Ikalawang Liham kay Timoteo
4 Sa harap ng Diyos at ni Kristo Jesus, na hahatol+ sa mga buháy at mga patay,+ at sa pamamagitan ng kaniyang pagkakahayag+ at kaniyang Kaharian,+ inuutusan kita: 2 Ipangaral mo ang salita ng Diyos;+ gawin mo ito nang apurahan, maganda man o mahirap ang kalagayan; sumaway ka,+ magbabala, at magpayo nang may pagtitiis at husay* sa pagtuturo.+ 3 Dahil darating ang isang yugto ng panahon kung kailan hindi na nila tatanggapin ang kapaki-pakinabang* na turo,+ kundi gaya ng gusto nila, papalibutan nila ang kanilang sarili ng mga guro na kikiliti sa mga tainga nila.*+ 4 Hindi na sila makikinig sa katotohanan at magbibigay-pansin sila sa mga kuwentong di-totoo. 5 Pero ikaw, gamitin mo ang iyong kakayahang mag-isip sa lahat ng pagkakataon, tiisin mo ang mga paghihirap,+ gawin mo ang gawain ng isang ebanghelisador,* at isagawa mo nang lubusan ang iyong ministeryo.+
6 Dahil gaya ako ngayon ng ibinubuhos na handog na inumin,+ at malapit na akong lumaya.+ 7 Naipaglaban ko na ang marangal na pakikipaglaban,+ natapos ko na ang takbuhan,+ nanatili akong matatag sa pananampalataya. 8 Mula ngayon, may nakalaan nang korona ng katuwiran para sa akin,+ na ibibigay ng Panginoon, ang matuwid na hukom,+ bilang gantimpala ko sa araw na iyon,+ pero hindi lang sa akin, kundi sa lahat ng nananabik sa kaniyang pagkakahayag.
9 Sikapin mong makapunta agad sa akin. 10 Dahil pinabayaan ako ni Demas;+ inibig niya ang sistemang* ito at pumunta siya sa Tesalonica, si Cresente naman ay sa Galacia, at si Tito ay sa Dalmacia. 11 Si Lucas lang ang kasama ko. Isama mo rito si Marcos dahil malaking tulong siya sa akin sa ministeryo. 12 Pinapunta ko na si Tiquico+ sa Efeso. 13 Dalhin mo rin dito ang balabal na iniwan ko kay Carpo sa Troas at ang mga balumbon, lalo na ang mga pergamino.*
14 Napakasama ng mga ginawa sa akin ng panday-tanso na si Alejandro. Gagantihan siya ni Jehova* ayon sa mga ginawa niya.+ 15 Mag-ingat ka rin sa kaniya, dahil inatake niya nang husto ang mensahe namin.
16 Sa una kong pagtatanggol, walang pumanig sa akin at pinabayaan nila ako; huwag nawa itong singilin sa kanila ng Diyos. 17 Pero ang Panginoon ay tumayong malapit sa akin at pinalakas niya ako para lubusan kong maipangaral ang mensahe at marinig ito ng lahat ng bansa;+ at iniligtas niya ako sa bibig ng leon.+ 18 Ililigtas ako ng Panginoon sa lahat ng kasamaan at ililigtas niya ako para sa kaniyang Kaharian sa langit.+ Sumakaniya nawa ang kaluwalhatian magpakailanman. Amen.
19 Ikumusta mo ako kina Prisca at Aquila+ at sa sambahayan ni Onesiforo.+
20 Nanatili sa Corinto si Erasto,+ pero iniwan ko si Trofimo+ sa Mileto dahil may sakit siya. 21 Sikapin mong makarating bago magtaglamig.
Kinukumusta ka ni Eubulo, pati nina Pudente, Lino, at Claudia at ng lahat ng kapatid.
22 Pagpalain ka nawa ng Panginoon habang nagpapakita ka ng magagandang katangian.* Sumainyo nawa ang kaniyang walang-kapantay na kabaitan.