Unang Liham kay Timoteo
3 Mapananaligan ito: Kung nagsisikap ang isang lalaki na maging tagapangasiwa,+ magandang tunguhin iyan. 2 Kaya dapat na ang tagapangasiwa ay di-mapupulaan,+ asawa ng isang babae, may kontrol sa kaniyang paggawi, may matinong pag-iisip,+ maayos, mapagpatuloy,+ kuwalipikadong magturo,+ 3 hindi lasenggo,+ at hindi marahas, kundi makatuwiran,+ hindi palaaway,+ hindi maibigin sa pera,+ 4 isang lalaking namumuno* sa sarili niyang pamilya* sa mahusay na paraan, na may mga anak na masunurin at mabuti ang asal+ 5 (dahil kung hindi kayang mamuno* ng isang lalaki sa sarili niyang pamilya, paano niya aalagaan ang kongregasyon ng Diyos?), 6 at hindi bagong kumberte,+ dahil baka magmalaki siya at tumanggap ng hatol na katulad ng sa Diyablo. 7 Dapat na maganda rin ang reputasyon niya sa mga di-kapananampalataya*+ para hindi siya magdala ng kahihiyan at mahulog sa bitag ng Diyablo.
8 Ang mga ministeryal na lingkod+ ay dapat ding maging seryoso, hindi mapanlinlang ang pananalita, hindi malakas uminom ng alak, hindi sakim sa pakinabang,+ 9 at nanghahawakan sa sagradong lihim ng pananampalataya nang may malinis na konsensiya.+
10 Isa pa, subukin muna sila kung karapat-dapat* sila; at kung malaya sila sa akusasyon, hayaan silang maglingkod bilang ministeryal na lingkod.+
11 Ang mga babae ay dapat ding maging seryoso, hindi naninirang-puri,+ may kontrol sa kanilang paggawi,* at tapat sa lahat ng bagay.+
12 Ang mga ministeryal na lingkod ay dapat na asawa ng isang babae at namumuno sa kanilang pamilya sa mahusay na paraan, lalo na sa kanilang mga anak. 13 Dahil ang mga lalaking naglilingkod sa mahusay na paraan ay nagkakaroon ng magandang reputasyon at malaking kalayaan sa pagsasalita tungkol sa pananampalataya kay Kristo Jesus.
14 Isinusulat ko sa iyo ang mga bagay na ito kahit umaasa akong malapit na akong makapunta sa iyo, 15 para kung sakaling matagalan ako, malaman mo kung paano ka dapat gumawi sa sambahayan ng Diyos,+ na siyang kongregasyon ng buháy na Diyos, isang haligi at pundasyon ng katotohanan. 16 Oo, talagang mahalaga ang sagradong lihim ng makadiyos na debosyon: ‘Siya ay naging tao,+ ipinahayag na matuwid sa espiritu,+ nagpakita sa mga anghel,+ ipinangaral sa mga bansa,+ pinaniwalaan sa sanlibutan,+ at tinanggap sa langit at niluwalhati.’+