ng kahihiyan sa kaniyang ina.+
16 Kapag dumarami ang balakyot, ang pagsalansang ay lumalaganap; ngunit mamasdan ng mga matuwid ang kanila mismong pagbagsak.+
17 Parusahan mo ang iyong anak at siya ay magdadala sa iyo ng kapahingahan at magbibigay ng malaking kaluguran sa iyong kaluluwa.+
18 Kung saan walang pangitain ay hindi masupil ang bayan,+ ngunit maliligaya sila na tumutupad ng kautusan.+
19 Ang isang lingkod ay hindi magpapatuwid sa pamamagitan lamang ng mga salita,+ sapagkat nauunawaan niya ngunit hindi siya nagbibigay-pansin.+
20 Nakakita ka na ba ng taong padalus-dalos sa kaniyang mga salita?+ May higit pang pag-asa para sa hangal kaysa sa kaniya.+
21 Kung pinalalayaw ng isa ang kaniyang lingkod mula pa sa pagkabata, siya ay magiging walang utang na loob sa dakong huli ng kaniyang buhay.
22 Ang taong magagalitin ay pumupukaw ng pagtatalo,+ at ang sinumang madaling magngalit ay maraming pagsalansang.+
23 Ang makalupang tao ay pagpapakumbabain ng kaniya mismong kapalaluan,+ ngunit siyang may mapagpakumbabang espiritu ay tatangan sa kaluwalhatian.+
24 Siyang kasamahan ng magnanakaw ay napopoot sa kaniyang sariling kaluluwa.+ Makarinig man siya ng panatang may kinalaman sa isang sumpa, ngunit wala siyang anumang ipinaaalam.+
25 Ang panginginig sa harap ng mga tao ang siyang nag-uumang ng silo,+ ngunit siyang nagtitiwala kay Jehova ay ipagsasanggalang.+
26 Marami ang humahanap sa mukha ng tagapamahala,+ ngunit ang kahatulan ng isang tao ay mula kay Jehova.+
27 Ang taong walang-katarungan ay karima-rimarim sa mga matuwid,+ at ang matapat sa kaniyang lakad ay karima-rimarim sa balakyot.+