Ayon kay Mateo
2 Matapos ipanganak si Jesus sa Betlehem+ ng Judea noong mga araw ng haring si Herodes,+ ang mga astrologo mula sa Silangan ay dumating sa Jerusalem, 2 at nagsabi: “Nasaan ang ipinanganak na hari ng mga Judio?+ Nakita kasi namin ang bituin niya noong nasa Silangan kami, at nagpunta kami rito para magbigay-galang sa kaniya.” 3 Nang marinig ito ni Haring Herodes, natakot siya at ang buong Jerusalem. 4 Tinipon niya ang lahat ng punong saserdote at mga eskriba para tanungin sila kung saan ipanganganak ang Kristo. 5 Sinabi nila sa kaniya: “Sa Betlehem+ po ng Judea, dahil ganito ang isinulat ng propeta: 6 ‘At ikaw, O Betlehem ng lupain ng Juda, hindi ikaw ang pinakahamak na lunsod sa paningin ng mga gobernador* ng Juda, dahil sa iyo manggagaling ang tagapamahala na magpapastol sa bayan kong Israel.’”+
7 Pagkatapos, palihim na ipinatawag ni Herodes ang mga astrologo at inalam mula sa kanila kung kailan eksaktong lumitaw ang bituin. 8 Bago niya sila papuntahin sa Betlehem, sinabi niya: “Hanapin ninyong mabuti ang bata, at kapag nakita ninyo siya, sabihin ninyo sa akin para makapunta rin ako at makapagbigay-galang sa kaniya.” 9 Pagkarinig sa bilin ng hari, umalis na sila, at ang bituing nakita nila noong naroon sila sa Silangan+ ay nauna sa kanila hanggang sa huminto ito sa itaas ng kinaroroonan ng bata. 10 Nang makita nilang huminto ang bituin, tuwang-tuwa sila. 11 At pagpasok nila sa bahay, nakita nila ang bata kasama ang ina nitong si Maria. Lumuhod sila at nagbigay-galang sa bata. Naglabas din sila ng ginto, olibano, at mira bilang regalo sa kaniya. 12 Pero nagbabala sa kanila ang Diyos sa isang panaginip+ na huwag bumalik kay Herodes, kaya iba ang dinaanan nila pauwi sa kanilang lupain.
13 Pagkaalis nila, ang anghel ni Jehova ay nagpakita kay Jose sa panaginip.+ Sinabi nito: “Bumangon ka, dalhin mo ang bata at ang kaniyang ina at tumakas ka papuntang Ehipto, at huwag kayong aalis doon hangga’t hindi ko sinasabi, dahil hahanapin ni Herodes ang bata para patayin ito.” 14 Kaya bumangon si Jose nang gabing iyon at dinala ang bata at ang ina nito sa Ehipto. 15 Tumira siya roon hanggang sa pagkamatay ni Herodes. Katuparan ito ng sinabi ni Jehova sa pamamagitan ng kaniyang propeta: “Tinawag ko mula sa Ehipto ang anak ko.”+
16 Nang malaman ni Herodes na nilinlang siya ng mga astrologo, galit na galit siya. Kaya nagsugo siya ng mga tauhan para patayin ang lahat ng batang lalaki sa Betlehem at sa lahat ng distrito nito, mula dalawang taóng gulang pababa, batay sa panahon ng paglitaw ng bituin na sinabi sa kaniya ng mga astrologo.+ 17 Kaya natupad ang sinabi ng Diyos sa pamamagitan ng propetang si Jeremias:+ 18 “Narinig sa Rama ang pag-iyak at labis na paghagulgol. Iniiyakan ni Raquel+ ang mga anak niya dahil wala na sila, at walang sinumang makapagpagaan ng loob niya.”+
19 Nang mamatay na si Herodes, ang anghel ni Jehova ay nagpakita kay Jose sa Ehipto sa isang panaginip.+ 20 Sinabi nito: “Bumangon ka, dalhin mo ang bata at ang kaniyang ina at pumunta ka sa Israel, dahil patay na ang mga gustong pumatay sa bata.” 21 Kaya bumangon siya at dinala ang bata at ang ina nito pabalik sa Israel. 22 Pero nang mabalitaan niya na si Arquelao ang namamahala sa Judea kapalit ng ama nitong si Herodes, natakot siyang pumunta roon. Nagbabala rin sa kaniya ang Diyos sa panaginip,+ kaya sa Galilea+ siya nagpunta. 23 Nanirahan siya sa lunsod na tinatawag na Nazaret.+ Kaya natupad ang sinabi ng Diyos sa pamamagitan ng mga propeta: “Tatawagin siyang Nazareno.”+