Awit
Ni David.
א [Alep]
37 Huwag kang mag-init dahil sa mga manggagawa ng kasamaan.+
Huwag kang mainggit sa mga gumagawa ng kalikuan.+
2 Sapagkat gaya ng damo ay mabilis silang malalanta,+
At gaya ng luntiang bagong damo ay maglalaho sila.+
ב [Bet]
3 Magtiwala ka kay Jehova at gumawa ka ng mabuti;+
Tumahan ka sa lupa, at makitungo ka nang may katapatan.+
4 Magkaroon ka rin ng masidhing kaluguran kay Jehova,+
At ibibigay niya sa iyo ang mga kahilingan ng iyong puso.+
ג [Gimel]
6 At tiyak na palalabasin niyang gaya ng liwanag ang iyong katuwiran,+
At ang iyong katarungan na gaya ng katanghaliang tapat.+
ד [Dalet]
7 Manatili kang tahimik sa harap ni Jehova+
At hintayin mo siya nang may pananabik.+
Huwag kang mag-init sa sinumang nagtatagumpay sa kaniyang lakad,+
Sa taong nagsasagawa ng kaniyang mga kaisipan.+
ה [He]
8 Iwasan mo ang galit at iwanan mo ang pagngangalit;+
Huwag kang mag-init na hahantong lamang sa paggawa ng masama.+
9 Sapagkat ang mga manggagawa ng kasamaan ay lilipulin,+
Ngunit yaong mga umaasa kay Jehova ang siyang magmamay-ari ng lupa.+
ו [Waw]
10 At kaunting panahon na lamang, at ang balakyot ay mawawala na;+
At pagtutuunan mo nga ng pansin ang kaniyang dako, at siya ay mawawala na.+
11 Ngunit ang maaamo ang magmamay-ari ng lupa,+
At makasusumpong nga sila ng masidhing kaluguran sa kasaganaan ng kapayapaan.+
ז [Zayin]
12 Ang balakyot ay nagpapakana laban sa matuwid,+
At laban sa kaniya ay pinagngangalit niya ang kaniyang mga ngipin.+
ח [Ket]
14 Ang mga balakyot ay humugot ng tabak at naghutok ng kanilang busog,+
Upang ibuwal ang napipighati at ang dukha,+
Upang pagpapatayin ang mga matuwid sa kanilang lakad.+
ט [Tet]
17 Sapagkat ang mismong mga bisig ng mga balakyot ay mababali,+
Ngunit aalalayan ni Jehova ang mga matuwid.+
י [Yod]
18 Batid ni Jehova ang mga araw ng mga walang pagkukulang,+
At ang kanila mismong mana ay mananatili maging hanggang sa panahong walang takda.+
כ [Kap]
20 Sapagkat ang mga balakyot ay maglalaho,+
At ang mga kaaway ni Jehova ay magiging gaya ng mahalagang bahagi ng mga pastulan;
Sasapit sila sa kanilang kawakasan.+ Sa usok ay sasapit sila sa kanilang kawakasan.+
ל [Lamed]
21 Ang balakyot ay nanghihiram at hindi nagbabayad,+
Ngunit ang matuwid ay nagpapakita ng lingap at nagbibigay ng mga kaloob.+
22 Sapagkat ang mga pinagpapala niya ang siyang magmamay-ari ng lupa,+
Ngunit ang mga isinusumpa niya ay lilipulin.+
מ [Mem]
23 Dahil kay Jehova ay naihahanda ang mga hakbang ng matipunong lalaki,+
At ang kaniyang lakad ay kinalulugdan Niya.+
24 Bagaman siya ay mabuwal, hindi siya babagsak,+
Sapagkat inaalalayan ni Jehova ang kaniyang kamay.+
נ [Nun]
25 Isang kabataan ako noon, ako ay tumanda na rin,+
Gayunma’y hindi ko pa nakita ang matuwid na lubusang pinabayaan,+
Ni ang kaniyang supling na naghahanap ng tinapay.+
26 Buong maghapon siyang nagpapakita ng lingap at nagpapahiram,+
Kung kaya ang kaniyang supling ay tatanggap ng pagpapala.+
ס [Samek]
27 Talikuran mo ang masama at gawin mo ang mabuti,+
Sa gayon ay tatahan ka hanggang sa panahong walang takda.+
ע [Ayin]
Hanggang sa panahong walang takda ay tiyak na babantayan sila;+
Ngunit kung tungkol sa supling ng mga balakyot, sila ay tiyak na lilipulin.+
פ [Pe]
30 Ang bibig ng matuwid ang siyang pabulong na nagsasalita ng karunungan,+
At kaniya ang dila na nagsasalita nang makatarungan.+
31 Ang kautusan ng kaniyang Diyos ay nasa kaniyang puso;+
Ang kaniyang mga hakbang ay hindi susuray.+
צ [Tsade]
33 Kung tungkol kay Jehova, hindi niya siya iiwan sa kamay ng isang iyon,+
At hindi niya siya aariing balakyot kapag siya ay hinahatulan.+
ק [Kop]
34 Umasa ka kay Jehova at ingatan mo ang kaniyang daan,+
At itataas ka niya upang magmay-ari ng lupa.+
Kapag nilipol ang mga balakyot, makikita mo iyon.+
ר [Res]
35 Nakita ko ang balakyot na isang maniniil+
At nag-uunat ng kaniyang sarili gaya ng mayabong na punungkahoy sa tinubuang lupa.+
ש [Shin]
37 Masdan mo ang walang kapintasan at tingnan mo ang matuwid,+
Sapagkat ang kinabukasan ng taong iyon ay magiging mapayapa.+
38 Ngunit ang mga mananalansang ay tiyak na pupuksaing sama-sama;+
Ang kinabukasan ng mga taong balakyot ay talagang mapuputol.+
ת [Taw]