Josue
10 Nang mabalitaan ni Haring Adoni-zedek ng Jerusalem na sinakop ni Josue ang Ai at lubusan itong winasak, na ginawa niya sa Ai at sa hari nito+ ang gaya ng ginawa niya sa Jerico at sa hari nito+ at nakipagpayapaan sa Israel ang mga taga-Gibeon+ at sumama na sa kanila, 2 takot na takot siya,+ dahil ang Gibeon ay isang malaking* lunsod, tulad ng maharlikang mga lunsod. Mas malaki ito kaysa sa Ai,+ at ang lahat ng lalaki nito ay mandirigma. 3 Dahil dito, si Adoni-zedek na hari ng Jerusalem ay nagpadala ng ganitong mensahe kay Hoham na hari ng Hebron,+ kay Piram na hari ng Jarmut, kay Japia na hari ng Lakis, at kay Debir na hari ng Eglon:+ 4 “Tulungan ninyo ako at salakayin natin ang Gibeon, dahil nakipagpayapaan ito kay Josue at sa mga Israelita.”+ 5 Kaya ang limang hari ng mga Amorita+—ang hari ng Jerusalem, ang hari ng Hebron, ang hari ng Jarmut, ang hari ng Lakis, at ang hari ng Eglon—ay nagsama-sama pati ang mga hukbo nila. Lumusob sila sa Gibeon at pinalibutan ito para makipagdigma rito.
6 Pagkatapos, ang mga lalaki ng Gibeon ay nagpadala ng mensahe kay Josue sa kampo sa Gilgal.+ Sinabi nila: “Huwag mong pabayaan ang mga alipin mo.*+ Pumunta ka rito agad! Iligtas mo kami at tulungan mo kami! Ang lahat ng hari ng mga Amorita mula sa mabundok na rehiyon ay nagsama-sama para salakayin kami.” 7 Kaya umalis si Josue sa Gilgal kasama ang buong hukbo at ang pinakamahuhusay na mandirigma.+
8 At sinabi ni Jehova kay Josue: “Huwag kang matakot sa kanila,+ dahil ibinigay ko na sila sa iyo.+ Walang isa man sa kanila ang magtatagumpay laban sa iyo.”+ 9 Naglakbay si Josue nang buong gabi mula sa Gilgal at bigla nilang sinalakay ang mga kaaway. 10 Nilito ni Jehova ang mga ito sa harap ng Israel,+ at marami sa kanila ang pinatay ng mga Israelita sa Gibeon; hinabol sila ng mga Israelita sa paakyat na daan ng Bet-horon at pinatay sila hanggang sa Azeka at Makeda. 11 Habang tumatakas sila sa mga Israelita at bumababa ng Bet-horon, nagpabagsak si Jehova ng malalaking tipak ng yelo* mula sa langit hanggang sa Azeka, at namatay sila. Sa katunayan, mas marami ang namatay sa pag-ulan ng yelo kaysa sa napatay ng mga Israelita sa pamamagitan ng espada.
12 Nang araw na iyon, kung kailan ibinigay ni Jehova ang mga Amorita sa kamay ng mga Israelita, sinabi ni Josue kay Jehova sa harap ng mga Israelita:
13 Kaya ang araw ay huminto at ang buwan ay hindi gumalaw hanggang sa makapaghiganti ang bansa sa mga kaaway nito. Hindi ba nakasulat ito sa aklat na Jasar?+ Ang araw ay huminto sa gitna ng langit at hindi lumubog sa loob ng halos isang araw. 14 Ngayon lang nangyari at hindi na naulit pa na nakinig si Jehova sa tinig ng tao+ sa ganoong paraan, dahil si Jehova ang nakikipaglaban para sa Israel.+
15 Pagkatapos, bumalik si Josue kasama ang buong Israel sa kampo sa Gilgal.+
16 Samantala, tumakas ang limang hari at nagtago sa kuweba sa Makeda.+ 17 May nagbalita kay Josue: “Ang limang hari ay nakitang nagtatago sa kuweba sa Makeda.”+ 18 Kaya sinabi ni Josue: “Magpagulong kayo ng malalaking bato sa pasukan ng kuweba at mag-atas kayo ng mga lalaking magbabantay sa kanila. 19 Pero ang lahat ng iba pa ay huwag tumigil. Habulin ninyo ang mga kaaway at pabagsakin sila.+ Huwag ninyo silang hayaang makapasok sa mga lunsod nila, dahil ibinigay na sila ni Jehova na inyong Diyos sa inyong kamay.”
20 Matapos mapatay ni Josue at ng mga Israelita ang marami sa kanila hanggang sa halos maubos silang lahat maliban sa mga nakatakas at nakapasok sa mga napapaderang* lunsod, 21 ang buong bayan ay ligtas na bumalik kay Josue sa kampo sa Makeda. Walang isa man ang nagtangkang magsalita* laban sa mga Israelita. 22 Pagkatapos, sinabi ni Josue: “Buksan ninyo ang pasukan ng kuweba at ilabas ninyo ang limang hari mula sa kuweba at dalhin sa akin.” 23 Kaya dinala nila sa kaniya ang limang haring ito mula sa kuweba: ang hari ng Jerusalem, ang hari ng Hebron, ang hari ng Jarmut, ang hari ng Lakis, at ang hari ng Eglon.+ 24 Nang dalhin nila ang limang haring ito kay Josue, tinawag ni Josue ang lahat ng lalaki ng Israel at sinabi sa mga kumandante ng mga lalaking mandirigma na sumama sa kaniya: “Lumapit kayo. Ilagay ninyo ang inyong mga paa sa mga batok ng mga haring ito.” Kaya lumapit sila at inilagay ang mga paa nila sa mga batok ng mga iyon.+ 25 At sinabi ni Josue sa kanila: “Huwag kayong matakot o masindak.+ Lakasan ninyo ang loob ninyo at magpakatatag kayo, dahil ganito ang gagawin ni Jehova sa lahat ng kaaway na lalabanan ninyo.”+
26 Pagkatapos, pinatay sila ni Josue at ibinitin sa limang tulos;* nakabitin sila sa mga tulos hanggang bago dumilim. 27 Paglubog ng araw, iniutos ni Josue na ibaba ang mga ito mula sa mga tulos+ at ihagis sa kuweba na pinagtaguan ng mga ito. Pagkatapos, naglagay sila ng malalaking bato sa pasukan ng kuweba, at naroon pa rin ang mga iyon hanggang sa mismong araw na ito.
28 Sinakop ni Josue ang Makeda+ nang araw na iyon at pinabagsak ito sa pamamagitan ng espada. Pinuksa niya ang hari nito at ang lahat* ng naroon. Wala siyang itinirang buháy.+ Ginawa niya sa hari ng Makeda+ ang gaya ng ginawa niya sa hari ng Jerico.
29 Pagkatapos, si Josue at ang buong Israel ay umalis sa Makeda at pumunta sa Libna+ para makipagdigma rito. 30 Ang Libna at ang hari nito+ ay ibinigay rin ni Jehova sa kamay ng Israel, at pinabagsak nila ito at ang lahat* ng naroon sa pamamagitan ng espada, at wala silang itinirang buháy. Ginawa nila sa hari nito ang gaya ng ginawa nila sa hari ng Jerico.+
31 Pagkatapos, si Josue at ang buong Israel ay umalis sa Libna at nagpunta sa Lakis.+ Nagkampo sila roon at nakipagdigma. 32 Ibinigay ni Jehova ang Lakis sa kamay ng Israel, at nasakop nila ito nang ikalawang araw. Pinabagsak nila ito at ang lahat* ng tagaroon sa pamamagitan ng espada,+ gaya ng ginawa nila sa Libna.
33 Si Horam na hari ng Gezer+ at ang hukbo niya ay pumunta sa Lakis para tulungan ito, pero pinabagsak sila ni Josue at wala siyang itinirang buháy.
34 Pagkatapos, si Josue at ang buong Israel ay umalis sa Lakis at nagpunta sa Eglon.+ Nagkampo sila sa Eglon at nakipagdigma rito. 35 Sinakop nila ito nang araw na iyon at pinabagsak ito sa pamamagitan ng espada. Pinuksa nila ang lahat* ng tagaroon nang araw na iyon, gaya ng ginawa nila sa Lakis.+
36 Pagkatapos, si Josue at ang buong Israel ay umalis sa Eglon at nagpunta sa Hebron+ at nakipagdigma rito. 37 Sinakop nila ang Hebron. Ang hari nito, ang mga bayan nito, at ang lahat* ng naroon ay pinabagsak nila sa pamamagitan ng espada, at wala silang itinirang buháy. Winasak niya ito at pinuksa ang lahat* ng tagaroon, gaya ng ginawa niya sa Eglon.
38 Panghuli, si Josue at ang buong Israel ay bumaling sa Debir+ at nakipagdigma rito. 39 Sinakop niya ang Debir at ang lahat ng bayan nito. Pinuksa nila ang hari nito at ang lahat* ng naroon sa pamamagitan ng espada,+ at wala silang itinirang buháy.+ Ginawa niya sa Debir at sa hari nito ang gaya ng ginawa niya sa Hebron at sa Libna at sa hari nito.
40 Sinakop ni Josue ang buong lupain ng mabundok na rehiyon, ang Negeb, ang Sepela,+ at ang mga dalisdis, at tinalo ang lahat ng kanilang hari, at wala siyang itinirang buháy; pinuksa niya ang lahat ng humihinga,+ gaya ng iniutos ni Jehova na Diyos ng Israel.+ 41 Sinakop ni Josue ang mga lupain mula sa Kades-barnea+ hanggang sa Gaza+ at ang buong lupain ng Gosen+ hanggang sa Gibeon.+ 42 Nabihag ni Josue ang lahat ng haring ito at nasakop ang lahat ng lupain nila sa iisang kampanya ng pakikipagdigma, dahil si Jehova na Diyos ng Israel ang nakikipaglaban para sa Israel.+ 43 Pagkatapos nito, si Josue at ang buong Israel ay bumalik sa kampo sa Gilgal.+