Isaias
30 “Kaawa-awa ang suwail na mga anak,”+ ang sabi ni Jehova,
“Na nagsasagawa ng mga planong hindi galing sa akin,+
Na nakikipag-alyansa,* pero hindi sa pamamagitan ng aking espiritu,
Para dagdagan ng kasalanan ang kasalanan.
2 Pumupunta sila sa Ehipto+ nang hindi sumasangguni sa akin,+
Para manganlong sa proteksiyon* ng Paraon
At sumilong sa lilim ng Ehipto!
3 Pero ang proteksiyon ng Paraon ay magdadala sa inyo ng kahihiyan;
Mapapahiya kayo sa panganganlong sa lilim ng Ehipto.+
5 Ipapahiya silang lahat
Ng isang bayang walang silbi sa kanila,
Na walang maibigay na tulong o pakinabang,
Kundi kahihiyan at kadustaan lang.”+
6 Mensahe laban sa mga hayop sa timog:
Habang naglalakbay sa lupain ng pagdurusa at paghihirap,
Ng leon, ng umuungal na leon,
Ng ulupong at ng lumilipad at malaapoy na ahas,*
Ipinapasan nila ang yaman nila sa likod ng mga asno
At ang mga suplay nila sa likod ng mga kamelyo.
Pero hindi makikinabang ang bayan sa mga bagay na ito.
7 Dahil wala talagang maitutulong ang Ehipto.+
Kaya tinawag ko itong “Rahab,+ na nakaupo lang.”
8 “Ngayon ay isulat mo iyon sa isang tapyas sa harap nila,
At itala mo iyon sa isang aklat,+
Para magsilbi itong permanenteng patotoo
Sa hinaharap.+
10 Sinasabi nila sa mga tagakita,* ‘Huwag kayong makakita,’
At sa mga nakakakita ng pangitain, ‘Huwag ninyong sabihin sa amin ang totoong nakita ninyo.+
Magagandang bagay ang sabihin ninyo sa amin; manghula kayo ng mapanlinlang na mga kathang-isip.+
11 Lumihis kayo sa daan; iwan ninyo ang landas.
Tigilan na ninyo ang pagsasabi sa amin ng tungkol sa Banal ng Israel.’”+
12 Kaya ito ang sinabi ng Banal ng Israel:
“Dahil ayaw ninyong makinig sa salitang ito+
At nagtitiwala kayo sa pandaraya at panlilinlang
At umaasa kayo roon,+
13 Ang pagkakamali ninyong ito ay magiging gaya ng sirang pader,
Gaya ng mataas na pader na lumalaki ang sira at babagsak na.
Bigla itong babagsak, sa isang iglap.
14 Mawawasak iyon na gaya ng isang malaking banga ng magpapalayok;
Magkakadurog-durog iyon at walang pirasong matitira
Para ipangkuha ng baga sa apuyan
O ipanalok ng tubig sa lupa.”*
15 Dahil ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova, ang Banal ng Israel:
“Kung manunumbalik kayo sa akin at magpapahinga, maliligtas kayo;
Magkakaroon kayo ng lakas kung mananatili kayong panatag at magtitiwala.”+
Pero ayaw ninyo.+
16 Sa halip, sinabi ninyo: “Hindi, tatakas kami sakay ng mga kabayo!”
Kaya tatakas kayo.
“At sasakay kami sa mga kabayong matutulin!”+
Kaya ang mga humahabol sa inyo ay magiging matulin.+
17 Manginginig ang isang libo dahil sa banta ng isa;+
Sa banta ng lima ay tatakas kayo
Hanggang sa ang matira sa inyo ay gaya ng isang poste sa tuktok ng bundok,
Gaya ng isang posteng pananda sa burol.+
18 Pero si Jehova ay matiyagang* naghihintay para magpakita ng kabutihan sa inyo,+
At kikilos siya para magpakita sa inyo ng awa.+
Dahil si Jehova ay Diyos ng katarungan.+
Maligaya ang lahat ng patuloy* na naghihintay sa kaniya.+
19 Kapag ang bayan ay nanirahan sa Sion, sa Jerusalem,+ hindi ka na iiyak pa.+ Kapag humingi ka ng tulong, pagpapakitaan ka niya ng awa; sa sandaling marinig ka niya, sasagutin ka niya.+ 20 Bagaman bibigyan kayo ni Jehova ng tinapay ng pagdurusa at tubig ng pagmamalupit,+ hindi na magtatago ang iyong Dakilang Tagapagturo, at makikita ng iyong mga mata ang iyong Dakilang Tagapagturo.+ 21 At may maririnig kang tinig sa likuran mo na nagsasabi: “Ito ang daan.+ Lumakad kayo rito,” sakaling mapalihis kayo sa kanan o sa kaliwa.+
22 At durungisan mo ang pilak na ibinalot sa iyong mga inukit na imahen at ang gintong ibinalot sa iyong mga metal na estatuwa.+ Itatapon mo ang mga iyon na gaya ng pasador at sasabihin sa mga iyon, “Ayoko na kayong makita!”*+ 23 At magpapaulan siya para sa binhing inihahasik mo sa lupa,+ at ang pagkaing* ibinubunga ng lupa ay magiging sagana at masustansiya.*+ Sa araw na iyon, ang mga alaga mong hayop ay manginginain sa malalawak na pastulan.+ 24 At ang mga baka at asno na sumasaka ng lupa ay kakain ng pagkain na tinimplahan ng acedera at tinahip ng pala at tinidor. 25 At sa bawat matayog na bundok at bawat mataas na burol ay magkakaroon ng mga batis at mga daluyan ng tubig,+ sa araw ng paglipol kapag bumagsak ang mga tore. 26 At ang liwanag ng buwan na nasa kabilugan ay magiging gaya ng liwanag ng araw; at ang liwanag ng araw ay titindi nang pitong ulit,+ gaya ng liwanag ng pitong araw, sa araw na bibigkisan ni Jehova ang bali ng bayan niya+ at pagagalingin ang malubhang sugat nila dahil sa paghampas niya.+
27 Ang pangalan ni Jehova ay dumarating galing sa malayo,
Nagniningas dahil sa kaniyang galit at may kasamang makakapal na ulap.
Ang mga labi niya ay punô ng galit,
At ang dila niya ay gaya ng apoy na lumalamon.+
28 Ang espiritu* niya ay gaya ng rumaragasang baha na abot hanggang leeg;
Yuyugyugin nito ang mga bansa sa salaan ng pagpuksa;*
At ang mga tao ay lalagyan ng renda sa mga panga+ na magliligaw sa kanila.
29 Pero ang awit ninyo ay magiging gaya ng inaawit sa gabi
Kapag naghahanda kayo* para sa isang kapistahan,+
At ang puso ninyo ay magsasaya
Gaya ng isa na naglalakad na may* plawta
Papunta sa bundok ni Jehova, sa Bato ng Israel.+
30 Iparirinig ni Jehova ang kaniyang maringal na tinig+
At ipapakita ang kaniyang bisig+ habang bumababa ito dahil sa nag-iinit na galit,+
Nang may liyab ng apoy na lumalamon,+
Biglang buhos ng malakas na ulan+ at makulog na bagyo at pag-ulan ng yelo.*+
32 At bawat hampas ng kaniyang pamalong pamparusa
Na patatamain ni Jehova sa Asirya
Ay sasabayan ng mga tamburin at mga alpa+
Habang ginagamit niya ang bisig niya sa pakikipagdigma sa kanila.+
Ang hukay para sa panggatong ay ginawa niyang malalim at malawak;
Napakaraming apoy at kahoy roon.
Sisilaban iyon ng hininga ni Jehova,
Na gaya ng malakas na agos ng asupre.