Mga Awit
IKAAPAT NA AKLAT
(Awit 90-106)
Panalangin ni Moises, na lingkod ng tunay na Diyos.+
90 O Jehova, ikaw ang naging tahanan* namin+ sa lahat ng henerasyon.
2 Bago naisilang ang mga bundok
O bago mo ginawa* ang lupa at ang mabungang lupain,+
Mula sa panahong walang pasimula hanggang sa panahong walang wakas, ikaw ang Diyos.+
3 Ang taong mortal ay ibinabalik mo sa alabok;
Sinasabi mo: “Bumalik kayo sa alabok, kayong mga anak ng tao.”+
4 Dahil sa paningin mo, ang isang libong taon ay tulad lang ng isang araw na nagdaan,+
At gaya ng isang yugto ng pagbabantay sa gabi.
5 Pinaglalaho mo sila;+ sila ay naging gaya lang ng isang tulog;
Sa umaga ay gaya sila ng damo na tumutubo.+
8 Inilalagay mo sa harap mo* ang mga pagkakamali namin;+
Ang mga lihim namin ay nabubunyag sa liwanag ng iyong mukha.+
9 Unti-unting nauubos ang mga araw namin dahil sa iyong poot;
At nagwawakas ang mga taon namin na gaya ng isang bulong.*
Pero punô ito ng problema at kalungkutan;
Mabilis itong lumilipas, at naglalaho na kami.+
11 Sino ang makauunawa sa kapangyarihan ng iyong galit?
Ang poot mo ay kasintindi ng pagkatakot na nararapat sa iyo.+
12 Ituro mo sa amin kung paano bibilangin ang mga araw namin+
Para magkaroon kami ng marunong na puso.
13 Bumalik ka, O Jehova!+ Hanggang kailan ito magtatagal?+
Maawa ka sa mga lingkod mo.+
14 Busugin mo kami ng iyong tapat na pag-ibig+ sa umaga,
Para makahiyaw kami sa kagalakan at makapagsaya+ sa lahat ng araw namin.
15 Pasayahin mo kami katumbas ng mga araw na pinaghirap mo kami,+
Singhaba ng mga taon na dumanas kami ng kapahamakan.+
16 Makita nawa ng mga lingkod mo ang ginagawa mo,
At makita nawa ng mga anak nila ang kaluwalhatian mo.+