Mga Kawikaan
Ang marunong na anak ay nagpapasaya sa kaniyang ama,+
Pero ang mangmang na anak ay nagpapahirap sa kaniyang ina.
2 Walang silbi ang kayamanang nakuha sa masamang paraan,
3 Hindi hahayaan ni Jehova na magutom ang mga matuwid,+
Pero ipagkakait niya sa masasama ang mga gusto nila.
5 Ang anak na may kaunawaan ay nagtitipon ng ani sa tag-araw,
Pero ang anak na kahiya-hiya ay natutulog nang mahimbing sa panahon ng pag-aani.+
8 Ang marunong* ay tatanggap ng tagubilin,*+
Pero ang nagsasalita nang may kamangmangan ay aapak-apakan.+
10 Ang kumikindat para manlinlang ay magdudulot ng kirot,+
At ang nagsasalita nang may kamangmangan ay aapak-apakan.+
14 Ang marunong ay nagpapahalaga* sa kaalaman,+
Pero ang bibig ng mangmang ay nagdadala ng kapahamakan.+
15 Ang kayamanan* ng mayaman ang proteksiyon* niya.
Kahirapan ang nagpapahamak sa dukha.+
17 Ang nakikinig sa disiplina ay umaakay sa mga tao sa daan ng buhay,*
Pero ang nagwawalang-bahala sa saway ay nagiging dahilan para maligaw ang iba.
20 Gaya ng pinakamagandang klase ng pilak ang dila ng matuwid,+
Pero maliit ang halaga ng puso ng masama.
21 Ang salita ng matuwid ay nagpapalusog* sa marami,+
Pero ang mangmang ay namamatay dahil sa kakulangan ng unawa.+
23 Para sa mangmang, ang paggawi nang kahiya-hiya ay parang laro lang,
Pero ang karunungan ay taglay ng taong may kaunawaan.+
24 Ang kinatatakutan ng masama ay mangyayari sa kaniya,
Pero ang ninanais ng matuwid ay ipagkakaloob sa kaniya.+
25 Pagdaan ng bagyo, mawawala na ang masama,+
Pero ang matuwid ay gaya ng pundasyon na hindi magigiba kailanman.+
28 Ang inaasam* ng mga matuwid ay nagpapasaya sa kanila,+
Pero ang pag-asa ng masasama ay maglalaho.+