Jeremias
2 Ang salita ni Jehova ay dumating sa akin. Sinabi niya: 2 “Pumunta ka sa mga taga-Jerusalem at sabihin mo, ‘Ito ang sinabi ni Jehova:
“Tandang-tanda ko pa ang debosyon* mo noong kabataan ka,+
Ang pag-ibig na ipinakita mo noong nakatakda kang ikasal,+
Ang pagsunod mo sa akin sa ilang,
Sa isang lupaing hindi hinahasikan ng binhi.+
3 Ang Israel ay banal kay Jehova,+ ang unang bunga ng kaniyang ani.”’
‘Ang sinumang mananakit sa kaniya ay magkakasala.
Mapapahamak sila,’ ang sabi ni Jehova.”+
4 Pakinggan ninyo ang salita ni Jehova, O sambahayan ni Jacob,
At lahat kayong mga pamilya sa sambahayan ng Israel.
5 Ito ang sinabi ni Jehova:
“Anong pagkakamali ang nakita sa akin ng mga ninuno ninyo+
At nagpakalayo-layo sila sa akin?
Sumunod sila sa walang-kabuluhang mga idolo+ at naging mga walang kabuluhan din.+
6 Hindi sila nagtanong, ‘Nasaan si Jehova,
Ang naglabas sa atin mula sa lupain ng Ehipto,+
Ang pumatnubay sa atin sa paglalakbay sa ilang,
Sa lupain ng mga disyerto+ at hukay,
Sa lupaing tuyot+ at nasa matinding kadiliman,
Sa lupain na hindi dinadaanan
O tinitirhan ng tao?’
7 Dinala ko kayo sa isang lupain na may mga taniman,
Para kainin ang mga bunga nito at ang mabubuting bagay nito.+
Pero pagpasok ninyo roon ay dinumhan ninyo ang lupain ko;
Ginawa ninyong kasuklam-suklam ang aking pamana.+
8 Hindi nagtanong ang mga saserdote, ‘Nasaan si Jehova?’+
Hindi ako kilala ng mga humahawak ng Kautusan,
Nagrebelde sa akin ang mga pastol,+
Nanghula ang mga propeta sa ngalan ni Baal,+
At sumunod sila sa mga hindi makapagbibigay ng anumang pakinabang.
9 ‘Kaya makikipaglaban pa ako sa inyo,’+ ang sabi ni Jehova,
‘At makikipaglaban ako sa mga anak ng inyong mga anak.’
10 ‘Pero tumawid kayo papunta sa mga lupain ng Kitim+ sa tabing-dagat* at magmasid kayo.
Oo, magsugo kayo sa Kedar+ at mag-isip na mabuti;
Tingnan ninyo kung may nangyari nang tulad nito.
11 May bansa na bang ipinagpalit ang kaniyang mga diyos sa hindi naman mga diyos?
Pero ang kaluwalhatian ko ay ipinagpalit ng sarili kong bayan sa walang kabuluhan.+
12 Titigan mo ito at magimbal ka, O langit;
Mangatog ka sa matinding takot,’ ang sabi ni Jehova,
13 ‘Dahil dalawang masasamang bagay ang ginawa ng bayan ko:
Iniwan nila ako, ang bukal ng tubig na nagbibigay-buhay,+
At humukay* sila ng sariling mga imbakan ng tubig,
Mga imbakang sira at hindi malalagyan ng tubig.’
14 ‘Ang Israel ba ay isa lang lingkod o aliping ipinanganak sa sambahayan?
Bakit siya ipinabihag?
Ginawa nilang nakapangingilabot ang lupain niya.
Sinunog ang mga lunsod niya at wala nang naninirahan sa mga ito.
16 Kinakain ng bayan ng Nop*+ at ng Tapanes+ ang tuktok ng ulo mo.
17 Hindi ba ikaw ang gumawa niyan sa sarili mo
Nang iwan mo si Jehova na iyong Diyos+
Noong pinapatnubayan ka niya sa daan?
19 Dapat kang matuto sa kasamaan mo,
At dapat kang sawayin dahil sa pagtataksil mo.
Dapat mong malaman at maunawaan kung gaano kasama at kapait+
Ang iwan si Jehova na iyong Diyos;
Hindi ka nagpakita ng takot sa akin,’+ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoon, si Jehova ng mga hukbo.
Pero sinabi mo: “Hindi ako maglilingkod,”
Dahil sa bawat mataas na burol at sa ilalim ng bawat mayabong na puno+
Ay humihilata ka at ipinagbibili ang iyong sarili.+
21 Itinanim kita bilang magandang klase ng punong ubas na pula,+ mula sa magandang binhi.
Kaya paano ka naging mababang uri ng supang ng isang ligaw na punong ubas?’+
22 ‘Kahit maghugas ka gamit ang sosa* at maraming lihiya,*
Ang kasalanan mo ay mananatiling mantsa sa paningin ko,’+ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova.
23 Paano mo masasabi, ‘Hindi ko dinumhan ang sarili ko.
Hindi ako sumunod sa mga Baal’?
Tingnan mo ang ginawa mo sa lambak.
Pag-isipan mo ang ginawa mo.
Para kang isang matulin at batang kamelyong babae,
Na tumatakbong paroo’t parito nang walang patutunguhan,
24 Isang asno na sanay sa ilang
At sumisinghot sa hangin kapag nagnanasa siya.
Sino ang makapipigil sa kaniya kapag naglalandi siya?
Lahat ng naghahanap sa kaniya ay hindi mapapagod sa paghahanap.
Sa kapanahunan* niya ay mahahanap nila siya.
25 Tumigil ka na sa pagtakbo
Bago ka pa magyapak at matuyuan ng lalamunan.
Pero sinabi mo, ‘Hindi! Huli na ang lahat!+
26 Gaya ng kahihiyan ng magnanakaw kapag nahuli siya,
Gayon napahiya ang sambahayan ng Israel,
Sila, ang kanilang mga hari at matataas na opisyal,
Ang kanilang mga saserdote at mga propeta.+
27 Sinasabi nila sa puno, ‘Ikaw ang aking ama,’+
At sa bato, ‘Ikaw ang nagsilang sa akin.’
Pero sa akin ay tumalikod sila, at hindi sila bumaling sa akin.+
At sa panahon ng kapahamakan nila ay sasabihin nila,
‘Kumilos ka at iligtas mo kami!’+
28 Nasaan na ngayon ang mga diyos na ginawa mo para sa sarili mo?+
Bumangon sila kung maililigtas ka nila sa panahon ng kapahamakan mo,
Dahil ang mga diyos mo ay naging kasindami ng mga lunsod mo, O Juda.+
29 ‘Bakit patuloy kayong nakikipaglaban sa akin?
Bakit nagrerebelde kayong lahat sa akin?’+ ang sabi ni Jehova.
30 Walang kabuluhan ang pananakit ko sa mga anak ninyo.+
Ayaw nilang tumanggap ng disiplina;+
Ang mga propeta ninyo ay nilamon ng sarili ninyong espada,+
Gaya ng isang umaatakeng leon.
31 Kayong kabilang sa henerasyong ito, pag-isipan ninyo ang salita ni Jehova.
Naging gaya na ba ako ng isang ilang para sa Israel
O isang lupain ng malupit na kadiliman?
Bakit sinabi ng mga ito, ng aking bayan, ‘Malaya kaming gumala-gala.
Hindi na kami pupunta sa iyo’?+
32 Malilimutan ba ng isang dalaga ang mga palamuti niya,
Ng babaeng ikakasal ang kaniyang mga pamigkis sa dibdib?*
Pero ako ay kinalimutan ng sarili kong bayan sa mahabang panahon.+
33 O babae, ang galing mong maghanap ng pag-ibig!
Sinanay mo ang sarili mo sa landas ng kasamaan.+
34 Ang damit mo ay namantsahan ng dugo ng mga dukhang walang-sala,+
Kahit hindi ko sila nakitang nanloloob;
Punô ng mantsa ng dugo ang damit mo.+
35 Pero sinasabi mo, ‘Wala akong kasalanan.
Tiyak na hindi na siya galit sa akin.’
Ngayon ay hahatulan kita
Dahil sinasabi mo, ‘Hindi ako nagkasala.’
36 Bakit hindi ka nababahala sa landasin mong walang kasiguruhan?