Kawikaan
14 Ang babaing tunay na marunong ay nagpapatibay ng kaniyang bahay,+ ngunit ginigiba iyon ng mangmang ng sarili niyang mga kamay.+
2 Ang lumalakad sa kaniyang katuwiran ay natatakot kay Jehova,+ ngunit ang liko sa kaniyang mga lakad ay humahamak sa Kaniya.+
3 Ang tungkod ng kapalaluan ay nasa bibig ng mangmang,+ ngunit ang mga labi ng marurunong ang magbabantay sa kanila.+
4 Kung saan walang mga baka ay malinis ang sabsaban, ngunit ang ani ay sagana dahil sa kalakasan ng toro.
5 Ang saksing tapat ay yaong hindi magsisinungaling,+ ngunit ang bulaang saksi ay nagbubunsod ng mga kasinungalingan.+
6 Ang manunuya ay naghahangad na makasumpong ng karunungan, at wala naman; ngunit sa may-unawa ay madali ang kaalaman.+
7 Umalis ka sa harap ng taong hangal,+ sapagkat tiyak na wala kang mapapansing mga labi ng kaalaman.+
8 Ang karunungan ng matalino ay ang pagkaunawa sa kaniyang lakad,+ ngunit ang kamangmangan ng mga hangal ay panlilinlang.+
9 Mangmang yaong mga humahamak sa pagkakasala,+ ngunit sa gitna ng mga matuwid ay may pagkakasundo.+
10 Nababatid ng puso ang kapaitan ng kaluluwa ng isa,+ at sa pagsasaya nito ay walang ibang taong manghihimasok.
11 Ang bahay ng mga taong balakyot ay wawasakin,+ ngunit ang tolda ng mga matuwid ay uunlad.+
12 May daan na matuwid sa harap ng isang tao,+ ngunit ang mga daan ng kamatayan ang huling wakas nito.+
13 Maging sa pagtawa man ay maaaring nasasaktan ang puso;+ at sa pamimighati nauuwi ang pagsasaya.+
14 Ang isa na may pusong walang pananampalataya ay masisiyahan sa mga bunga ng kaniyang sariling mga lakad,+ ngunit ang mabuting tao ay sa mga bunga ng kaniyang mga pakikitungo.+
15 Ang sinumang walang-karanasan ay nananampalataya sa bawat salita,+ ngunit pinag-iisipan ng matalino ang kaniyang mga hakbang.+
16 Ang marunong ay natatakot at lumalayo sa kasamaan,+ ngunit ang hangal ay napopoot at may tiwala sa sarili.+
17 Siyang madaling magalit ay gagawa ng kamangmangan,+ ngunit ang taong may kakayahang mag-isip ay kinapopootan.+
18 Ang mga walang-karanasan ay tiyak na magmamay-ari ng kamangmangan,+ ngunit ang matatalino ay magpuputong ng kaalaman.+
19 Ang masasamang tao ay kailangang yumukod sa harap ng mabubuti,+ at ang mga taong balakyot sa mga pintuang-daan ng matuwid.
20 Ang dukha ay tudlaan ng pagkapoot maging ng kaniyang kapuwa,+ ngunit marami ang mga kaibigan ng taong mayaman.+
21 Ang humahamak sa kaniyang kapuwa ay nagkakasala,+ ngunit maligaya siya na nagpapakita ng lingap sa mga napipighati.+
22 Hindi ba magkakaligaw-ligaw yaong mga kumakatha ng kapinsalaan?+ Ngunit naroon ang maibiging-kabaitan at katapatan sa mga kumakatha ng mabuti.+
23 Sa bawat uri ng pagpapagal ay may kapakinabangan,+ ngunit ang salita lamang ng mga labi ay humahantong sa kakapusan.
24 Ang korona ng marurunong ay ang kanilang kayamanan; ang kamangmangan ng mga hangal ay kamangmangan.+
25 Ang tapat na saksi ay nagliligtas ng mga kaluluwa,+ ngunit ang mapanlinlang ay nagbubunsod ng mga kasinungalingan.+
26 Sa pagkatakot kay Jehova ay may matibay na pagtitiwala,+ at ang kaniyang mga anak ay magkakaroon ng kanlungan.+
27 Ang pagkatakot kay Jehova ay balon ng buhay,+ upang maglayo mula sa mga silo ng kamatayan.+
28 Sa karamihan ng mga tao ay may kagayakan ang hari,+ ngunit ang kakulangan ng populasyon ang ikinababagsak ng mataas na opisyal.+
29 Siyang mabagal sa pagkagalit ay sagana sa kaunawaan,+ ngunit ang walang pagtitimpi ay nagtatanyag ng kamangmangan.+
30 Ang pusong mahinahon ay buhay ng katawan,+ ngunit ang paninibugho ay kabulukan ng mga buto.+
31 Siyang nandaraya sa maralita ay dumudusta sa kaniyang Maylikha,+ ngunit ang nagpapakita ng lingap sa dukha ay lumuluwalhati sa Kaniya.+
32 Dahil sa kaniyang kasamaan ay ilulugmok ang balakyot,+ ngunit ang matuwid ay makasusumpong ng kanlungan sa kaniyang katapatan.+
33 Sa puso ng isa na may-unawa ay nagpapahinga ang karunungan,+ at sa gitna ng mga hangal ay nahahayag ito.
34 Katuwiran ang nagtatanyag sa isang bansa,+ ngunit ang kasalanan ay kahiya-hiya sa mga liping pambansa.+
35 Ang kaluguran ng hari ay nasa lingkod na kumikilos nang may kaunawaan,+ ngunit ang kaniyang poot ay ukol sa kaniya na gumagawi nang kahiya-hiya.+