Liham sa mga Hebreo
1 Noon, nagsalita ang Diyos sa mga ninuno natin sa pamamagitan ng mga propeta sa maraming pagkakataon at sa maraming paraan.+ 2 Ngayon, sa katapusan ng mga araw na ito, nagsalita siya sa atin sa pamamagitan ng isang Anak,+ na ginawa niyang tagapagmana ng lahat ng bagay;+ at sa pamamagitan ng Anak ay ginawa niya ang mga sistema ng mga bagay.*+ 3 Makikita sa kaniya ang kaluwalhatian ng Diyos+ at siya ang Kaniyang eksaktong larawan,+ at pinananatili niya ang lahat ng bagay sa pamamagitan ng makapangyarihan niyang salita. At pagkatapos niya tayong dalisayin mula sa ating mga kasalanan,+ umupo siya sa kanan ng Dakilang Diyos sa kaitaasan.+ 4 At naging mas dakila siya sa mga anghel+ dahil nagmana siya ng pangalang nakahihigit sa pangalan nila.+
5 Halimbawa, sino sa mga anghel ang sinabihan ng Diyos: “Ikaw ang anak ko; ngayon, ako ay naging iyong ama”?+ At: “Magiging ama niya ako, at magiging anak ko siya”?+ 6 Pero kapag muli niyang isinugo sa lupa ang Panganay niya,+ sasabihin niya: “Yumukod kayo sa kaniya, kayong lahat na mga anghel ng Diyos.”
7 Isa pa, tungkol sa mga anghel ay sinabi niya: “Ginagawa niyang mga makapangyarihang puwersa* ang mga anghel niya, at isang liyab ng apoy ang mga lingkod* niya.”+ 8 Pero tungkol sa Anak, sinabi niya: “Ang Diyos ang trono mo+ magpakailanman, at ang setro ng iyong Kaharian ay setro ng katuwiran.* 9 Inibig mo ang katuwiran at kinapootan ang kasamaan.* Kaya naman ang Diyos, ang iyong Diyos, ay nagpahid sa iyo ng langis+ ng kagalakan nang higit kaysa sa mga kasamahan mo.”+ 10 At: “Nang pasimula, O Panginoon, inilatag mo ang mga pundasyon ng lupa, at ang langit ay gawa ng mga kamay mo. 11 Maglalaho ang mga ito, pero ikaw ay mananatili; at gaya ng isang kasuotan, lahat ng ito ay maluluma, 12 at titiklupin mo ang mga ito gaya ng isang balabal, gaya ng isang damit, at ang mga ito ay mapapalitan. Pero ikaw ay hindi nagbabago, at hindi magwawakas ang mga taon mo.”+
13 Pero sino sa mga anghel ang sinabihan niya: “Umupo ka sa kanan ko hanggang sa ang mga kaaway mo ay gawin kong tuntungan ng mga paa mo”?+ 14 Hindi ba lahat sila ay mga espiritung para sa banal na paglilingkod,*+ na isinugo para maglingkod sa mga tatanggap* ng kaligtasan?