Isaias
13 Isang mensahe laban sa Babilonya+ na nakita ni Isaias+ na anak ni Amoz sa pangitain:
2 “Maglagay kayo ng isang palatandaan*+ sa bundok na puro bato.
Tawagin ninyo sila, kawayan ninyo sila,
Para pumasok sila sa mga pasukan ng mga prominente.
3 Nag-utos ako sa mga inatasan* ko.+
Para ipakita ang galit ko, tinawag ko ang aking mga mandirigma,
Na nagsasaya at nagmamalaki.
4 Pakinggan ninyo! May mga tao sa mga bundok,
At mukhang napakarami nila!
Pakinggan ninyo! Naghihiyawan ang mga kaharian,
Ang mga bansang nagkakatipon!+
Si Jehova ng mga hukbo ay nagtitipon ng mga sundalo para sa digmaan.+
5 Dumarating sila mula sa malayong lupain,+
Mula sa dulo ng mga langit,
Si Jehova at ang mga sandata ng galit niya,
Para ipahamak ang buong lupa.+
6 Humagulgol kayo, dahil ang araw ni Jehova ay malapit na!
Wawasakin ng Makapangyarihan-sa-Lahat ang lupain.+
8 Ang bayan ay takot na takot.+
Namimilipit sila sa sakit
Gaya ng babaeng manganganak na.
Nagtitinginan sila sa pagkasindak,
At bakas sa mukha nila ang paghihirap ng kalooban.
9 Makinig kayo! Ang araw ni Jehova ay dumarating,
Isang malupit na araw na punô ng poot at nag-aapoy na galit,
Para gawing nakapangingilabot ang lupain+
At lipulin ang mga makasalanang naroon.
10 Dahil ang mga bituin sa langit at ang mga konstelasyon* nila+
Ay hindi magbibigay ng kanilang liwanag;
Magiging madilim ang araw sa pagsikat nito,
At ang buwan ay hindi magliliwanag.
Wawakasan ko ang kayabangan ng mga pangahas,
At aalisin ko ang kahambugan ng malulupit.+
12 Ang taong mortal ay gagawin kong mas kaunti kaysa sa dinalisay na ginto;+
Magiging mas kaunti ang tao kaysa sa ginto ng Opir.+
13 Kaya payayanigin ko ang langit,
At ang lupa ay mauuga mula sa kinaroroonan nito+
Dahil sa poot ni Jehova ng mga hukbo sa araw ng kaniyang nag-aapoy na galit.
14 Gaya ng hinuhuling gasela* at gaya ng kawan na walang nagtitipon,
Ang bawat isa ay babalik sa kani-kaniyang bayan;
Ang bawat isa ay tatakas papunta sa kani-kaniyang lupain.+
16 Ang mga anak nila ay pagluluray-lurayin sa harap nila,+
Kukunin ang laman ng bahay nila,
At ang mga asawa nila ay gagahasain.
18 Pagluluray-lurayin ng mga pana ng mga ito ang mga kabataang lalaki;+
Ang mga ito ay hindi maaawa sa mga anak nila
O mahahabag sa mga bata.
19 At ang Babilonya, ang pinakamaluwalhati sa* mga kaharian,+
Ang kagandahan at ang ipinagmamalaki ng mga Caldeo,+
Ay magiging gaya ng Sodoma at Gomorra noong pabagsakin ng Diyos ang mga ito.+
Walang Arabe na magtatayo ng tolda roon,
At walang pastol na magdadala roon ng kaniyang mga kawan.
22 May mga nilalang na aalulong sa mga tore niya,
At mga chakal sa mararangya niyang palasyo.
Malapit na ang oras niya, at ang mga araw niya ay hindi na patatagalin.”+