Mga Kawikaan
2 Ang dila ng marurunong ay mahusay sa paggamit ng kaalaman,+
Pero kamangmangan ang lumalabas sa bibig ng mga mangmang.
4 Ang mahinahong* dila ay punongkahoy ng buhay,+
Pero ang mapandayang dila ay nagdudulot ng pighati.*
6 Maraming kayamanan sa bahay ng matuwid,
Pero ang ani* ng masamang tao ay nagdadala sa kaniya ng problema.+
8 Kasuklam-suklam kay Jehova ang hain ng masasama,+
Pero kalugod-lugod sa kaniya ang panalangin ng mga matuwid.+
11 Kitang-kita ni Jehova ang Libingan* at ang lugar ng pagkapuksa,*+
Gaano pa kaya ang puso ng mga tao!+
12 Ayaw ng mayabang sa nagtutuwid* sa kaniya.+
Hindi siya hihingi ng payo sa marurunong.+
14 Ang pusong may unawa ay naghahanap ng kaalaman,+
Pero ang bibig ng mga mangmang ay tumatangkilik* sa kamangmangan.+
18 Nagkakaroon ng away dahil sa taong mainitin ang ulo,+
Pero dahil sa taong hindi madaling magalit, tumitigil ang pagtatalo.+
19 Ang daan ng tamad ay parang may matitinik na harang,+
Pero ang landas ng mga matuwid ay gaya ng patag na daan.+
20 Ang marunong na anak ay nagpapasaya sa kaniyang ama,+
Pero ang mangmang ay humahamak sa kaniyang ina.+
21 Nasisiyahan sa kamangmangan ang kulang sa unawa,*+
Pero lumalakad sa tamang landas ang taong may kaunawaan.+
23 Masaya ang taong nagbibigay ng tamang sagot,*+
At ang salitang sinabi sa tamang panahon—napakabuti nito!+
25 Gigibain ni Jehova ang bahay ng mapagmataas,+
Pero iingatan niya ang hangganan ng lupain ng biyuda.+
26 Nasusuklam si Jehova sa mga pakana ng masama,+
Pero ang mabuting pananalita ay kalugod-lugod sa Kaniya.+
27 Ang nandaraya para sa pakinabang ay nagdadala ng problema* sa pamilya niya,+
Pero ang napopoot sa suhol ay mananatiling buháy.+
28 Ang puso ng matuwid ay nag-iisip muna bago sumagot,*+
Pero inilalabas agad ng bibig ng masama ang masasamang bagay.