Genesis
10 Ito ang kasaysayan ng mga anak ni Noe na sina Sem,+ Ham, at Japet.
Nagkaroon sila ng mga anak pagkatapos ng Baha.+ 2 Ang mga anak ni Japet ay sina Gomer,+ Magog,+ Madai, Javan, Tubal,+ Mesec,+ at Tiras.+
3 Ang mga anak ni Gomer ay sina Askenaz,+ Ripat, at Togarma.+
4 Ang mga anak ni Javan ay sina Elisa,+ Tarsis,+ Kitim,+ at Dodanim.
5 Sa kanila nanggaling ang mga naninirahan sa mga isla,* at nangalat ang mga ito ayon sa kani-kanilang wika, pamilya, at bansa.
6 Ang mga anak ni Ham ay sina Cus, Mizraim,+ Put,+ at Canaan.+
7 Ang mga anak ni Cus ay sina Seba,+ Havila, Sabta, Raama,+ at Sabteca.
Ang mga anak ni Raama ay sina Sheba at Dedan.
8 Naging anak ni Cus si Nimrod. Siya ang unang tao na naging makapangyarihan sa lupa. 9 Siya ay naging makapangyarihang mangangaso na kumakalaban kay Jehova. Kaya naman may kasabihan: “Gaya ni Nimrod, isang makapangyarihang mangangaso na kumakalaban kay Jehova.” 10 Nagsimula ang kaharian niya sa* Babel,+ Erec,+ Acad, at Calne, na nasa lupain ng Sinar.+ 11 Mula sa lupaing iyon, pumunta siya sa Asirya+ at itinayo ang Nineve,+ Rehobot-Ir, Cala, 12 at Resen na nasa pagitan ng Nineve at Cala: Ito ang dakilang lunsod.*
13 Naging anak ni Mizraim sina Ludim,+ Anamim, Lehabim, Naptuhim,+ 14 Patrusim,+ Casluhim (ang ninuno ng mga Filisteo),+ at Captorim.+
15 Naging anak ni Canaan si Sidon,+ na panganay niya, at si Het;+ 16 siya rin ang ninuno ng mga Jebusita,+ Amorita,+ Girgasita, 17 Hivita,+ Arkeo, Sinita, 18 Arvadita,+ Zemarita, at Hamateo.+ Pagkatapos, nangalat ang mga pamilya ng mga Canaanita. 19 Kaya ang teritoryo ng mga Canaanita ay mula sa Sidon hanggang sa Gerar+ na malapit sa Gaza,+ at hanggang sa Sodoma, Gomorra,+ Adma, at Zeboiim,+ na malapit sa Lasa. 20 Ito ang mga anak ni Ham ayon sa kani-kanilang pamilya, wika, lupain, at bansa.
21 Nagkaroon din ng mga anak si Sem, na ninuno ng lahat ng anak ni Eber+ at kapatid ng panganay na si Japet.* 22 Ang mga anak ni Sem ay sina Elam,+ Asur,+ Arpacsad,+ Lud, at Aram.+
23 Ang mga anak ni Aram ay sina Uz, Hul, Geter, at Mas.
24 Naging anak ni Arpacsad si Shela,+ at naging anak ni Shela si Eber.
25 Nagkaroon si Eber ng dalawang anak na lalaki. Ang pangalan ng isa ay Peleg,*+ dahil nagkabaha-bahagi ang lupa* noong panahon niya. Ang pangalan ng isa pa ay Joktan.+
26 Naging anak ni Joktan sina Almodad, Selep, Hazarmavet, Jera,+ 27 Hadoram, Uzal, Dikla, 28 Obal, Abimael, Sheba, 29 Opir,+ Havila, at Jobab; silang lahat ang anak na lalaki ni Joktan.
30 Ang teritoryong tinitirhan nila ay mula sa Mesa hanggang sa Separ, ang mabundok na rehiyon ng Silangan.
31 Ito ang mga anak ni Sem ayon sa kani-kanilang pamilya, wika, lupain, at bansa.+
32 Ito ang mga pamilya ng mga anak ni Noe ayon sa kani-kanilang angkan at bansa. Mula sa mga ito, nangalat sa lupa ang mga bansa pagkatapos ng Baha.+