Liham sa mga Hebreo
2 Iyan ang dahilan kung bakit kailangan nating magbigay ng higit sa karaniwang pansin sa mga narinig natin,+ para hindi tayo maanod palayo kailanman.+ 2 Dahil kung ang salitang sinabi sa pamamagitan ng mga anghel+ ay napatunayang totoo, at ang lahat ng lumabag at sumuway ay naparusahan ayon sa katarungan,+ 3 paano tayo makatatakas kung ipinagwalang-bahala natin ang isang napakadakilang kaligtasan?+ Dahil una itong inihayag ng ating Panginoon,+ at tiniyak ito sa atin ng mga nakarinig sa kaniya, 4 at pinatotohanan pa ito ng Diyos sa pamamagitan ng mga tanda at kamangha-manghang mga bagay* at iba’t ibang makapangyarihang mga gawa+ at sa pamamagitan ng banal na espiritu na ipinamahagi ayon sa kalooban niya.+
5 Dahil hindi niya sa mga anghel ipinasakop ang darating na lupa,+ na ipinahahayag namin. 6 Pero sinabi minsan ng isang saksi: “Ano ang tao para alalahanin mo, o ang anak ng tao para pangalagaan mo?+ 7 Ginawa mo siyang mas mababa nang kaunti sa mga anghel; kinoronahan mo siya ng kaluwalhatian at karangalan, at inatasan mo siya sa mga gawa ng iyong kamay. 8 Inilagay mo ang lahat ng bagay sa ilalim ng mga paa niya.”+ Nang ipasakop sa kaniya ang lahat ng bagay,+ walang anuman na hindi ipinasakop ng Diyos sa kaniya.+ Sa ngayon, hindi pa natin nakikitang sakop niya ang lahat ng bagay.+ 9 Pero si Jesus ay nakikita nating kinoronahan na ngayon ng kaluwalhatian at karangalan dahil sa pagdurusa hanggang kamatayan;+ ginawa siya noong mas mababa nang kaunti sa mga anghel,+ para sa pamamagitan ng walang-kapantay* na kabaitan ng Diyos ay matikman niya ang kamatayan para sa bawat tao.+
10 Siya, na para sa kaniya at sa pamamagitan niya ay umiiral ang lahat ng bagay, ay nagdadala ng maraming anak sa kaluwalhatian.+ Kaya ang Punong Kinatawan para sa kaligtasan nila+ ay nararapat gawing ganap* ng Diyos sa pamamagitan ng mga pagdurusa.+ 11 Dahil ang nagpapabanal at ang mga pinababanal+ ay may iisang pinagmulan,+ at dahil dito, hindi niya ikinahihiyang tawagin silang mga kapatid,+ 12 gaya ng sinasabi niya: “Ipahahayag ko ang pangalan mo sa mga kapatid ko; sa gitna ng kongregasyon ay pupurihin kita sa pamamagitan ng awit.”+ 13 At: “Magtitiwala ako sa kaniya.”+ At: “Ako at ang mga anak, na ibinigay sa akin ni Jehova.”*+
14 Kaya dahil ang “mga anak” ay mga kabahagi sa dugo at laman, naging kabahagi rin siya sa gayong mga bagay,+ para sa pamamagitan ng kamatayan niya ay mapuksa niya ang nagdudulot ng kamatayan,+ ang Diyablo,+ 15 at para mapalaya niya ang lahat ng tao na sa buong buhay nila ay naging alipin ng takot sa kamatayan.+ 16 Dahil hindi naman ang mga anghel ang tinutulungan niya, kundi ang mga supling* ni Abraham.+ 17 Dahil dito, kinailangan niyang maging gaya ng “mga kapatid” niya sa lahat ng bagay,+ para siya ay maging isang maawain at tapat na mataas na saserdote na naglilingkod sa Diyos, para makapag-alay siya ng pampalubag-loob na handog*+ para sa mga kasalanan ng mga tao.+ 18 Dahil siya mismo ay nagdusa nang subukin siya,+ matutulungan niya ang mga sinusubok.+