Unang Liham kay Timoteo
5 Huwag kang maging mabagsik sa pagsaway sa nakatatandang lalaki.+ Sa halip, makipag-usap ka sa kaniya na gaya ng sa iyong ama, sa mga nakababatang lalaki na gaya ng sa kapatid mong lalaki, 2 sa matatandang babae na gaya ng sa iyong ina, at sa mga nakababatang babae na gaya ng sa kapatid mong babae nang may malinis na puso.
3 Alagaan mo ang mga biyuda na talagang nangangailangan ng tulong.+ 4 Pero kung ang isang biyuda ay may mga anak o apo, sila muna ang dapat mag-alaga sa kanilang kapamilya bilang pagpapakita ng makadiyos na debosyon+ at pagtanaw ng utang na loob sa kanilang mga magulang at lolo’t lola,+ dahil kalugod-lugod ito sa Diyos.+ 5 Ang biyuda na talagang nangangailangan at wala nang ibang maaasahan ay nagtitiwala sa Diyos+ at patuloy na nagsusumamo at nananalangin gabi’t araw.+ 6 Pero ang biyuda na nagpapakasasa sa kaniyang pagnanasa ay patay na, kahit buháy pa siya. 7 Kaya patuloy mong ibigay ang mga tagubiling ito para hindi sila mapintasan. 8 Oo, kung ang sinuman ay hindi naglalaan sa mga nasa pangangalaga niya, lalo na sa mga miyembro ng pamilya niya, itinakwil na niya ang pananampalataya at mas masahol pa sa walang pananampalataya.+
9 Isama sa listahan ang isang biyuda kung siya ay 60 taóng gulang pataas, naging tapat sa asawa niya,* 10 kilala sa paggawa ng mabubuting bagay,+ nagpalaki ng mga anak,+ naging mapagpatuloy,+ naghugas ng paa ng mga banal,+ tumulong sa mga nasa mahirap na kalagayan,+ masipag sa paggawa ng mabuti.
11 Pero huwag mong isama sa listahan ang mga nakababatang biyuda, dahil kapag ang kanilang seksuwal na pagnanasa ay naging hadlang sa paglilingkod nila sa Kristo, gugustuhin nilang mag-asawa. 12 At hahatulan sila dahil hindi sila tumupad sa nauna nilang pangako. 13 At nakakasanayan din nila na walang ginagawa at nagpapalipat-lipat sa mga bahay; oo, hindi lang basta walang ginagawa, kundi nagiging mga tsismosa sila at mapanghimasok sa buhay ng iba,+ at nagsasalita sila ng mga bagay na hindi nila dapat sabihin. 14 Kaya gusto ko sana na ang mga nakababatang biyuda ay mag-asawa,+ mag-anak,+ at mag-asikaso sa pamilya para hindi tayo mapintasan ng kaaway.* 15 Ang totoo, may ilan nang lumihis at sumunod kay Satanas. 16 Kung may mga kamag-anak na biyuda ang isang babaeng mananampalataya, tulungan niya ang mga ito para hindi mapabigatan ang kongregasyon, at matutulungan naman ng kongregasyon ang mga biyuda na talagang nangangailangan.+
17 Ang matatandang lalaki na nangangasiwa sa mahusay na paraan+ ay dapat ituring na karapat-dapat sa dobleng karangalan,+ lalo na ang mga nagsisikap nang husto sa pagsasalita at pagtuturo tungkol sa salita ng Diyos.+ 18 Dahil sinasabi ng kasulatan, “Huwag mong bubusalan ang* toro habang gumigiik ito,”+ at, “Ang manggagawa ay karapat-dapat sa kaniyang kabayaran.”+ 19 Huwag mong pakikinggan ang akusasyon sa isang matandang lalaki maliban na lang kung may dalawa o tatlong testigo.+ 20 Sawayin mo+ sa harap ng lahat ang mga namimihasa sa kasalanan+ para magsilbing babala sa iba. 21 Sa harap ng Diyos at ni Kristo Jesus at ng piniling mga anghel, inuutusan kita na sundin ang mga tagubiling ito nang patas at suriin mo munang mabuti ang lahat ng bagay bago magdesisyon.+
22 Huwag kang magmadali sa pagpapatong ng mga kamay mo sa sinuman;+ huwag ka ring magkaroon ng bahagi sa kasalanan ng iba; panatilihin mong malinis ang sarili mo.
23 Huwag ka nang uminom ng tubig;* uminom ka ng kaunting alak para sa sikmura mo at dahil sa madalas mong pagkakasakit.
24 Ang mga kasalanan ng ilang tao ay hayag sa lahat, kaya nahahatulan sila agad, pero ang kasalanan ng ibang tao ay sa bandang huli pa nahahayag.+ 25 Sa katulad na paraan, may mabubuting gawa na hayag sa lahat,+ at ang mga nakatago ay hindi mananatiling nakatago.+