Mga Kawikaan
22 Ang magandang pangalan* ay mas dapat piliin kaysa sa malaking kayamanan;+
Ang paggalang* ng iba ay mas mabuti kaysa sa pilak at ginto.
2 May pagkakatulad* ang mayaman at mahirap:
Pareho silang ginawa ni Jehova.+
3 Nakikita ng matalino ang panganib at nagtatago,
Pero tulóy lang ang mga walang karanasan at pinagdurusahan ang epekto* nito.
5 May mga tinik at bitag sa landas ng liko,
Pero ang nagpapahalaga sa buhay niya ay lumalayo sa mga ito.+
6 Sanayin mo ang bata* sa landas na dapat niyang lakaran;+
Kahit tumanda siya, hindi siya lilihis dito.+
10 Palayasin mo ang mapanghamak,
At mawawala ang pag-aaway;
Matitigil ang mga pagtatalo* at pang-iinsulto.
13 Sinasabi ng tamad: “May leon sa labas!
Mapapatay ako sa gitna ng liwasan!”*+
14 Ang bibig ng masasamang* babae ay malalim na hukay.+
Mahuhulog doon ang hinatulan ni Jehova.
16 Ang nandaraya sa dukha para mas yumaman pa+
At ang nagreregalo sa mayayaman
Ay tiyak na maghihirap.
17 Magbigay-pansin ka* at makinig sa mga salita ng marurunong+
Para maiayon mo ang puso mo sa aking kaalaman,+
18 Dahil magandang maitanim iyon sa puso mo+
Para iyon ang laging lumabas sa mga labi mo.+
19 Para kay Jehova ka magtiwala,
Binibigyan kita ngayon ng kaalaman.
20 Hindi ba sumulat na ako sa iyo noon
Para magbigay ng payo at kaalaman,
21 Para ituro sa iyo ang katotohanan at maaasahang mga salita,
Para makapagbigay ka ng tumpak na ulat sa nagsugo sa iyo?
22 Huwag mong nanakawan ang dukha dahil mahirap siya,+
At huwag mong aapihin ang maralita sa pintuang-daan ng lunsod,+
23 Dahil si Jehova mismo ang magtatanggol sa kanilang usapin,+
At papatayin niya ang nandaraya sa kanila.
24 Huwag kang makisama sa taong mainitin ang ulo
O makipagkaibigan sa taong magagalitin,
25 Para hindi mo matutuhan ang mga landas niya
At ikaw mismo ang mabitag.+
26 Huwag kang makisama sa mga nakikipagkamay para sa isang kasunduan,
Sa mga nananagot sa mga pautang.+
27 Kung wala kang pambayad,
Kukunin nila ang hinihigaan mo!
29 Nakakita ka na ba ng taong mahusay sa gawain niya?
Tatayo siya sa harap ng mga hari;+
Hindi siya tatayo sa harap ng karaniwang mga tao.