Mga Awit
Para sa direktor. Awit ni David.
139 O Jehova, sinuri mo ako, at kilala mo ako.+
2 Alam mo kapag umuupo ako at kapag tumatayo ako.+
Mula sa malayo ay alam mo ang mga iniisip ko.+
3 Pinagmamasdan* mo ako kapag naglalakbay ako at kapag humihiga ako;
Pamilyar ka sa lahat ng ginagawa ko.+
5 Sa likod at sa harap ko, pinalibutan mo ako;
At ipinatong mo sa akin ang kamay mo.
6 Ang gayong kaalaman ay hindi ko kayang unawain.*
Iyon ay napakataas at hindi ko maabot.*+
9 Kung lilipad ako gamit ang mga pakpak ng bukang-liwayway
Para manirahan sa pinakamalayong dagat,
10 Doon man ay papatnubayan ako ng kamay mo
At hahawakan ako ng iyong kanang kamay.+
11 Kung sasabihin ko: “Tiyak na itatago ako ng kadiliman!”
Ang gabi ay magiging liwanag sa palibot ko.
12 Kahit ang kadiliman ay hindi magiging napakadilim para sa iyo,
Kundi ang gabi ay magiging kasinliwanag ng araw;+
Ang kadiliman ay kapareho ng liwanag para sa iyo.+
14 Pinupuri kita dahil sa kahanga-hangang paraan ay kamangha-mangha ang pagkakagawa sa akin.+
Kamangha-mangha ang iyong mga gawa,+
Alam na alam ko ito.
15 Ang mga buto ko ay hindi tago sa iyo
Nang gawin ako sa lihim,
Nang habihin ako sa kailaliman ng lupa.+
16 Nakita ako ng mga mata mo kahit noong binhi pa lang ako;
Ang lahat ng bahagi ko ay nakasulat sa iyong aklat
Tungkol sa mga araw nang mabuo ang mga iyon,
Bago pa mabuo ang alinman sa mga iyon.
17 Kaya napakahalaga sa akin ng mga kaisipan mo!+
O Diyos, pagkarami-rami ng mga iyon!+
18 Kung susubukan kong bilangin, mas marami pa ang mga iyon sa mga butil ng buhangin.+
Paggising ko, kasama pa rin kita.*+
19 O Diyos, kung papatayin mo lang sana ang masasama,+
Hihiwalay na sa akin ang mararahas,*
20 Ang mga nagsasalita laban sa iyo nang may masamang intensiyon;*
Sila ang mga kalaban mo na gumagamit ng pangalan mo sa walang-kabuluhang paraan.+
21 Hindi ba napopoot ako sa mga napopoot sa iyo, O Jehova,+
At namumuhi ako sa mga lumalaban sa iyo?+
23 Siyasatin mo ako, O Diyos, at alamin mo ang laman ng puso ko.+