2 Timoteo
1 Si Pablo, isang apostol ni Kristo Jesus sa pamamagitan ng kalooban ng Diyos+ ayon sa pangako ng buhay+ na kaisa ni Kristo Jesus,+ 2 kay Timoteo, isang anak na minamahal:+
Magkaroon nawa ng di-sana-nararapat na kabaitan, awa, kapayapaan mula sa Diyos na Ama at kay Kristo Jesus na ating Panginoon.+
3 Nagpapasalamat ako sa Diyos, na pinag-uukulan ko ng sagradong paglilingkod+ gaya ng ginawa ng aking mga ninuno+ at taglay ang isang malinis na budhi,+ na hindi ko kailanman tinitigilan ang pag-alaala sa iyo sa aking mga pagsusumamo,+ gabi at araw 4 na nananabik na makita ka,+ habang inaalaala ko ang iyong mga luha, upang mapuspos ako ng kagalakan. 5 Sapagkat ginugunita ko ang pananampalatayang+ nasa iyo na walang anumang pagpapaimbabaw,+ at na unang nanahan sa iyong lolang si Loida at sa iyong inang si Eunice, ngunit may tiwala akong nasa iyo rin.
6 Sa mismong dahilang ito ay pinaaalalahanan kita na paningasing tulad ng apoy+ ang kaloob+ ng Diyos na nasa iyo sa pamamagitan ng pagpapatong ng aking mga kamay sa iyo.+ 7 Sapagkat hindi tayo binigyan ng Diyos ng espiritu ng karuwagan,+ kundi ng kapangyarihan+ at ng pag-ibig at ng katinuan ng pag-iisip.+ 8 Kaya nga huwag mong ikahiya ang patotoo tungkol sa ating Panginoon,+ ni ako man na isang bilanggo alang-alang sa kaniya,+ kundi makibahagi ka sa pagtitiis+ ng kasamaan para sa mabuting balita ayon sa kapangyarihan ng Diyos.+ 9 Iniligtas+ niya tayo at tinawag tayo sa isang banal na pagtawag,+ hindi dahilan sa ating mga gawa,+ kundi dahilan sa kaniyang sariling layunin at di-sana-nararapat na kabaitan. Ito ay ibinigay sa atin may kaugnayan kay Kristo Jesus bago pa ang lubhang mahabang mga panahon,+ 10 ngunit ngayon ay malinaw na itong ipinabatid sa pamamagitan ng pagkakahayag+ sa ating Tagapagligtas, si Kristo Jesus, na pumawi sa kamatayan+ ngunit nagpasikat ng liwanag+ sa buhay+ at kawalang-kasiraan+ sa pamamagitan ng mabuting balita,+ 11 na dito ay inatasan ako bilang isang mangangaral at apostol at guro.+
12 Sa mismong dahilang ito ay pinagdurusahan+ ko rin ang mga bagay na ito, ngunit hindi ako nahihiya.+ Sapagkat kilala ko yaong aking pinaniwalaan, at may tiwala akong magagawa niyang bantayan+ ang ipinagkatiwala ko sa kaniya hanggang sa araw na iyon.+ 13 Patuloy kang manghawakan sa parisan ng nakapagpapalusog na mga salita+ na narinig mo sa akin kalakip ang pananampalataya at pag-ibig na may kaugnayan kay Kristo Jesus.+ 14 Ang mainam na pagkakatiwalang+ ito ay bantayan mo sa pamamagitan ng banal na espiritu na nananahan sa atin.+
15 Alam mo ito, na lahat ng mga tao sa distrito ng Asia+ ay tumalikod sa akin.+ Sina Figelo at Hermogenes ay kabilang sa mga iyon. 16 Ang Panginoon nawa ay magkaloob ng awa sa sambahayan ni Onesiforo,+ sapagkat madalas siyang magdulot sa akin ng kaginhawahan,+ at hindi niya ikinahiya ang aking mga tanikala.+ 17 Sa kabaligtaran, nang siya ay nasa Roma, masikap niya akong hinanap at nasumpungan ako.+ 18 Ipagkaloob nawa sa kaniya ng Panginoon na makasumpong siya ng awa+ mula kay Jehova sa araw na iyon.+ At ang lahat ng mga paglilingkod na iniukol niya sa Efeso ay alam mong lubos.