1 Corinto
10 Ngayon hindi ko nais na kayo ay maging walang-alam, mga kapatid, na ang ating mga ninuno ay napasailalim na lahat sa ulap+ at lahat ay tumawid sa dagat+ 2 at lahat ay nabautismuhan kay Moises+ sa pamamagitan ng ulap at ng dagat; 3 at lahat ay kumain ng iisang espirituwal na pagkain+ 4 at lahat ay uminom ng iisang espirituwal na inumin.+ Sapagkat umiinom sila noon mula sa espirituwal na batong-limpak+ na sumusunod sa kanila, at ang batong-limpak+ na iyon ay nangangahulugang ang Kristo.+ 5 Gayunpaman, sa karamihan sa kanila ay hindi nagpahayag ang Diyos ng kaniyang pagsang-ayon,+ sapagkat ibinuwal+ sila sa ilang.
6 Ngayon ang mga bagay na ito ay naging mga halimbawa sa atin, upang huwag tayong maging mga taong nagnanasa ng nakapipinsalang mga bagay,+ gaya nga ng pagnanasa nila sa mga iyon. 7 Ni maging mga mananamba sa idolo, gaya ng ginawa ng ilan sa kanila;+ gaya nga ng nasusulat: “Umupo ang bayan upang kumain at uminom, at tumindig sila upang magkasayahan.”+ 8 Ni mamihasa man tayo sa pakikiapid, kung paanong ang ilan sa kanila ay nakiapid,+ upang mabuwal lamang, dalawampu’t tatlong libo sa kanila sa isang araw.+ 9 Ni ilagay man natin sa pagsubok si Jehova,+ kung paanong inilagay siya sa pagsubok ng ilan sa kanila,+ upang malipol lamang sa pamamagitan ng mga serpiyente.+ 10 Ni maging mga mapagbulong, kung paanong ang ilan sa kanila ay nagbulung-bulungan,+ upang malipol lamang sa pamamagitan ng tagapuksa.+ 11 Ngayon ang mga bagay na ito ay nangyari sa kanila bilang mga halimbawa, at isinulat ang mga ito bilang babala+ sa atin na dinatnan ng mga wakas ng mga sistema ng mga bagay.+
12 Dahil dito siyang nag-iisip na nakatayo siya ay mag-ingat upang hindi siya mabuwal.+ 13 Walang tuksong dumating sa inyo maliban doon sa karaniwan sa mga tao.+ Ngunit ang Diyos ay tapat,+ at hindi niya hahayaang tuksuhin kayo nang higit sa matitiis ninyo,+ kundi kalakip ng tukso ay gagawa rin siya ng daang malalabasan+ upang mabata ninyo iyon.
14 Kaya nga, mga minamahal ko, tumakas+ kayo mula sa idolatriya.+ 15 Nagsasalita akong gaya ng sa mga taong may kaunawaan;+ hatulan ninyo sa ganang inyo ang sinasabi ko. 16 Ang kopa+ ng pagpapala na pinagpapala natin, hindi ba ito isang pakikibahagi sa dugo ng Kristo? Ang tinapay na pinagpuputul-putol natin,+ hindi ba ito isang pakikibahagi sa katawan ng Kristo?+ 17 Sapagkat may iisang tinapay, tayo, bagaman marami,+ ay iisang katawan,+ dahil nakikibahagi tayong lahat sa iisang tinapay+ na iyon.
18 Tingnan ninyo yaong Israel ayon sa laman:+ Hindi ba yaong mga kumakain ng mga hain ay mga kabahagi ng altar?+ 19 Ano, kung gayon, ang sasabihin ko? Na yaong inihahain sa idolo ay may anumang kabuluhan, o na ang isang idolo ay may anumang kabuluhan?+ 20 Hindi; kundi sinasabi ko na ang mga bagay na inihahain ng mga bansa ay inihahain nila sa mga demonyo,+ at hindi sa Diyos; at hindi ko nais na maging mga kabahagi kayo ng mga demonyo.+ 21 Hindi kayo maaaring uminom sa kopa ni Jehova+ at sa kopa ng mga demonyo; hindi kayo maaaring makibahagi sa “mesa ni Jehova”+ at sa mesa ng mga demonyo. 22 O “pinupukaw ba natin si Jehova sa paninibugho”?+ Hindi tayo mas malakas+ kaysa sa kaniya, hindi ba?
23 Ang lahat ng bagay ay matuwid; ngunit hindi lahat ng bagay ay kapaki-pakinabang.+ Ang lahat ng bagay ay matuwid;+ ngunit hindi lahat ng bagay ay nakapagpapatibay.+ 24 Patuloy na hanapin ng bawat isa, hindi ang kaniyang sariling kapakinabangan,+ kundi yaong sa ibang tao.+
25 Ang lahat ng bagay na ipinagbibili sa pamilihan ng karne ay patuloy ninyong kainin,+ na hindi nagtatanong dahil sa inyong budhi;+ 26 sapagkat “kay Jehova+ ang lupa at ang lahat ng naririto.”+ 27 Kung ang sinuman sa mga di-sumasampalataya ay mag-anyaya sa inyo at nais ninyong pumaroon, kainin ninyo ang lahat ng bagay na nakahain sa harap ninyo,+ na hindi nagtatanong dahil sa inyong budhi.+ 28 Ngunit kung may sinumang magsabi sa inyo: “Ito ay isang bagay na inihandog bilang hain,” huwag kayong kumain dahil sa isa na nagbunyag nito at dahil sa budhi.+ 29 “Budhi,” sinasabi ko, hindi yaong sa iyo, kundi yaong sa ibang tao. Sapagkat bakit nga hahatulan ng budhi ng ibang tao ang aking kalayaan?+ 30 Kung nakikibahagi ako nang may pasasalamat, bakit ako pagsasalitaan nang may pang-aabuso dahil sa aking ipinagpapasalamat?+
31 Kaya nga, kayo man ay kumakain o umiinom o gumagawa ng anupaman, gawin ninyo ang lahat ng bagay sa ikaluluwalhati ng Diyos.+ 32 Iwasan ninyo ang maging mga sanhi ng ikatitisod+ sa mga Judio at gayundin sa mga Griego at sa kongregasyon ng Diyos, 33 kung paano ngang pinalulugdan ko ang lahat ng tao sa lahat ng bagay,+ na hindi hinahanap ang sarili kong kapakinabangan+ kundi yaong sa marami, upang sila ay maligtas.+