Mga Awit
2 Bibigkas ako ng mga kasabihan.
Magbibigay ako ng sinaunang mga palaisipan.+
3 Ang mga bagay na narinig at nalaman natin,
Na ikinuwento sa atin ng ating mga ama,+
4 Ay hindi natin itatago sa ating mga anak;
Ikukuwento natin sa darating na henerasyon+
Ang kapuri-puring mga gawa ni Jehova at ang lakas niya,+
Ang kamangha-manghang mga bagay na ginawa niya.+
5 Nagbigay siya ng paalaala sa Jacob
At nagtakda ng kautusan sa Israel;
Iniutos niya sa ating mga ninuno
Na ipaalám ang mga bagay na ito sa kanilang mga anak,+
6 Para malaman ito ng susunod na henerasyon,
Ng mga batang ipanganganak pa lang.+
At sila naman ang magkukuwento ng mga ito sa kanilang mga anak.+
7 Sa gayon, magtitiwala sila sa Diyos.
8 At hindi sila magiging gaya ng mga ninuno nila,
Isang henerasyong matigas ang ulo at mapagrebelde,+
Isang henerasyong hindi matatag* ang puso+
At hindi tapat sa Diyos.
9 Ang mga Efraimita ay nasasandatahan ng pana,
Pero umurong sila sa araw ng labanan.
11 Nalimutan din nila ang mga ginawa niya,+
Ang kamangha-manghang mga gawa na ipinakita niya sa kanila.+
12 Gumawa siya ng kagila-gilalas na mga bagay sa harap ng kanilang mga ninuno,+
Sa lupain ng Ehipto, sa rehiyon ng Zoan.+
14 Inakay niya sila sa pamamagitan ng ulap kapag araw
At sa pamamagitan ng liwanag ng apoy sa buong gabi.+
17 Pero patuloy pa rin silang nagkasala sa kaniya,
Naghimagsik sila laban sa Kataas-taasan sa disyerto;+
18 Hinamon* nila ang Diyos sa puso nila+
Noong pilit silang humingi ng gusto nilang pagkain.
19 Kaya nagsalita sila laban sa Diyos.
Sinabi nila: “Makapaghahanda ba ang Diyos ng hapag-kainan sa ilang?”+
“Makapagbibigay rin kaya siya ng tinapay,
O makapagbibigay kaya siya ng karne para sa bayan niya?”+
21 Nang marinig sila ni Jehova, galit na galit siya;+
Lumagablab ang apoy+ laban sa Jacob,
At sumiklab ang galit niya laban sa Israel.+
22 Dahil hindi sila nanampalataya sa Diyos;+
Hindi sila nagtiwala sa kakayahan niyang iligtas sila.
23 Kaya inutusan niya ang maulap na kalangitan,
At binuksan niya ang mga pinto ng langit.
25 Kinain ng mga tao ang tinapay ng mga makapangyarihan;*+
Naglaan siya nang sapat para mabusog sila.+
26 Pinabugso niya ang hanging silangan sa langit,
At pinahihip niya ang hangin mula sa timog sa pamamagitan ng lakas niya.+
27 At nagpaulan siya sa kanila ng karne na sindami ng alabok,
Ng mga ibon na sindami ng buhangin sa tabing-dagat.
28 Pinabagsak niya ang mga iyon sa gitna ng kaniyang kampo,
Sa palibot ng mga tolda niya.
30 Pero bago pa nila lubusang masapatan ang pagnanasa nila,
Habang nasa bibig pa nila ang pagkain,
Pinatay niya ang kanilang matitipunong lalaki;+
Pinabagsak niya ang malalakas na lalaki ng Israel.
32 Sa kabila nito, lalo pa silang gumawa ng kasalanan+
At hindi sila nanampalataya sa kamangha-mangha niyang mga gawa.+
33 Kaya winakasan niya ang kanilang mga araw na gaya lang ng hininga,+
At tinapos niya ang mga taon nila nang may kaligaligan.
34 Pero kapag sinimulan na niya silang puksain, hinahanap nila siya;+
Nanunumbalik sila at hinahanap ang Diyos,
36 Pero tinangka nilang linlangin siya ng kanilang bibig,
At nagsinungaling sila sa kaniya sa pamamagitan ng kanilang dila.
Madalas niyang pinipigil ang galit niya,+
Sa halip na pag-alabin ang buong poot niya.
42 Hindi nila inalaala ang kapangyarihan* niya,
Ang araw nang iligtas* niya sila mula sa kalaban,+
43 Kung paano siya nagpakita ng mga tanda sa Ehipto+
At ng mga himala sa rehiyon ng Zoan,
44 At kung paano niya ginawang dugo ang mga kanal ng Nilo+
Para hindi sila* makainom mula sa kanilang mga batis.
45 Nagpadala siya ng nangangagat na mga langaw para pahirapan* sila+
At ng mga palaka para salutin sila.+
46 Ibinigay niya ang kanilang ani sa matatakaw na balang,
Ang pinaghirapan nila sa napakaraming balang.+
47 Winasak niya ang kanilang mga ubasan
At ang kanilang mga puno ng sikomoro sa pamamagitan ng ulan ng yelo.*+
48 Nagpabagsak siya ng mga tipak ng yelo sa kanilang mga hayop na pantrabaho,+
At pinatamaan niya ng kidlat* ang mga alaga nilang hayop.
49 Ipinatikim niya sa kanila ang kaniyang nag-aapoy na galit,
Ang poot at pagkamuhi at paghihirap;
Nagsugo siya ng mga anghel para magdala ng kapahamakan.
50 Naghawan siya ng landas para sa kaniyang galit.
Hindi niya sila* iniligtas sa kamatayan;
At pinuksa niya sila sa pamamagitan ng salot.
51 Bandang huli ay pinatay niya ang lahat ng panganay sa Ehipto,+
Ang pasimula ng kanilang kakayahang magkaanak sa mga tolda ni Ham.
52 Pagkatapos ay inilabas niya ang kaniyang bayan na gaya ng mga tupa,+
At ginabayan niya silang gaya ng isang kawan sa ilang.
53 Inakay niya sila at iningatan,
At hindi sila nakadama ng takot;+
Tinabunan ng dagat ang mga kaaway nila.+
54 At dinala niya sila sa kaniyang banal na teritoryo,+
Sa mabundok na rehiyong ito na kinuha ng kaniyang kanang kamay.+
55 Pinalayas niya ang mga bansa mula sa harapan nila;+
Binigyan niya sila ng kani-kanilang mana sa pamamagitan ng pising panukat;+
Pinatira niya ang mga tribo ng Israel sa mga tahanan nila.+
56 Pero patuloy nilang hinamon* ang Diyos na Kataas-taasan, at nagrebelde sila sa kaniya;+
Hindi sila nakinig sa mga paalaala niya.+
57 Iniwan din nila siya at naging taksil gaya ng mga ninuno nila.+
Hindi sila maaasahan na gaya ng panang maluwag ang bagting.+
58 Patuloy nila siyang ginalit sa pamamagitan ng kanilang matataas na lugar,+
At pinukaw nila ang kaniyang poot* sa pamamagitan ng kanilang mga inukit na imahen.+
60 Bandang huli ay pinabayaan niya ang tabernakulo ng Shilo,+
Ang tolda na tinirhan niya kasama ng mga tao.+
61 Hinayaan niyang mabihag ang simbolo ng kaniyang lakas;
Hinayaan niyang mapasakamay ng kalaban ang karilagan niya.+
63 Tinupok ng apoy ang malalakas niyang lalaki,
At hindi inawitan ng awit-pangkasal* ang mga dalaga niya.
65 Pagkatapos ay gumising si Jehova na parang galing sa pagkakatulog,+
Gaya ng malakas na lalaking+ nahimasmasan mula sa pagkalasing.
67 Itinakwil niya ang tolda ni Jose;
Hindi niya pinili ang tribo ni Efraim.
69 Ang santuwaryo niya ay ginawa niyang gaya ng langit na namamalagi,*+
Tulad ng lupa na ginawa niya para manatili magpakailanman.+