Isaias
28 Kaawa-awa ang marangyang* korona* ng mga lasenggo ng Efraim+
At ang kumukupas na bulaklak ng maluwalhati nitong kagandahan,
Na nasa uluhan ng matabang lambak ng mga lasing na lasing sa alak!
2 Si Jehova ay may ipadadalang malakas at makapangyarihan.
Gaya ng makulog na pag-ulan ng yelo,* isang mapangwasak na bagyo,
Gaya ng makulog na bagyo ng malakas at humuhugos na tubig,
Ibabagsak niya iyon sa lupa nang napakalakas.
4 At ang kumukupas na bulaklak ng maluwalhati nitong kagandahan,
Na nasa uluhan ng matabang lambak,
Ay magiging gaya ng unang igos bago ang tag-araw.
Kapag may nakakita roon, lululunin niya iyon agad pagkakuha roon.
5 Sa araw na iyon, si Jehova ng mga hukbo ay magiging gaya ng maluwalhating korona at magandang putong sa mga natira sa bayan niya.+ 6 At siya ay magiging espiritu ng katarungan sa mga hukom at pagmumulan ng lakas ng mga humaharap sa mga kaaway sa pintuang-daan.+
7 At ang mga ito rin ay naliligaw dahil sa alak;
Sumusuray-suray sila dahil sa kanilang mga inuming de-alkohol.
Naliligaw ang saserdote at ang propeta dahil sa alkohol;
Nililito sila ng alak,
At sumusuray-suray sila dahil sa alkohol;
Inililigaw sila ng kanilang pangitain,
At nagkakamali sila sa pagpapasiya.+
8 Dahil punô ng maruming suka ang mga mesa nila
—Nagkalat ito sa buong paligid.
9 “Sino ba ang tuturuan niya,
At kanino ba niya ipapaliwanag ang mensahe?
Sa mga kaaawat pa lang sa gatas,
Sa mga kaaawat pa lang sa pagsuso?
10 Dahil lagi na lang ‘utos at utos, utos at utos,
Tuntunin at tuntunin, tuntunin at tuntunin,*+
Kaunti rito, kaunti roon.’”
11 Kaya sa pamamagitan ng mga nauutal at nagsasalita ng ibang wika ay makikipag-usap siya sa bayang ito.+ 12 Sinabi niya noon sa kanila: “Ito ang pahingahan. Magpahinga rito ang pagod; magiginhawahan kayo rito,” pero ayaw nilang makinig.+ 13 Kaya sa kanila, ang salita ni Jehova ay magiging:
14 Kaya makinig kayo sa salita ni Jehova, kayong mayayabang,
Kayong mga tagapamahala ng bayang ito sa Jerusalem,
15 Dahil sinasabi ninyo:
Kapag dumaan ang rumaragasang baha,
Hindi kami aabutan nito,
Dahil ginawa naming kanlungan ang kasinungalingan
At nagtago kami sa kabulaanan.”+
16 Kaya ito ang sinabi ng Kataas-taasang* Panginoong Jehova:
“Ginagawa kong pundasyon sa Sion ang isang subok na bato,+
Ang mahalagang batong-panulok+ ng isang matibay na pundasyon.+
Walang sinumang nananampalataya ang matatakot.+
Wawasakin ng pag-ulan ng yelo ang kanlungan ng mga kasinungalingan,
At babahain ang kublihan.
18 Mawawalan ng bisa ang pakikipagtipan ninyo sa Kamatayan,
Kapag dumaan ang rumaragasang baha,
Dudurugin kayo nito.
Dahil sa takot ay mauunawaan na nila ang narinig nila.”*
20 Dahil ang higaan ay napakaikli para makaunat,
At ang hinabing kumot ay napakakitid para ibalot sa katawan.
21 Dahil tatayo si Jehova na gaya noon sa Bundok Perazim;
Mag-aalab siya na gaya noon sa lambak* na malapit sa Gibeon,+
Para gawin ang gawain niya—ang kakaiba niyang gawain—
At para magawa niya ang dapat niyang gawin—ang pambihira niyang gawain.+
Para hindi lalong higpitan ang pagkakagapos sa inyo,
Dahil narinig ko mula sa Kataas-taasang Panginoon, si Jehova ng mga hukbo,
23 Makinig kayo at dinggin ang tinig ko;
Magbigay-pansin kayo at pakinggan ang sinasabi ko.
24 Buong araw bang mag-aararo ang magsasaka bago maghasik ng binhi?
Patuloy ba niyang bubungkalin at susuyurin ang lupa niya?+
25 Kapag napatag na niya ang ibabaw nito,
Hindi ba magsasaboy na siya ng kominong itim at maghahasik ng komino,
At hindi ba magtatanim na siya ng trigo, mijo, at sebada sa mga puwesto nito
At ng espelta+ sa mga gilid ng sakahan?
27 Dahil ang kominong itim ay hindi dinudurog sa pamamagitan ng panggiik na kareta,+
At ang gulong ng kariton ay hindi pinadadaan sa komino.
Sa halip, hinahampas ang kominong itim gamit ang tungkod,
At ang komino gamit ang baston.
28 Dinudurog ba ng isang tao ang mga butil hanggang sa maging harina ng tinapay?