Ayon kay Lucas
3 Noong ika-15 taon ng pamamahala ni Tiberio Cesar,* nang si Poncio Pilato+ ang gobernador ng Judea, si Herodes+ ang tagapamahala ng distrito ng Galilea, si Felipe na kapatid niya ang tagapamahala ng distrito ng Iturea at Traconite, at si Lisanias ang tagapamahala ng distrito ng Abilinia, 2 noong panahon ni Caifas+ at ng punong saserdoteng si Anas, tumanggap ng mensahe mula sa Diyos si Juan+ na anak ni Zacarias+ habang siya ay nasa ilang.+
3 Kaya pumunta siya sa lahat ng lugar sa palibot ng Jordan para mangaral tungkol sa bautismo bilang sagisag ng pagsisisi para sa kapatawaran ng mga kasalanan,+ 4 gaya ng nakasulat sa aklat ni propeta Isaias: “May sumisigaw sa ilang: ‘Ihanda ninyo ang dadaanan ni Jehova! Patagin ninyo ang lalakaran niya.+ 5 Bawat lambak ay tatambakan, at bawat bundok at burol ay papatagin; ang paliko-likong mga daan ay magiging tuwid, at ang malubak na mga daan ay magiging patag; 6 at makikita ng lahat ng tao* ang pagliligtas ng Diyos.’”*+
7 Kaya sinasabi niya sa mga taong pumupunta sa kaniya para magpabautismo: “Kayong mga anak ng ulupong, sino ang nagsabi sa inyo na makaliligtas kayo sa dumarating na pagpuksa?+ 8 Ipakita muna ninyo na talagang nagsisisi kayo. Huwag ninyong isipin, ‘Ama namin si Abraham.’ Dahil sinasabi ko sa inyo na kaya ng Diyos na lumikha ng mga anak para kay Abraham mula sa mga batong ito. 9 Sa katunayan, nakalapat na ang palakol sa ugat ng mga puno. At bawat puno na hindi maganda ang bunga ay puputulin at ihahagis sa apoy.”+
10 Kaya tinatanong siya ng mga tao: “Ano ngayon ang dapat naming gawin?” 11 Sumasagot siya: “Ang taong may ekstrang* damit ay magbigay sa taong wala nito, at gayon din ang gawin ng taong may makakain.”+ 12 Pumunta rin sa kaniya ang mga maniningil ng buwis para magpabautismo,+ at sinabi nila: “Guro, ano ang dapat naming gawin?” 13 Sumagot siya: “Huwag kayong mangolekta nang higit sa dapat singiling buwis.”+ 14 Nagtatanong din sa kaniya ang mga naglilingkod sa militar: “Ano ang dapat naming gawin?” At sumasagot siya: “Huwag kayong mangikil* o mag-akusa ng di-totoo,+ kundi masiyahan kayo sa inyong suweldo.”
15 Ang mga tao ay naghihintay sa Kristo, at iniisip* nilang lahat tungkol kay Juan, “Siya kaya ang Kristo?”+ 16 Sinabi ni Juan sa lahat: “Binabautismuhan ko kayo sa tubig, pero dumarating ang isa na mas malakas kaysa sa akin, at hindi ako karapat-dapat na magkalag sa sintas ng sandalyas niya.+ Babautismuhan niya kayo sa pamamagitan ng banal na espiritu at ng apoy.+ 17 Hawak niya ang kaniyang palang pantahip para linising mabuti ang giikan niya at tipunin sa kamalig* niya ang trigo, pero ang ipa ay susunugin niya sa apoy na hindi mapapatay.”
18 Nagbigay rin siya ng maraming iba pang payo at nagpatuloy sa paghahayag ng mabuting balita sa mga tao. 19 Pero si Herodes na tagapamahala ng distrito, na sinaway ni Juan may kinalaman kay Herodias na asawa ng kapatid ni Herodes at may kinalaman sa lahat ng masasamang bagay na ginawa niya, 20 ay gumawa ng isa pang masamang bagay: Ipinakulong niya si Juan.+
21 Matapos mabautismuhan ang lahat ng tao, binautismuhan din si Jesus.+ Habang nananalangin siya, nabuksan ang langit,+ 22 at ang banal na espiritu na tulad ng isang kalapati ay bumaba sa kaniya, at isang tinig ang narinig mula sa langit: “Ikaw ang Anak ko, ang minamahal ko; nalulugod ako sa iyo.”+
23 Nang pasimulan ni Jesus+ ang kaniyang gawain, siya ay mga 30 taóng gulang.+ At gaya nga ng sinasabi ng mga tao, siya ay
anak ni Jose,+
na anak ni Heli,
24 na anak ni Matat,
na anak ni Levi,
na anak ni Melqui,
na anak ni Jannai,
na anak ni Jose,
25 na anak ni Matatias,
na anak ni Amos,
na anak ni Nahum,
na anak ni Esli,
na anak ni Nagai,
26 na anak ni Maat,
na anak ni Matatias,
na anak ni Semein,
na anak ni Josec,
na anak ni Joda,
27 na anak ni Joanan,
na anak ni Resa,
na anak ni Zerubabel,+
na anak ni Sealtiel,+
na anak ni Neri,
28 na anak ni Melqui,
na anak ni Adi,
na anak ni Cosam,
na anak ni Elmadam,
na anak ni Er,
29 na anak ni Jesus,
na anak ni Eliezer,
na anak ni Jorim,
na anak ni Matat,
na anak ni Levi,
30 na anak ni Symeon,
na anak ni Hudas,
na anak ni Jose,
na anak ni Jonam,
na anak ni Eliakim,
31 na anak ni Melea,
na anak ni Mena,
na anak ni Matata,
na anak ni Natan,+
na anak ni David,+
na anak ni Obed,+
na anak ni Boaz,+
na anak ni Salmon,+
na anak ni Nason,+
na anak ni Arni,
na anak ni Hezron,+
na anak ni Perez,+
na anak ni Juda,+
na anak ni Isaac,+
na anak ni Abraham,+
na anak ni Tera,+
na anak ni Nahor,+
na anak ni Reu,+
na anak ni Peleg,+
na anak ni Eber,+
na anak ni Shela,+
36 na anak ni Cainan,
na anak ni Arpacsad,+
na anak ni Sem,+
na anak ni Noe,+
na anak ni Lamec,+
na anak ni Enoc,+
na anak ni Jared,+
na anak ni Mahalaleel,+
na anak ni Cainan,+
na anak ni Set,+
na anak ni Adan,+
na anak ng Diyos.