Isaias
42 Narito ang aking lingkod+ na sinusuportahan ko!
Ang pinili ko,+ na kinalulugdan ko!*+
2 Hindi siya sisigaw o maglalakas ng kaniyang tinig,
At hindi niya iparirinig sa lansangan ang tinig niya.+
Talagang magdadala siya ng katarungan.+
4 Hindi siya manghihina o masisiraan ng loob hanggang sa mapairal niya ang katarungan sa lupa;+
At ang mga isla ay patuloy na naghihintay sa kautusan* niya.
5 Ito ang sinabi ng tunay na Diyos, si Jehova,
Ang Maylalang ng langit at ang Dakilang Diyos na naglatag nito,+
Ang naglatag ng lupa at ng bunga nito,+
Ang nagbigay ng hininga sa mga taong naroon+
6 “Ako, si Jehova, ang tumawag sa iyo sa katuwiran;
Hinawakan ko ang kamay mo.
Iingatan kita at ibibigay kita bilang tipan para sa mga tao+
At bilang liwanag ng mga bansa,+
7 Para idilat mo ang mga matang bulag,+
Ilabas mula sa bartolina ang bilanggo,
At palayain mula sa bilangguan ang mga nasa kadiliman.+
8 Ako si Jehova. Iyan ang pangalan ko;
Hindi ko ibibigay* kahit kanino ang kaluwalhatian ko,
At hindi ko ibibigay sa mga inukit na imahen ang papuri para sa akin.+
9 Tingnan ninyo, nangyari na ang mga unang bagay;
Inihahayag ko ngayon ang mga bagong bagay.
Bago dumating ang mga iyon, sinasabi ko na iyon sa inyo.”+
10 Umawit kayo kay Jehova ng isang bagong awit,+
Ng papuri sa kaniya mula sa mga dulo ng lupa,+
Kayong mga bumababa sa dagat at ang lahat ng naroon,
Kayong mga isla at ang mga naninirahan sa inyo.+
Humiyaw sa kagalakan ang mga nakatira sa malaking bato;
Sumigaw sila mula sa tuktok ng mga bundok.
13 Lalabas si Jehova na gaya ng isang makapangyarihang lalaki.+
Pag-aalabin niya ang kaniyang sigasig na gaya ng isang mandirigma.+
Sisigaw siya, oo, hihiyaw siya para sa pakikipagdigma;
Ipapakita niyang mas malakas siya kaysa sa mga kaaway niya.+
14 “Nanahimik ako nang mahabang panahon.
Nanatili akong walang imik at nagpigil sa sarili.
Tulad ng babaeng nanganganak,
Ako ay daraing, hihingal, at maghahabol ng hininga.
15 Sisirain ko ang mga bundok at mga burol,
At tutuyuin ko ang mga pananim doon.
16 Aakayin ko ang mga bulag sa daan na hindi nila alam+
At palalakarin sila sa landas na hindi pamilyar sa kanila.+
Papalitan ko ng liwanag ang kadiliman sa harap nila,+
At gagawin kong patag na lupain ang bako-bakong lugar.+
Ito ang gagawin ko para sa kanila, at hindi ko sila iiwan.”
17 Uurong sila at labis na mapapahiya,
Ang mga nagtitiwala sa mga inukit na imahen,
Ang mga nagsasabi sa mga metal na estatuwa: “Kayo ang mga diyos namin.”+
19 Sino ang bulag? Hindi ba ang lingkod ko?
Sino ang kasimbingi ng mensaherong isinusugo ko?
Sino ang kasimbulag ng isang ginantimpalaan,
Kasimbulag ng lingkod ni Jehova?+
20 Marami kang nakikita, pero hindi ka patuloy na nagmamasid.
Nakaririnig ka pero hindi ka nakikinig.+
21 Alang-alang sa kaniyang katuwiran,
Nalugod si Jehova na dakilain ang kautusan* at luwalhatiin ito.
Sinamsaman sila at walang sumaklolo sa kanila,+
Kinuha ang ari-arian nila at wala man lang nagsabi: “Ibalik ninyo ang mga iyan!”
23 Sino sa inyo ang makikinig dito?
Sino ang magbibigay-pansin at makikinig para makinabang sa panahong darating?
24 Sino ang nagbigay sa Jacob bilang samsam
At sa Israel sa mga mandarambong?
Hindi ba si Jehova, na pinagkasalahan natin?
Nilamon nito ang lahat ng nasa palibot niya, pero hindi siya nagbigay-pansin.+
Lumagablab ito laban sa kaniya, pero hindi niya ito isinapuso.+