Isaias
26 Sa araw na iyon, ang awit na ito ay aawitin+ sa lupain ng Juda:+
“May matibay na lunsod kami.+
Kaligtasan ang ginawa niyang pader at tanggulan nito.+
2 Buksan ninyo ang mga pintuang-daan+ para makapasok ang matuwid na bansa,
Isang bansa na nananatiling tapat.
3 Iingatan mo ang mga lubos na umaasa sa iyo;*
Patuloy mo silang bibigyan ng kapayapaan,+
Dahil sa iyo sila nagtitiwala.+
5 Dahil ibinaba niya ang mga nakatira sa kaitaasan, sa matayog na lunsod.
Ibinababa niya iyon,
Ibinababa niya iyon sa lupa;
Ibinabagsak niya iyon sa alabok.
6 Yuyurakan iyon ng paa,
Ng mga paa ng mga napipighati, ng mga talampakan ng mga dukha.”
7 Ang landasin ng matuwid ay tuwid.*
Dahil matuwid ka,
Papatagin mo ang landas ng mga matuwid.
8 Habang lumalakad kami sa landas ng mga kahatulan mo, O Jehova,
Sa iyo kami umaasa.
Nananabik kami sa pangalan mo at sa pinakaalaala mo.*
9 Sa gabi ay nananabik sa iyo ang buo kong pagkatao,
Hinahanap-hanap ka ng puso ko;+
Dahil kapag hinahatulan mo ang lupa,
Ang mga nakatira sa lupain ay natututo ng katuwiran.+
Kahit sa lupain ng katapatan ay gagawa siya ng masama,+
At hindi niya makikita ang karilagan ni Jehova.+
11 O Jehova, nakataas ang kamay mo, pero hindi nila iyon nakikita.+
Makikita nila ang sigasig mo para sa iyong bayan at mapapahiya sila.
Tutupukin sila ng apoy na para sa mga kaaway mo.
12 O Jehova, tiyak na bibigyan mo kami ng kapayapaan,+
Dahil ang lahat ng naisagawa namin
Ay nagawa namin sa tulong mo.
13 O Jehova na aming Diyos, may ibang mga panginoon bukod sa iyo na namahala sa amin,+
Pero pangalan mo lang ang binabanggit namin.+
14 Sila ay patay; hindi sila mabubuhay.
Wala na silang magagawa; hindi sila babangon.+
Dahil ibinaling mo sa kanila ang pansin mo
Para lipulin sila at hindi na maalaala pa.
Pinalawak mo nang husto ang lahat ng hangganan ng lupain.+
16 O Jehova, sa panahon ng pagdurusa ay lumapit sila sa iyo;
Marubdob silang nanalangin nang pabulong nang disiplinahin mo sila.+
17 Kung paanong ang babaeng malapit nang manganak
Ay nahihirapan at dumaraing sa sakit,
Gayon ang nadarama namin dahil sa iyo, O Jehova.
18 Nagdalang-tao kami, namilipit kami sa sakit,
Pero para bang nagsilang kami ng hangin.
Hindi namin nailigtas ang lupain,
At walang ipinanganak para manirahan sa lupain.
19 “Ang iyong mga patay ay mabubuhay.
Ang mga bangkay ng bayan ko* ay babangon.+
Gumising kayo at humiyaw sa kagalakan,
Kayong mga nakatira sa alabok!+
21 Dahil si Jehova ay lumalabas mula sa tirahan niya
Para pagbayarin ang mga nakatira sa lupain sa pagkakamali nila,
At ang pagdanak ng dugo sa lupain ay malalantad,
At hindi na maitatago ang mga napatay sa lupain.”