Mga Kawikaan
3 Anak ko, huwag mong kalimutan ang itinuturo* ko,
At sundin mo sana nang buong puso ang mga utos ko,
2 Dahil ang mga ito ay magbibigay sa iyo
Ng mahaba at payapang buhay.+
3 Huwag mong iwan ang tapat na pag-ibig at katapatan.*+
Itali mo ang mga iyon sa leeg mo;
Isulat mo ang mga iyon sa puso* mo;+
4 Sa gayon, ikaw ay magiging kalugod-lugod at may unawa
Sa mata ng Diyos at ng tao.+
7 Huwag kang magtiwala sa sarili mong karunungan.+
Matakot ka kay Jehova at lumayo sa kasamaan.
9 Parangalan mo si Jehova sa pamamagitan ng iyong mahahalagang pag-aari,+
Ng mga unang bunga ng* lahat ng iyong ani;*+
10 At mapupuno nang husto ang mga imbakan mo,+
At aapaw ang bagong alak sa iyong mga pisaan ng ubas.
11 Anak ko, huwag mong itakwil ang disiplina ni Jehova,+
At huwag mong kamuhian ang saway niya,+
12 Dahil sinasaway ni Jehova ang mga mahal niya,+
Gaya ng ginagawa ng ama sa kinalulugdan niyang anak.+
13 Maligaya ang nakatagpo sa karunungan+
At ang taong nagkaroon ng kaunawaan;
14 Mas mabuti ito kaysa sa pagkakaroon ng pilak
At mas kapaki-pakinabang kaysa sa pagkakaroon ng ginto.+
16 Nasa kanang kamay nito ang mahabang buhay
At nasa kaliwang kamay ang kayamanan at kaluwalhatian.
18 Ito ay punongkahoy ng buhay para sa mga nagtataglay nito,
At magiging maligaya ang mga nanghahawakan dito.+
19 Inilagay ni Jehova ang pundasyon ng lupa sa pamamagitan ng karunungan.+
Itinatag niya ang langit sa pamamagitan ng kaunawaan.+
20 Dahil sa kaniyang kaalaman, nahati ang malalim na katubigan
At bumabagsak ang hamog mula sa maulap na kalangitan.+
21 Anak ko, lagi mong isaisip ang mga ito.*
Ingatan mo ang karunungan* at ang kakayahang mag-isip;
22 Ang mga ito ay magbibigay sa iyo ng buhay
At magiging isang magandang kuwintas sa iyong leeg;
23 At panatag kang lalakad sa iyong mga daan,
28 Huwag mong sabihin sa kapuwa mo: “Umuwi ka na, bumalik ka bukas at bibigyan kita,”
Kung maibibigay mo naman ito ngayon.
30 Huwag kang makipag-away sa isang tao nang walang dahilan+
Kung wala naman siyang ginawang masama sa iyo.+