Job
38 At sinagot ni Jehova si Job mula sa buhawi:+
3 Ihanda mo ang sarili mo, pakisuyo, gaya ng isang lalaki;
Tatanungin kita, at sagutin mo ako.
4 Nasaan ka nang ilagay ko ang pundasyon ng lupa?+
Magsalita ka kung talagang may alam ka.
5 Baka alam mo kung sino ang nagtakda ng mga sukat nito
O kung sino ang sumukat nito sa pamamagitan ng pisi.
6 Saan ibinaon ang mga tuntungan nito,
O sino ang naglagay ng batong-panulok nito,+
7 Nang magkakasamang humiyaw nang may kagalakan ang mga bituing pang-umaga+
8 At sino ang nagharang ng mga pinto sa dagat+
Nang rumagasa ito mula sa pinanggalingan* nito,
9 Nang damtan ko ito ng mga ulap
At balutin ng makapal at maitim na ulap,
10 Nang lagyan ko ito ng hangganan
At ng mga halang at pinto,+
11 At nang sabihin ko, ‘Hanggang dito ka lang; hindi ka puwedeng lumampas;
Ito ang hangganan ng iyong naglalakihang mga alon’?+
12 Nautusan mo na ba ang umaga
O naipaalám sa bukang-liwayway ang lugar nito?+
13 Nautusan mo ba ito na puntahan ang mga dulo ng lupa
At palayasin dito ang masasama?+
14 Ang lupa ay nagiging gaya ng putik* sa ilalim ng pantatak,
At malinaw na nakikita ang disenyo nito, gaya ng sa damit.
18 Alam mo ba kung gaano kalawak ang lupa?+
Sumagot ka kung alam mo ang lahat ng ito.
20 Maibabalik mo ba ito sa teritoryo nito,
At alam mo ba ang daan papunta sa tahanan nito?
22 Nakapasok ka na ba sa mga imbakan ng niyebe,+
O nakita mo na ba ang mga imbakan ng graniso,*+
23 Na inirereserba ko para sa panahon ng kapighatian,
Para sa araw ng labanan at digmaan?+
25 Sino ang gumawa ng dadaanan ng baha
At ng ulap na may dalang bagyo at kulog,+
26 Para umulan sa mga lugar na walang nakatira,
Sa ilang kung saan walang tao,+
27 Para madiligan ang tigang at tiwangwang na mga lupain
At tumubo ang damo?+
29 Kaninong sinapupunan lumabas ang yelo,
At sino ang nagsilang ng niyebe na nasa langit+
30 Nang ang ibabaw ng mga tubig ay tumigas na parang bato
Dahil nagyelo ang ibabaw ng malalim na katubigan?+
32 Mapalalabas mo ba ang isang konstelasyon* sa panahon nito
O maaakay ang konstelasyon ng Ash* pati ang mga anak nito?
35 Maisusugo mo ba ang mga kidlat?
Pupunta ba sila sa iyo at magsasabi, ‘Narito kami!’
37 Sino ang ganoon karunong para mabilang ang mga ulap,
O sino ang makapagtatagilid ng mga banga ng tubig sa langit+
38 Para maging putik ang alabok
At magkadikit-dikit ang mga limpak ng lupa?