Liham sa mga Taga-Roma
5 Kaya ngayong ipinahayag na tayong matuwid dahil sa pananampalataya,+ panatilihin nawa natin ang mapayapang kaugnayan sa Diyos, na natamo natin sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Kristo;+ 2 dahil nanampalataya tayo sa kaniya, nabuksan ang daan para makatanggap tayo ng walang-kapantay na kabaitan, na tinatamasa natin ngayon.+ Magsaya rin tayo dahil sa pag-asang tumanggap ng kaluwalhatian mula sa Diyos.+ 3 Hindi lang iyan. Magsaya rin tayo habang nagdurusa,+ dahil alam nating ang pagdurusa ay nagbubunga ng kakayahang magtiis;*+ 4 ang kakayahang magtiis* naman, ng pagsang-ayon ng Diyos;*+ ang pagsang-ayon ng Diyos, ng pag-asa,+ 5 at hindi mabibigo ang pag-asa natin;+ dahil ang ating puso ay pinuno ng Diyos ng kaniyang pag-ibig sa pamamagitan ng banal na espiritu na ibinigay niya sa atin.+
6 Sa katunayan, noong mahina pa tayo,+ namatay si Kristo sa itinakdang panahon para sa mga di-makadiyos. 7 Bihirang mangyari na may handang mamatay para sa isang matuwid na tao; baka mayroon pa para sa isang mabuting tao. 8 Pero ipinakita* sa atin ng Diyos ang kaniyang pag-ibig sa ganitong paraan: Namatay si Kristo para sa atin habang makasalanan pa tayo.+ 9 At dahil ipinahayag na tayong matuwid sa bisa ng kaniyang dugo,+ mas makakatiyak tayo na makaliligtas tayo sa pamamagitan niya mula sa poot ng Diyos.+ 10 Dahil kung noong mga kaaway pa tayo ng Diyos ay naipagkasundo na tayo sa kaniya sa pamamagitan ng kamatayan ng kaniyang Anak,+ lalo pa nga tayong makakatiyak, ngayong naipagkasundo na tayo, na maliligtas tayo sa pamamagitan ng kaniyang buhay. 11 Nagsasaya rin tayo dahil sa kaugnayan natin sa Diyos sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Kristo, na naging daan para maipagkasundo tayo sa Diyos.+
12 Kaya sa pamamagitan ng isang tao, ang kasalanan ay pumasok sa sangkatauhan at dahil sa kasalanan ay pumasok ang kamatayan,+ kaya naman ang kamatayan ay lumaganap sa lahat ng tao, dahil silang lahat ay nagkasala.+ 13 Dahil nasa sangkatauhan* na ang kasalanan bago pa magkaroon ng Kautusan, pero walang nahahatulang nagkasala kapag walang kautusan.+ 14 Gayunpaman, ang kamatayan ay namahala bilang hari mula kay Adan hanggang kay Moises, kahit sa mga hindi nakagawa ng pagkakasalang gaya ng kay Adan, na may pagkakatulad sa isa na darating.+
15 Pero ang regalo ng Diyos ay hindi katulad ng nagawang pagkakasala. Dahil kung namatay ang marami dahil sa pagkakasala ng isang tao, nakinabang naman nang malaki ang* marami+ dahil sa walang-kapantay na kabaitan ng Diyos at sa kaniyang walang-bayad na regalo. Ibinigay ang regalong ito sa pamamagitan ng walang-kapantay na kabaitan ng isang tao, si Jesu-Kristo.+ 16 Isa pa, ang mga pakinabang mula sa walang-bayad na regalo ay ibang-iba sa resulta ng pagkakasala ng isang tao.+ Dahil sa isang pagkakasala, nahatulang may-sala ang lahat ng tao,+ pero dahil sa regalong ibinigay matapos ang maraming pagkakasala, naipahayag na matuwid ang maraming tao.+ 17 Kung dahil sa pagkakasala ng isang tao ay naghari ang kamatayan, sa pamamagitan naman ng isang tao,+ si Jesu-Kristo, mabubuhay at mamamahala bilang hari+ ang mga tumatanggap ng walang-kapantay na kabaitan at walang-bayad na regalo ng katuwiran*+ na saganang ibinibigay ng Diyos.+
18 Kaya nga kung sa pamamagitan ng isang pagkakasala, ang lahat ng uri ng tao ay nahatulan,+ sa pamamagitan naman ng isang matuwid na gawa, ang lahat ng uri ng tao+ ay naipahahayag na matuwid para sa buhay.+ 19 Dahil lang sa pagsuway ng isang tao, marami ang naging makasalanan,+ pero dahil sa pagkamasunurin ng isang tao, marami ang magiging matuwid.+ 20 At nagkaroon ng Kautusan para mas makita ng mga tao na makasalanan sila.+ Pero habang dumarami ang kasalanan, lalo ring sumasagana ang walang-kapantay na kabaitan ng Diyos. 21 Bakit? Para kung paanong naghari ang kasalanan kasama ng kamatayan,+ makapaghari din ang walang-kapantay na kabaitan nang may katuwiran at mabuksan ang daan tungo sa buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Jesu-Kristo na ating Panginoon.+