Mga Kawikaan
3 Walang tao ang nagiging panatag dahil sa kasamaan,+
Pero ang matuwid ay hindi kailanman mabubuwal.*
4 Ang mahusay na* asawang babae ay korona sa asawa niya,+
Pero ang asawang babaeng gumagawi nang kahiya-hiya ay parang kabulukan sa mga buto nito.+
5 Ang kaisipan ng mga matuwid ay makatarungan,
Pero ang payo ng masasama ay mapandaya.
6 Ang mga salita ng masasama ay gaya ng taong nag-aabang para pumatay,*+
Pero ang bibig ng mga matuwid ay nagliligtas.+
7 Kapag pinabagsak ang masasama, lubusan na silang mawawala,
Pero ang bahay ng mga matuwid ay mananatiling nakatayo.+
9 Mas mabuti pang maging di-kilala pero may tagapaglingkod
11 Ang nagsasaka ng lupa niya ay mabubusog,+
Pero ang naghahabol sa walang-kabuluhang mga bagay ay kulang sa unawa.*
12 Kinaiinggitan ng masama ang nahuli ng ibang masasama,
Pero ang matuwid ay gaya ng puno na malalim ang ugat at nagbubunga.
13 Ang masama ay nabibitag ng makasalanan niyang pananalita,+
Pero ang matuwid ay nakatatakas sa pagdurusa.
14 Napapabuti ang isang tao dahil sa pananalita* niya,+
At pinagpapala siya dahil sa mga gawa ng kamay niya.
17 Ang tapat na testigo ay magsasabi ng katotohanan,*
Pero ang sinungaling na testigo ay nanlilinlang.
18 Ang mga salitang hindi pinag-isipan ay gaya ng mga saksak ng espada,
Pero ang dila ng marurunong ay nagpapagaling.+
19 Ang mga labi na nagsasabi ng katotohanan ay mananatili magpakailanman,+
Pero ang dilang nagsisinungaling ay hindi magtatagal.+
20 Ang panlilinlang ay nasa puso ng mga nagpaplano ng masama,
22 Ang sinungaling na mga labi ay kasuklam-suklam kay Jehova,+
Pero ang mga tapat ay kalugod-lugod sa kaniya.
23 Hindi sinasabi ng marunong ang nalalaman niya,
Pero inilalabas ng mangmang* ang sarili niyang kamangmangan.+
25 Ang sobrang pag-aalala ay nagpapabigat sa puso ng* tao,+
Pero ang positibong salita ay nagpapasaya rito.+
26 Sinusuri ng matuwid ang mga pastulan niya,
Pero ang landas ng masasama ang nagliligaw sa kanila.