Mga Kawikaan
5 Anak ko, bigyang-pansin mo ang karunungan ko.
3 Dahil ang pananalita* ng masamang* babae ay matamis na gaya ng pulot-pukyutan+
At mas madulas kaysa sa langis.+
4 Pero sa huli, siya pala ay kasimpait ng halamang ahenho+
At kasintalas ng espada na may dalawang talim.+
5 Ang mga paa niya ay papunta sa kamatayan.
Ang mga hakbang niya ay umaakay sa Libingan.*
6 Hindi niya inaalam ang daan patungo sa buhay.
Pagala-gala siya at hindi niya alam kung saan siya papunta.
7 Kaya mga anak, makinig kayo sa akin,
At huwag kayong lumihis sa sinasabi ko.
8 Lumayo ka sa kaniya;
Huwag kang lumapit sa pasukan ng bahay niya,+
9 Para hindi mo maiwala ang iyong dangal+
At hindi ka magdusa habambuhay;+
10 Para hindi maubos ng mga estranghero ang mga tinataglay* mo+
At hindi mapunta sa bahay ng banyaga ang mga pinaghirapan mo.
11 Kung hindi, daraing ka sa huling bahagi ng buhay mo
Kapag nanghihina na ang iyong laman at katawan+
12 At sasabihin mo: “Bakit ko ba tinanggihan* ang disiplina?
Bakit hinamak ng puso ko ang pagsaway?
13 Hindi ako nakinig sa tinig ng mga tagapagturo ko,
At hindi ako nagbigay-pansin sa aking mga guro.
16 Dapat bang kumalat sa labas ang iyong mga bukal
18 Pagpalain nawa ang iyong bukal ng tubig,
At masiyahan ka nawa sa iyong asawa mula pa noong kabataan mo,+
19 Isang mapagmahal na babaeng usa, isang mapanghalinang kambing-bundok.*+
Masiyahan* ka sa kaniyang dibdib sa lahat ng panahon.
Lagi ka nawang mabihag ng pag-ibig niya.+
22 Ang masama ay nabibitag ng sarili niyang mga pagkakamali,
23 Mamamatay siya dahil sa kawalan ng disiplina
At maliligaw dahil sa sobrang kamangmangan.