Tito
1 Si Pablo, isang alipin+ ng Diyos at isang apostol+ ni Jesu-Kristo ayon sa pananampalataya ng mga pinili+ ng Diyos at sa tumpak na kaalaman+ sa katotohanan+ na kaayon ng makadiyos na debosyon+ 2 salig sa pag-asa sa buhay na walang hanggan+ na ipinangako ng Diyos, na hindi makapagsisinungaling,+ bago pa ang lubhang mahabang mga panahon,+ 3 samantalang sa kaniyang sariling mga takdang panahon ay inihayag niya ang kaniyang salita sa pangangaral na ipinagkatiwala sa akin,+ sa ilalim ng utos ng ating Tagapagligtas,+ ang Diyos; 4 kay Tito, isang tunay na anak+ ayon sa pananampalataya na taglay ng lahat:
Magkaroon nawa ng di-sana-nararapat na kabaitan at kapayapaan mula sa Diyos na Ama+ at kay Kristo Jesus na ating Tagapagligtas.+
5 Sa dahilang ito ay iniwan kita sa Creta,+ upang maituwid mo ang mga bagay na may depekto at makapag-atas+ ka ng matatandang lalaki sa bawat lunsod, gaya ng ibinigay kong mga utos sa iyo;+ 6 kung may sinumang lalaki na malaya sa akusasyon,+ asawa ng isang babae,+ na may nananampalatayang mga anak na hindi mapararatangan ng kabuktutan o di-masupil.+ 7 Sapagkat ang isang tagapangasiwa ay dapat na malaya sa akusasyon+ bilang katiwala+ ng Diyos, hindi mapaggiit ng sarili,+ hindi magagalitin,+ hindi lasenggong basag-ulero,+ hindi nambubugbog,+ hindi sakim sa di-tapat na pakinabang,+ 8 kundi mapagpatuloy,+ maibigin sa kabutihan, matino ang pag-iisip,+ matuwid, matapat,+ mapagpigil sa sarili,+ 9 nanghahawakang mahigpit sa tapat na salita may kinalaman sa kaniyang sining ng pagtuturo,+ upang magawa niyang kapuwa magpayo sa pamamagitan ng turo na nakapagpapalusog+ at sumaway+ doon sa mga sumasalungat.
10 Sapagkat maraming taong di-masupil, mga nagsasalita ng di-mapapakinabangan,+ at mga manlilinlang ng isipan, lalo na yaong mga taong nanghahawakan sa pagtutuli.+ 11 Kinakailangang itikom ang mga bibig ng mga ito, yamang patuloy na iginugupo ng mismong mga taong ito ang buu-buong mga sambahayan+ sa pamamagitan ng pagtuturo ng mga bagay na hindi nila dapat ituro alang-alang sa di-tapat na pakinabang.+ 12 May isa sa kanila, na sarili nilang propeta, na nagsabi: “Ang mga Cretense ay laging mga sinungaling, mapaminsalang mababangis na hayop,+ matatakaw na di-nagtatrabaho.”
13 Ang patotoong ito ay tunay. Sa mismong dahilang ito ay patuloy mo silang sawayin nang may kahigpitan,+ upang maging malusog+ sila sa pananampalataya, 14 na hindi nagbibigay-pansin sa mga pabulang+ Judio at mga utos ng mga tao+ na tumatalikod sa katotohanan.+ 15 Ang lahat ng bagay ay malinis sa mga taong malinis.+ Ngunit sa mga taong nadungisan+ at walang pananampalataya+ ay walang anumang malinis, kundi kapuwa ang kanilang mga pag-iisip at ang kanilang mga budhi+ ay nadungisan. 16 Hayagan nilang sinasabi na kilala nila ang Diyos,+ ngunit itinatatwa nila siya sa pamamagitan ng kanilang mga gawa,+ dahil sila ay karima-rimarim at masuwayin at di-sinang-ayunan+ para sa anumang uri ng mabuting gawa.