Ayon kay Lucas
17 Pagkatapos, sinabi niya sa mga alagad niya: “Darating talaga ang mga bagay na nagiging dahilan ng pagkatisod. Pero kaawa-awa ang taong nagiging dahilan para matisod ang iba!+ 2 Mas mabuti pang ibitin sa leeg niya ang isang gilingang-bato at ihulog siya sa dagat kaysa sa maging dahilan siya ng pagkatisod* ng isa sa maliliit na ito.+ 3 Bigyang-pansin ninyo ang inyong sarili. Kung magkasala ang kapatid mo, sawayin mo siya,+ at kung magsisi siya, patawarin mo siya.+ 4 Kahit pitong beses siyang magkasala sa iyo sa isang araw at pitong beses siyang lumapit at magsabi, ‘Nagsisisi ako,’ dapat mo siyang patawarin.”+
5 Sinabi ng mga apostol sa Panginoon: “Palakasin mo ang pananampalataya namin.”+ 6 Kaya sinabi ng Panginoon: “Kung may pananampalataya kayo na kasinliit ng binhi ng mustasa, sasabihin ninyo sa punong ito ng itim na mulberi, ‘Mabunot ka at lumipat ka sa dagat!’ at susundin kayo nito.+
7 “Ipagpalagay nang may alipin kayo na umuwi mula sa pag-aararo o pagpapastol sa bukid. Sasabihin ba ninyo sa alipin, ‘Halika, kumain ka’? 8 Hindi. Sa halip, sasabihin ninyo, ‘Magbihis ka. Ipaghanda mo ako ng hapunan at pagsilbihan hanggang sa makakain ako at makainom; pagkatapos, puwede ka nang kumain at uminom.’ 9 Hindi kayo makadarama ng utang na loob sa alipin dahil ginawa lang niya ang mga atas niya, hindi ba? 10 Kaya kayo rin, kapag nagawa na ninyo ang lahat ng iniatas sa inyo, sabihin ninyo: ‘Kami ay hamak na mga alipin lang. Ginawa lang namin ang dapat naming gawin.’”+
11 Habang papunta siya sa Jerusalem, dumaan siya sa pagitan ng Samaria at Galilea. 12 Pagpasok niya sa isang nayon, sinalubong siya ng 10 lalaking ketongin, pero tumayo lang sila sa malayo.+ 13 Sumigaw sila: “Jesus, Guro, maawa ka sa amin!” 14 Nang makita niya sila, sinabi niya: “Magpakita kayo sa mga saserdote.”+ At gumaling sila+ habang papunta roon. 15 Nang makita ng isa sa kanila na gumaling na siya, bumalik siya habang sumisigaw ng papuri sa Diyos. 16 Sumubsob siya sa paanan ni Jesus at nagpasalamat sa kaniya. Sa katunayan, isa siyang Samaritano.+ 17 Sinabi ni Jesus: “Hindi ba 10 ang napagaling?* Nasaan ang 9 na iba pa? 18 Wala na bang ibang bumalik para pumuri sa Diyos bukod sa taong ito na iba ang lahi?” 19 Pagkatapos, sinabi ni Jesus sa kaniya: “Tumayo ka at tumuloy na sa pupuntahan mo; pinagaling* ka ng pananampalataya mo.”+
20 Nang tanungin siya ng mga Pariseo kung kailan darating ang Kaharian ng Diyos,+ sumagot siya: “Hindi magiging kapansin-pansin ang pagdating ng Kaharian ng Diyos; 21 hindi rin sasabihin ng mga tao, ‘Tingnan ninyo, narito!’ o, ‘Tingnan ninyo, naroon!’ Dahil ang Kaharian ng Diyos ay nasa gitna ninyo.”+
22 Pagkatapos, sinabi niya sa mga alagad: “Darating ang panahon na gugustuhin ninyong makita ang isa sa mga araw ng Anak ng tao, pero hindi ninyo iyon makikita.+ 23 At sasabihin sa inyo ng mga tao, ‘Tingnan ninyo roon!’ o, ‘Tingnan ninyo rito!’ Huwag kayong lumabas o sumunod sa kanila.+ 24 Dahil kung paanong ang kidlat ay nagliliwanag mula sa isang bahagi ng langit hanggang sa kabilang bahagi nito, magiging gayon din ang Anak ng tao+ sa araw na iyon.*+ 25 Pero dapat muna siyang dumanas ng maraming pagdurusa at itakwil ng henerasyong ito.+ 26 Isa pa, ang mga araw ng Anak ng tao ay magiging gaya noong panahon ni Noe:+ 27 kumakain sila at umiinom at ang mga lalaki at babae ay nag-aasawa hanggang sa araw na pumasok si Noe sa arka,+ at dumating ang Baha at pinuksa silang lahat.+ 28 Magiging gaya rin ito noong panahon ni Lot:+ sila ay kumakain, umiinom, bumibili, nagtitinda, nagtatanim, at nagtatayo. 29 Pero nang araw na lumabas si Lot sa Sodoma, umulan ng apoy at asupre* mula sa langit at pinuksa silang lahat.+ 30 Gayon din ang mangyayari sa araw na iyon kapag ang Anak ng tao ay isiniwalat.+
31 “Sa araw na iyon, kung nasa bubungan ang isang tao at nasa loob ng bahay ang mga pag-aari niya, huwag na siyang bumaba para kunin ang mga iyon, at huwag na ring balikan ng nasa bukid ang mga bagay na naiwan niya.+ 32 Alalahanin ang asawa ni Lot.+ 33 Ang sinumang gustong magligtas ng buhay niya ay mamamatay,* pero ang sinumang mamatay ay magliligtas sa buhay niya.+ 34 Sinasabi ko sa inyo, sa gabing iyon, dalawang tao ang hihiga sa isang higaan; isasama ang isa, pero iiwan ang isa.+ 35 May dalawang babae na magkasamang maggigiling ng trigo; isasama ang isa, pero iiwan ang isa.” 36 —— 37 Sinabi nila: “Saan, Panginoon?” Sumagot siya: “Kung nasaan ang katawan, doon magpupuntahan ang mga agila.”+