Mga Kawikaan
20 Ang alak ay manunuya,+ ang inuming de-alkohol ay magulo;+
Ang naliligaw dahil sa mga ito ay hindi marunong.+
2 Ang pagkatakot sa* hari ay gaya ng pagkatakot sa ungal ng leon;+
Ang gumagalit sa kaniya ay nagsasapanganib ng sariling buhay.+
4 Ang tamad ay hindi nag-aararo sa taglamig,
Kaya mamamalimos siya sa panahon ng pag-aani dahil walang-wala siya.*+
6 Marami ang nagsasabi na may tapat na pag-ibig sila,
Pero mahirap makakita ng totoong tapat.
7 Ang matuwid ay lumalakad nang tapat.+
Magiging maligaya ang mga anak niya.+
13 Huwag kang tulog nang tulog, dahil maghihirap ka.+
Buksan mo ang mga mata mo, at mabubusog ka sa tinapay.+
16 Kunin mo ang damit ng isang tao kung nanagot siya para sa estranghero;+
Kunin mo ang prenda niya kung nanagot siya para sa babaeng banyaga.*+
17 Masarap para sa isang tao ang tinapay na nakuha sa pandaraya,
Pero sa bandang huli, mapupuno ng graba ang bibig niya.+
18 Magtatagumpay* ang mga plano kapag napag-uusapan,*+
At makipaglaban ka nang may mahusay na patnubay.+
19 Ang maninirang-puri ay gumagala para magbunyag ng mga sekreto;+
Huwag kang makisama sa mahilig magkalat ng tsismis.*
22 Huwag mong sabihin: “Gaganti ako ng masama!”+
Umasa ka kay Jehova,+ at ililigtas ka niya.+
23 Ang madayang panimbang* ay kasuklam-suklam kay Jehova,
At ang di-tapat na timbangan ay hindi mabuti.
24 Pinapatnubayan ni Jehova ang mga hakbang ng tao,+
Dahil paano malalaman ng tao kung saan siya pupunta?*
25 Nagiging bitag sa isang tao ang pagsigaw niya nang padalos-dalos, “Banal!”+
At pagkatapos na lang niya pag-iisipan ang panata niya.+
27 Ang hininga ng tao ang lampara ni Jehova,
Ang nagsisiwalat sa kaloob-looban ng tao.
28 Ang tapat na pag-ibig at katapatan ang nag-iingat sa hari;+
Napananatili niya ang kaniyang trono dahil sa tapat na pag-ibig.+