Mga Kawikaan
29 Ang taong matigas pa rin ang ulo* kahit paulit-ulit na sawayin+
Ay biglang mapipinsala at hindi na gagaling.+
2 Kapag marami ang matuwid, nagsasaya ang bayan,
Pero kapag masama ang namamahala, dumaraing ang bayan.+
3 Ang umiibig sa karunungan ay nagpapasaya sa kaniyang ama,+
Pero ang nakikisama sa mga babaeng bayaran ay lumulustay ng kayamanan niya.+
4 Sa pamamagitan ng katarungan, pinatatatag ng hari ang kaharian niya,+
Pero ginigiba ito ng humihingi ng suhol.
6 Ang masamang tao ay nabibitag ng kasalanan niya,+
Pero ang matuwid ay humihiyaw nang may kagalakan at natutuwa.+
10 Ang mga mamamatay-tao ay napopoot sa sinumang walang-sala,*+
At gusto nilang patayin ang mga matuwid.*
13 May pagkakatulad* ang dukha at ang nang-aapi:
Parehong pinagliliwanag ni Jehova ang mga mata nila.*
15 Ang pamalo* at saway ay nagbibigay ng karunungan,+
Pero ang batang hindi sinasaway ay nagdudulot ng kahihiyan sa kaniyang ina.
16 Kapag dumarami ang masasama, dumarami rin ang kasalanan,
Pero makikita ng mga matuwid ang pagbagsak nila.+
17 Disiplinahin mo ang iyong anak at bibigyan ka niya ng kapayapaan;*
At mapasasaya ka niya nang husto.+
19 Ang isang lingkod ay ayaw magpatuwid sa salita,
Dahil kahit naiintindihan niya, hindi siya sumusunod.+
20 Nakakita ka na ba ng taong padalos-dalos sa pagsasalita?+
Mas may pag-asa pa ang mangmang kaysa sa kaniya.+
21 Kung ibinibigay sa lingkod ang lahat ng gusto niya mula pagkabata,
Siya ay magiging walang utang na loob balang-araw.
22 Nagkakaroon ng away dahil sa taong magagalitin;+
Nakagagawa ng maraming kasalanan ang taong madaling magalit.+
24 Ang kaibigan ng magnanakaw ay napopoot sa sarili niya.
Makarinig man siya ng panawagan para tumestigo,* hindi siya magsasalita.+
25 Ang panginginig sa harap ng* mga tao ay isang bitag,*+
Pero ang nagtitiwala kay Jehova ay poprotektahan.+