Isaias
56 Ito ang sinabi ni Jehova:
“Itaguyod ninyo ang katarungan,+ at gawin ninyo ang matuwid,
Dahil malapit nang dumating ang pagliligtas ko
At masisiwalat na ang katuwiran ko.+
2 Maligaya ang taong gumagawa nito
At ang anak ng tao na nanghahawakan dito,
Na nangingilin ng Sabbath at hindi lumalapastangan dito+
At nagpipigil ng kamay niya sa paggawa ng anumang masama.
3 Huwag sabihin ng dayuhang pumanig kay Jehova,+
‘Siguradong ihihiwalay ako ni Jehova sa bayan niya.’
At huwag sabihin ng bating, ‘Isa akong tuyot na puno.’”
4 Dahil ito ang sinabi ni Jehova sa mga bating na nangingilin ng aking mga sabbath at pumipili sa kinalulugdan ko at nanghahawakan sa aking tipan:
5 “Magbibigay ako sa kanila sa bahay ko at sa loob ng aking mga pader ng isang monumento at isang pangalan,
Isang bagay na mas mabuti kaysa sa mga anak na lalaki at anak na babae.
Isang walang-hanggang pangalan ang ibibigay ko sa kanila,
Isang pangalan na hindi maglalaho.
6 Kung tungkol sa mga dayuhan na pumanig kay Jehova para sumamba sa kaniya,
Para ibigin ang pangalan ni Jehova+
At maging mga lingkod niya,
Lahat ng nangingilin ng Sabbath at hindi lumalapastangan dito
At nanghahawakan sa aking tipan,
7 Dadalhin ko rin sila sa aking banal na bundok,+
At magsasaya sila sa loob ng aking bahay-panalanginan.
Ang kanilang mga buong handog na sinusunog at ang kanilang mga hain ay tatanggapin sa altar ko.
Dahil ang bahay ko ay tatawaging bahay-panalanginan para sa lahat ng bayan.”+
8 Sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova, na nagtitipon ng mga nangalat mula sa Israel:+
“Titipunin ko sa kaniya ang iba pa bukod sa mga natipon na.”+
9 Lahat kayong mababangis na hayop sa parang, halikayo at kumain,
Lahat kayong mababangis na hayop sa gubat.+
10 Ang mga bantay niya ay bulag;+ walang sinuman sa kanila ang nagbibigay-pansin.+
Lahat sila ay mga asong pipi at hindi makatahol.+
Humihingal sila at nakahiga; mahilig silang matulog.
11 Sila ay matatakaw na aso;
Hindi sila nabubusog.
Mga pastol sila na walang unawa.+
Lahat sila ay lumalakad sa sarili nilang landas;
Bawat isa sa kanila ay di-tapat at naghahanap ng pansariling pakinabang at nagsasabi:
At bukas ay ganito ulit, pero mas masaya pa!”