Lucas
15 At ang lahat ng mga maniningil ng buwis+ at mga makasalanan+ ay patuloy na lumalapit sa kaniya upang pakinggan siya. 2 Dahil dito kapuwa ang mga Pariseo at mga eskriba ay patuloy na nagbubulung-bulungan, na nagsasabi: “Tinatanggap ng taong ito ang mga makasalanan at kumakaing kasama nila.”+ 3 Sa gayon ay inilahad niya sa kanila ang ilustrasyong ito, na sinasabi: 4 “Sinong tao sa inyo na may isang daang tupa, kapag nawala ang isa sa kanila, ang hindi iiwan ang siyamnapu’t siyam sa ilang at hahayo dahil sa isa na nawala hanggang sa masumpungan niya ito?+ 5 At kapag nasumpungan na niya ito ay ipapasan niya ito sa kaniyang mga balikat at magsasaya.+ 6 At kapag nakarating na siya sa tahanan ay tatawagin niya ang kaniyang mga kaibigan at ang kaniyang mga kapitbahay, na sinasabi sa kanila, ‘Makipagsaya kayo sa akin, sapagkat nasumpungan ko na ang aking tupa na nawala.’+ 7 Sinasabi ko sa inyo na gayon magkakaroon ng higit na kagalakan sa langit dahil sa isang makasalanan na nagsisisi+ kaysa sa siyamnapu’t siyam na matuwid na walang pangangailangang magsisi.+
8 “O sinong babae na may sampung baryang drakma, kung maiwala niya ang isang baryang drakma, ang hindi magsisindi ng lampara at magwawalis sa kaniyang bahay at maingat na maghahanap hanggang sa masumpungan niya ito? 9 At kapag nasumpungan na niya ito ay tatawagin niya ang mga babae na kaniyang mga kaibigan at mga kapitbahay, na sinasabi, ‘Makipagsaya kayo sa akin, sapagkat nasumpungan ko na ang baryang drakma na naiwala ko.’ 10 Sa gayon, sinasabi ko sa inyo, nagkakaroon ng kagalakan sa gitna ng mga anghel ng Diyos dahil sa isang makasalanan na nagsisisi.”+
11 Nang magkagayon ay sinabi niya: “Isang tao ang may dalawang anak na lalaki.+ 12 At ang nakababata sa kanila ay nagsabi sa kaniyang ama, ‘Ama, ibigay mo sa akin ang bahagi ng ari-arian na mapupunta sa akin.’+ Nang magkagayon ay hinati niya sa kanila ang kaniyang kabuhayan.+ 13 Nang maglaon, pagkatapos ng hindi karamihang araw, tinipon ng nakababatang anak ang lahat ng mga bagay at naglakbay sa ibang bayan sa isang malayong lupain, at doon nilustay ang kaniyang ari-arian sa buktot na pamumuhay.+ 14 Nang maubos na niya ang lahat, nagkaroon ng isang matinding taggutom sa buong lupaing iyon, at nagpasimula siyang mangailangan. 15 Yumaon pa man din siya at nakisama sa isa sa mga mamamayan ng lupaing iyon, at pinapunta siya nito sa kaniyang parang upang mag-alaga ng mga baboy.+ 16 At ninasa niyang mabusog sa mga bunga ng algarroba na kinakain ng mga baboy, at walang sinumang magbigay sa kaniya ng anuman.+
17 “Nang bumalik siya sa kaniyang katinuan, sinabi niya, ‘Kay raming taong upahan ng aking ama ang nananagana sa tinapay, samantalang namamatay ako rito dahil sa taggutom! 18 Titindig ako at maglalakbay+ patungo sa aking ama at sasabihin sa kaniya: “Ama, nagkasala ako laban sa langit at laban sa iyo.+ 19 Hindi na ako karapat-dapat na tawaging anak mo. Gawin mo akong gaya ng isa sa iyong mga taong upahan.” ’ 20 Kaya siya ay tumindig at pumaroon sa kaniyang ama. Habang siya ay nasa malayo pa, nakita siya ng kaniyang ama at nahabag, at ito ay tumakbo at sumubsob sa kaniyang leeg at magiliw siyang hinalikan. 21 Sa gayon ay sinabi ng anak sa kaniya, ‘Ama, nagkasala ako laban sa langit at laban sa iyo.+ Hindi na ako karapat-dapat na tawaging anak mo. Gawin mo akong gaya ng isa sa iyong mga taong upahan.’+ 22 Ngunit sinabi ng ama sa kaniyang mga alipin, ‘Madali! maglabas kayo ng isang mahabang damit, ang pinakamainam, at damtan+ ninyo siya nito, at lagyan ninyo ng singsing+ ang kaniyang kamay at ng mga sandalyas ang kaniyang mga paa. 23 At dalhin ninyo ang pinatabang+ guyang toro, patayin ninyo iyon at kumain tayo at magpakasaya, 24 sapagkat ang anak kong ito ay patay na at muling nabuhay;+ siya ay nawala at nasumpungan.’ At nagsimula silang magpakasaya.
25 “At ang kaniyang nakatatandang anak+ ay nasa bukid; at nang dumating siya at mapalapit sa bahay ay nakarinig siya ng isang konsyerto ng musika at sayawan. 26 Kaya tinawag niya ang isa sa mga lingkod at itinanong kung ano ang kahulugan ng mga bagay na ito. 27 Sinabi nito sa kaniya, ‘Ang iyong kapatid+ ay dumating, at pinatay ng iyong ama+ ang pinatabang guyang toro, sapagkat nabalik siya sa kaniya na nasa mabuting kalusugan.’ 28 Ngunit napoot siya at ayaw pumasok. Sa gayon ay lumabas ang kaniyang ama at nagsimulang mamanhik sa kaniya.+ 29 Bilang tugon ay sinabi niya sa kaniyang ama, ‘Narito, napakaraming taon na akong nagpapaalipin sa iyo at ni minsan ay hindi ko sinalansang ang iyong utos, at gayunma’y ni minsan ay hindi mo ako binigyan ng batang kambing upang magpakasaya akong kasama ng aking mga kaibigan.+ 30 Ngunit nang sandaling dumating ang anak+ mong ito na umubos sa iyong kabuhayan kasama ng mga patutot,+ pinatay mo ang pinatabang guyang toro para sa kaniya.’+ 31 Sa gayon ay sinabi niya sa kaniya, ‘Anak, lagi na kitang kasama, at lahat ng mga bagay na akin ay iyo;+ 32 ngunit kailangang magpakasaya tayo at magalak, sapagkat ang kapatid mong ito ay patay na at nabuhay, at siya ay nawala at nasumpungan.’ ”+