Eclesiastes
5 Bantayan mo ang iyong lakad kapag pumupunta ka sa bahay ng tunay na Diyos;+ mas mabuting lumapit para makinig+ sa halip na maghandog gaya ng ginagawa ng mga mangmang,+ dahil hindi nila alam na masama ang ginagawa nila.
2 Huwag kang pabigla-bigla sa pagsasalita, at huwag mong hayaang magsalita nang padalos-dalos ang puso mo sa harap ng tunay na Diyos,+ dahil ang tunay na Diyos ay nasa langit pero ikaw ay nasa lupa. Kaya dapat mong piliing mabuti ang mga salita mo.+ 3 Dahil ang panaginip ay epekto ng sobrang daming álalahanín,*+ at ang kadaldalan ng mangmang ay epekto ng sobrang daming salita.+ 4 Kapag nanata ka sa Diyos, huwag mong ipagpaliban ang pagtupad dito,+ dahil hindi siya nalulugod sa mga mangmang.+ Tuparin mo ang ipinanata mo.+ 5 Mas mabuti pang hindi ka manata kaysa manata ka at hindi tumupad.+ 6 Huwag mong hayaang magkasala ka* dahil sa bibig mo,+ at huwag mong sabihin sa harap ng anghel* na nagkamali ka lang.+ Bakit mo gagalitin ang tunay na Diyos dahil sa sinabi mo at dahil diyan ay sisirain niya ang gawa ng mga kamay mo?+ 7 Dahil kung paanong ang maraming álalahanín* ay nagbubunga ng mga panaginip,+ ang maraming salita ay nagbubunga ng kawalang-kabuluhan. Pero matakot ka sa tunay na Diyos.+
8 Kung nakita mong inaapi ang dukha at binabale-wala ang hustisya at katuwiran sa inyong distrito, huwag mong ikagulat iyon.+ Dahil ang mataas na opisyal ay binabantayan ng isang nakatataas sa kaniya, at mayroon pang mga mas nakatataas sa kanila.
9 Gayundin, pinaghahatian nilang lahat ang pakinabang mula sa lupa; kahit ang hari ay umaasa sa bunga ng lupa.+
10 Ang maibigin sa pilak ay hindi makokontento sa pilak, at ang maibigin sa kayamanan ay hindi makokontento sa kita.+ Ito rin ay walang kabuluhan.+
11 Kapag dumarami ang mabubuting bagay, dumarami rin ang nakikihati sa mga iyon.+ At ang pakinabang lang dito ng may-ari ay ang makita ang mga iyon.+
12 Masarap ang tulog ng isang naglilingkod, kaunti man o marami ang kinakain niya, pero ang mayaman ay hindi pinatutulog ng kaniyang kasaganaan.
13 May nakita akong malaking kabiguan* sa ilalim ng araw: ang kayamanang inimpok ng isang tao na magpapahamak sa kaniya. 14 Nawala ang kayamanang iyon dahil sa di-nagtagumpay na hanapbuhay, at nang magkaanak siya, wala na siyang natirang pag-aari.+
15 Kung paanong hubad ang isang tao nang lumabas sa sinapupunan ng kaniyang ina, gayon din siya kapag namatay.+ Wala siyang madadalang anuman sa mga pinagpaguran niya.+
16 Ito rin ay malaking kabiguan:* Kung paano siya dumating, gayon siya aalis; at ano ang pakinabang ng taong patuloy na nagpapakapagod para lang sa hangin?+ 17 Araw-araw din siyang kumakain sa kadiliman, na punong-puno ng sama ng loob, sakit, at galit.+
18 Ito ang nakita kong mabuti at tama: na ang tao ay kumain, uminom, at masiyahan sa lahat ng pinaghirapan niya+ sa ilalim ng araw sa maikling buhay na ibinigay sa kaniya ng tunay na Diyos, dahil iyon ang gantimpala* niya.+ 19 At kapag ang isang tao ay binigyan ng tunay na Diyos ng kayamanan at mga ari-arian,+ pati ng kakayahang masiyahan sa mga iyon, dapat niyang tanggapin ang gantimpala* niya at magsaya sa pinaghirapan niya. Regalo ito ng Diyos.+ 20 At halos hindi niya mapapansin* ang paglipas ng mga araw ng buhay niya, dahil ginagawa siyang abala ng tunay na Diyos sa mga bagay na nagpapasaya sa puso.+