Mga Kawikaan
14 Ang babae na talagang marunong ay nagpapatibay sa bahay* niya,+
Pero sinisira ito ng sariling mga kamay ng mangmang.
2 Ang lumalakad nang tapat ay natatakot kay Jehova,
Pero ang taong liko ang landas* ay humahamak sa Kaniya.
3 Ang mayabang na pananalita ng mga mangmang ay gaya ng pamalo,
Pero ang mga labi ng marurunong ay poprotekta sa kanila.
4 Kapag walang baka, malinis ang sabsaban,
Pero nagiging sagana ang ani dahil sa lakas ng toro.
5 Ang tapat na testigo ay hindi magsisinungaling,
Pero puro kasinungalingan ang lumalabas sa bibig ng sinungaling na testigo.+
6 Ang mayabang* ay naghahanap ng karunungan pero walang matagpuan,
Pero ang may unawa ay madaling makakuha ng kaalaman.+
8 Dahil sa karunungan, nauunawaan ng matalino ang daang tinatahak niya,
Pero ang mga mangmang ay nadadaya ng* sarili nilang kamangmangan.+
9 Pinagtatawanan lang ng mga mangmang ang pagkakasala,*+
Pero ang mga matuwid ay handang makipagkasundo.*
10 Ang puso ang nakaaalam ng sarili nitong kirot,
At hindi mauunawaan ng iba ang nararamdaman nitong saya.
13 Kahit tumatawa ang isa, maaaring may kirot sa puso niya,
At ang pagsasaya ay puwedeng mauwi sa pamimighati.
14 Aanihin ng di-tapat* ang bunga ng landasin niya,+
Pero tatanggap ng gantimpala ang mabuting tao dahil sa mga ginagawa niya.+
15 Pinaniniwalaan ng walang karanasan* ang lahat ng naririnig niya,
Pero pinag-iisipan ng marunong ang bawat hakbang niya.+
16 Ang marunong ay maingat at lumalayo sa kasamaan,
Pero ang mangmang ay padalos-dalos* at sobra ang tiwala sa sarili.
17 Ang madaling magalit ay gumagawi nang may kamangmangan,+
Pero ang nag-iisip mabuti* ay kinapopootan.
18 Ang mga walang karanasan* ay magiging mangmang,
Pero ang matatalino ay kinokoronahan ng kaalaman.+
19 Ang masasama ay yuyukod sa harap ng mabubuti;
Ang masasama ay yuyukod sa mga pintuang-daan ng matuwid.
20 Ang dukha ay kinapopootan kahit ng malalapít sa kaniya,+
Pero maraming kaibigan ang taong mayaman.+
22 Hindi ba mapapahamak ang mga nagpaplano ng masama?
Pero tapat na pag-ibig at katapatan ang tatanggapin ng mga nagsisikap gumawa ng mabuti.+
24 Ang korona ng marurunong ay ang kayamanan nila,
Pero ang kamangmangan ng mga hangal ay umaakay sa higit pang kamangmangan.+
25 Ang tapat na testigo ay nagliligtas ng buhay,
Pero ang mapanlinlang na testigo ay laging nagsisinungaling.
26 Malaki ang tiwala kay Jehova ng taong natatakot sa Kaniya,+
Kaya magkakaroon ng kanlungan ang mga anak niya.+
27 Ang pagkatakot kay Jehova ay bukal ng buhay;
Inilalayo nito ang tao sa mga bitag ng kamatayan.
29 Ang taong hindi madaling magalit ay may malawak na kaunawaan,+
Pero nagpapakita ng kamangmangan ang maikli ang pasensiya.+
31 Ang nandaraya sa mahirap ay umiinsulto sa kaniyang Maylikha,+
Pero ang nagmamalasakit sa dukha ay lumuluwalhati sa Kaniya.+
32 Ang masama ay ibabagsak ng sarili niyang kasamaan,
Pero ang matuwid ay mapoprotektahan ng* kaniyang katapatan.+