Apocalipsis
12 At isang dakilang tanda+ ang nakita sa langit, isang babaing+ nagagayakan ng araw, at ang buwan ay nasa ilalim ng kaniyang mga paa, at sa kaniyang ulo ay may isang koronang labindalawang bituin, 2 at siya ay nagdadalang-tao. At sumisigaw siya dahil sa kaniyang mga kirot+ at sa kaniyang matinding paghihirap na magsilang.
3 At isa pang tanda ang nakita sa langit, at, narito! isang malaking dragon na kulay-apoy,+ na may pitong ulo at sampung sungay at sa mga ulo nito ay may pitong diadema; 4 at kinakaladkad ng buntot+ nito ang isang katlo ng mga bituin+ sa langit, at inihagis sila nito sa lupa.+ At ang dragon ay nanatiling nakatayo sa harap ng babae+ na malapit nang magsilang,+ upang kapag nakapagsilang na siya ay malamon+ nito ang kaniyang anak.
5 At nagsilang siya ng isang anak na lalaki,+ isang lalaki, na magpapastol sa lahat ng mga bansa taglay ang isang tungkod na bakal.+ At ang kaniyang anak ay inagaw patungo sa Diyos at sa kaniyang trono.+ 6 At ang babae ay tumakas patungo sa ilang,+ kung saan may dako siya na inihanda ng Diyos, upang doon ay pakainin+ nila siya nang isang libo dalawang daan at animnapung araw.+
7 At sumiklab ang digmaan sa langit: Si Miguel+ at ang kaniyang mga anghel ay nakipagbaka sa dragon, at ang dragon at ang mga anghel nito ay nakipagbaka 8 ngunit hindi ito nanaig, ni may nasumpungan pa mang dako para sa kanila sa langit. 9 Kaya inihagis ang malaking dragon,+ ang orihinal na serpiyente,+ ang tinatawag na Diyablo+ at Satanas,+ na siyang nagliligaw sa buong tinatahanang lupa;+ siya ay inihagis sa lupa,+ at ang kaniyang mga anghel ay inihagis na kasama niya. 10 At narinig ko ang isang malakas na tinig sa langit na nagsabi:
“Ngayon ay naganap na ang kaligtasan+ at ang kapangyarihan+ at ang kaharian ng ating Diyos+ at ang awtoridad ng kaniyang Kristo,+ sapagkat ang tagapag-akusa sa ating mga kapatid ay naihagis na, na siyang umaakusa sa kanila araw at gabi sa harap ng ating Diyos!+ 11 At kanilang dinaig siya+ dahil sa dugo ng Kordero+ at dahil sa salita ng kanilang pagpapatotoo,+ at hindi nila inibig ang kanilang mga kaluluwa+ maging sa harap ng kamatayan. 12 Dahil dito ay matuwa kayo, kayong mga langit at kayo na tumatahan diyan!+ Sa aba+ ng lupa at ng dagat,+ sapagkat ang Diyablo ay bumaba na sa inyo, na may malaking galit, sa pagkaalam na mayroon na lamang siyang maikling yugto ng panahon.”+
13 At nang makita ng dragon na siya ay inihagis sa lupa,+ pinag-usig niya ang babae+ na nagsilang sa batang lalaki. 14 Ngunit ang dalawang pakpak ng malaking agila+ ay ibinigay sa babae, upang makalipad siya patungo sa ilang+ sa kaniyang dako; doon siya pinakakain+ sa loob ng isang panahon at mga panahon at kalahating panahon+ na malayo sa mukha ng serpiyente.+
15 At ang serpiyente ay nagbuga sa likuran ng babae ng tubig+ na parang ilog mula sa kaniyang bibig, upang pangyarihin siyang malunod sa ilog.+ 16 Ngunit ang lupa ay sumaklolo sa babae,+ at ibinuka ng lupa ang bibig nito at nilulon ang ilog na ibinuga ng dragon mula sa kaniyang bibig. 17 At ang dragon ay napoot sa babae,+ at umalis upang makipagdigma sa mga nalalabi sa kaniyang binhi, na tumutupad sa mga utos ng Diyos at may gawaing pagpapatotoo+ tungkol kay Jesus.