Mga Kawikaan
2 Kakainin ng isang tao ang mabubuting bunga ng kaniyang pananalita,*+
Pero ang hinahangad* ng mapanlinlang ay umaakay sa karahasan.
3 Ang taong nagbabantay sa kaniyang bibig* ay nag-iingat ng buhay niya,+
Pero ang taong hindi kumokontrol sa mga labi niya ay mapapahamak.+
5 Ang matuwid ay napopoot sa kasinungalingan,+
Pero ang ginagawa ng masama ay nagdudulot ng kahihiyan at kadustaan.
7 May nagkukunwaring mayaman pero walang-wala naman;+
May nagkukunwaring mahirap pero napakayaman pala.
12 Ang inaasahan* na hindi nangyayari ay nagpapalungkot sa* puso,+
Pero ang hangaring natupad ay gaya ng punong nagbibigay-buhay.+
15 Kalugod-lugod ang may malalim na kaunawaan,
Pero punô ng problema ang landas ng mapandaya.
16 Ang marunong ay kumikilos nang may kaalaman,+
Pero ipinapakita ng mangmang ang sarili niyang kamangmangan.+
17 Ang masamang mensahero ay nagdudulot ng problema,+
Pero ang mensahe ng tapat na sugo ay nagpapagaling.+
18 Ang nagwawalang-bahala sa disiplina ay maghihirap at mapapahiya,
21 Ang mga makasalanan ay hinahabol ng kapahamakan,+
Pero ang mga matuwid ay pinagpapala ng kasaganaan.+
22 Ang mabuting tao ay may naipamamana sa mga apo niya,
Pero ang yaman ng makasalanan ay nakaimbak para sa matuwid.+
23 Ang bukid ng dukha ay namumunga ng saganang pagkain,
Pero puwede itong* maagaw dahil sa kawalan ng hustisya.