Isaias
32 Narito! Isang hari+ ang maghahari ukol sa katuwiran;+ at tungkol sa mga prinsipe,+ mamamahala sila bilang mga prinsipe ukol sa katarungan. 2 At ang bawat isa ay magiging gaya ng taguang dako sa hangin at dakong kublihan sa bagyong maulan,+ gaya ng mga bukal ng tubig sa lupaing walang tubig,+ gaya ng lilim ng malaking bato sa lupaypay na lupain.+
3 At ang mga mata ng mga tumitingin ay hindi pagdidikitin, at ang mga tainga ng mga dumirinig ay magbibigay-pansin.+ 4 At ang puso ng mga lubhang padalus-dalos ay magbubulay-bulay ng kaalaman,+ at maging ang dila ng mga utal ay bibilis sa pagsasalita ng malilinaw na bagay.+ 5 Ang hangal ay hindi na tatawaging bukas-palad; at kung tungkol sa taong walang prinsipyo, hindi sasabihing marangal siya;+ 6 sapagkat ang hangal ay magsasalita lamang ng kahangalan,+ at ang kaniya mismong puso ay gagawa ng bagay na nakasasakit,+ upang magsagawa ng apostasya+ at upang magsalita ng bagay na liko laban kay Jehova, upang payauning walang laman ang kaluluwa ng gutóm,+ at maging ang nauuhaw ay pinayayaon niya nang walang nainom. 7 Kung tungkol sa taong walang prinsipyo, ang kaniyang mga kasangkapan ay masasama;+ siya mismo ay nagpapayo ng mahahalay na paggawi,+ upang ibuwal ang mga napipighati sa pamamagitan ng mga bulaang pananalita,+ ang dukha man ay nagsasalita ng bagay na tama.
8 Kung tungkol sa isa na bukas-palad, nagpapayo siya ukol sa mga bagay na bukas-palad; at para sa mga bagay na bukas-palad ay titindig siya.+
9 “Kayong mga babaing panatag, tumindig kayo, pakinggan ninyo ang aking tinig!+ Kayong mga anak na babae na di-nababahala, dinggin ninyo ang aking pananalita! 10 Sa loob ng isang taon at ilang araw ay liligaligin kayong mga di-nababahala,+ sapagkat ang pamimitas ng ubas ay magwawakas na ngunit walang darating na pagtitipon ng bunga.+ 11 Manginig kayo, kayong mga babaing panatag! Maligalig kayo, kayong mga di-nababahala! Mag-alis kayo ng damit at maging hubad, at magbigkis ng telang-sako sa mga balakang.+ 12 Dagukan ninyo ang inyong mga dibdib sa pananaghoy+ dahil sa mga kanais-nais na bukid,+ dahil sa punong ubas na namumunga. 13 Sa lupa ng aking bayan ay mga tinik lamang, matitinik na palumpong ang tumutubo,+ sapagkat ang mga ito ay nasa lahat ng mga bahay ng pagbubunyi, oo, ang bayan na lubhang nagagalak.+ 14 Sapagkat ang tirahang tore ay pinabayaan,+ ang pagkakaingay ng lunsod ay iniwan; ang Opel+ at ang bantayan ay naging mga hantad na parang, hanggang sa panahong walang takda ay siyang pagbubunyi ng mga sebra, ang pastulan ng mga kawan; 15 hanggang sa ibuhos sa atin ang espiritu mula sa kaitaasan,+ at ang ilang ay maging isang taniman, at ang taniman ay maibilang na tunay na kagubatan.+
16 “At sa ilang ay tatahan nga ang katarungan, at sa taniman ay mananahanan ang katuwiran.+ 17 At ang gawa ng tunay na katuwiran ay magiging kapayapaan;+ at ang paglilingkod ng tunay na katuwiran, katahimikan at katiwasayan hanggang sa panahong walang takda.+ 18 At ang aking bayan ay mananahanan sa mapayapang tinatahanang dako at sa mga tahanang may lubos na kapanatagan at sa tahimik na mga pahingahang-dako.+ 19 At uulan nga ng graniso kapag ang kagubatan ay nalugmok+ at ang lunsod ay nababa sa isang hamak na kalagayan.+
20 “Maligaya kayong mga naghahasik ng binhi sa tabi ng lahat ng tubig,+ na nagpapayaon sa mga paa ng toro at ng asno.”+