Mga Kawikaan
27 Huwag mong ipagyabang ang susunod na araw,
Dahil hindi mo alam kung ano ang mangyayari sa* bawat araw.+
3 Parehong mabigat ang bato at buhangin,
Pero mas mabigat sa mga ito ang pagkainis na dulot ng isang mangmang.+
5 Mas mabuti ang hayagang pagsaway kaysa sa pag-ibig na hindi ipinapakita.+
6 Ang mga sugat na dulot ng isang kaibigan ay tanda ng katapatan,+
Pero marami* ang halik ng isang kaaway.
7 Tinatanggihan* ng busog ang purong pulot-pukyutan;
Pero sa gutom, kahit ang mapait ay nagiging matamis.
8 Gaya ng ibong napalayo sa pugad nito
Ang taong napalayo sa tahanan niya.
9 Ang langis at insenso ay nagpapasaya sa puso;
Gayon din ang pagkakaibigang pinapatibay ng taimtim na pagpapayo.+
10 Huwag mong iwan ang kaibigan mo o ang kaibigan ng iyong ama,
At huwag kang pumasok sa bahay ng kapatid mo sa panahong may problema ka;*
Mas mabuti ang malapit na kapitbahay kaysa sa kapatid na nasa malayo.+
12 Nakikita ng matalino ang panganib at nagtatago,+
Pero tulóy lang ang mga walang karanasan at pinagdurusahan ang epekto* nito.
13 Kunin mo ang damit ng isang tao kung nanagot siya para sa estranghero;
Kunin mo ang prenda niya kung nanagot siya para sa babaeng banyaga.*+
14 Kapag binati* nang malakas ng isang tao ang kapuwa niya kahit napakaaga pa,
Ituturing itong sumpa mula sa kaniya.
15 Ang asawang babae na mahilig makipagtalo* ay gaya ng bubong na laging tumutulo kapag umuulan.+
16 Sinumang makapipigil sa kaniya ay makapipigil din sa hangin
At makadadakot ng langis sa kanang kamay.
18 Ang nag-aalaga sa puno ng igos ay kakain ng bunga nito,+
At ang nangangalaga sa panginoon niya ay pararangalan.+
19 Kung paanong naaaninag sa tubig ang mukha ng isang tao,
Maaaninag din ang puso ng isang tao sa puso ng kapuwa niya.
20 Kung paanong hindi nakokontento ang Libingan at ang lugar ng pagkapuksa,*+
Hindi rin nakokontento ang mga mata ng tao.
21 Kung paanong ang dalisayang kaldero ay para sa pilak at ang hurno ay para sa ginto,+
Nasusubok ang isang tao dahil sa papuring natatanggap niya.*
22 Dikdikin mo man ang mangmang
Gaya ng dinurog na butil sa almires,
Hindi pa rin hihiwalay sa kaniya ang kamangmangan.
23 Dapat na alam na alam mo ang kaanyuan ng iyong kawan.
Alagaan mong mabuti ang* iyong mga tupa,+
24 Dahil ang kayamanan ay hindi nananatili magpakailanman,+
At ang korona* ay hindi rin naipapasa sa lahat ng henerasyon.
25 Nawawala ang berdeng damo at may lumilitaw na bagong damo,
At ang pananim sa mga bundok ay tinitipon.
26 Galing sa mga batang lalaking tupa ang iyong damit,
At galing sa mga lalaking kambing ang pambili mo ng bukid.
27 May sapat ding gatas ng kambing para maging pagkain mo,
Pagkain ng iyong sambahayan, at panustos ng iyong mga babaeng lingkod.