Efeso
6 Mga anak, maging masunurin kayo sa inyong mga magulang+ kaisa+ ng Panginoon, sapagkat ito ay matuwid:+ 2 “Parangalan mo ang iyong ama at ang iyong ina”;+ na siyang unang utos na may pangako:+ 3 “Upang mapabuti ka at mamalagi ka nang mahabang panahon sa lupa.”+ 4 At kayo, mga ama, huwag ninyong inisin ang inyong mga anak,+ kundi patuloy na palakihin+ sila sa disiplina+ at pangkaisipang patnubay+ ni Jehova.
5 Kayong mga alipin, maging masunurin kayo sa kanila na inyong mga panginoon ayon sa laman,+ na may takot at panginginig+ sa kataimtiman ng inyong mga puso, gaya ng sa Kristo, 6 hindi sa paraan ng pakitang-taong paglilingkod gaya ng mga nagpapalugod sa tao,+ kundi gaya ng mga alipin ni Kristo, na ginagawa nang buong kaluluwa ang kalooban ng Diyos.+ 7 Maging mga alipin kayo na may mabubuting saloobin, gaya ng kay Jehova,+ at hindi sa mga tao, 8 sapagkat nalalaman ninyo na ang bawat isa, anumang mabuti ang gawin niya, ay muling tatanggap nito mula kay Jehova,+ siya man ay alipin o taong laya.+ 9 Kayong mga panginoon, patuloy rin ninyong gawin sa kanila ang gayunding mga bagay, na nilulubayan ang pagbabanta,+ sapagkat nalalaman ninyo na ang Panginoon kapuwa nila at ninyo+ ay nasa langit, at walang pagtatangi+ sa kaniya.
10 Sa katapus-tapusan, patuloy kayong magtamo ng lakas+ sa Panginoon at sa kapangyarihan+ ng kaniyang kalakasan. 11 Isuot ninyo ang kumpletong kagayakang pandigma+ mula sa Diyos upang makatayo kayong matatag laban sa mga pakana+ ng Diyablo; 12 sapagkat tayo ay may pakikipagbuno,+ hindi laban sa dugo at laman, kundi laban sa mga pamahalaan,+ laban sa mga awtoridad,+ laban sa mga tagapamahala ng sanlibutan+ ng kadilimang ito, laban sa balakyot na mga puwersang espiritu+ sa makalangit na mga dako. 13 Dahil dito ay kunin ninyo ang kumpletong kagayakang pandigma mula sa Diyos,+ upang kayo ay makatagal sa balakyot na araw at, pagkatapos ninyong magawa nang lubusan ang lahat ng mga bagay, ay makatayong matatag.+
14 Kaya nga, tumayo kayong matatag na ang inyong mga balakang ay may bigkis+ na katotohanan,+ at suot ang baluti ng katuwiran,+ 15 at ang inyong mga paa+ ay may suot na panyapak para sa mabuting balita ng kapayapaan.+ 16 Higit sa lahat, kunin ninyo ang malaking kalasag ng pananampalataya,+ na siyang ipanunugpo ninyo sa lahat ng nag-aapoy na mga suligi ng isa na balakyot.+ 17 Gayundin, tanggapin ninyo ang helmet+ ng kaligtasan, at ang tabak+ ng espiritu,+ samakatuwid nga, ang salita ng Diyos,+ 18 samantalang sa bawat uri ng panalangin+ at pagsusumamo ay nagpapatuloy kayo sa pananalangin sa bawat pagkakataon sa pamamagitan ng espiritu.+ At sa layuning iyan ay manatili kayong gising nang may buong katatagan at may pagsusumamo alang-alang sa lahat ng mga banal, 19 gayundin para sa akin, upang ang kakayahang magsalita+ ay maibigay sa akin sa pagbubuka ng aking bibig, na may kalayaan sa pagsasalita+ upang ipahayag ang sagradong lihim ng mabuting balita,+ 20 na ukol dito ay gumaganap ako bilang isang embahador+ na nakatanikala; upang makapagsalita ako nang may katapangan may kaugnayan dito gaya ng dapat kong salitain.+
21 Ngayon upang malaman din ninyo ang tungkol sa aking mga gawain, kung ano na ang aking kalagayan, si Tiquico,+ isang minamahal na kapatid at tapat na ministro sa Panginoon, ang magpapabatid sa inyo ng lahat ng bagay.+ 22 Isinusugo ko siya sa inyo para sa mismong layuning ito, upang malaman ninyo ang mga bagay na may kinalaman sa amin at upang maaliw niya ang inyong mga puso.+
23 Ang mga kapatid ay magkaroon nawa ng kapayapaan at pag-ibig na may pananampalataya mula sa Diyos na Ama at sa Panginoong Jesu-Kristo. 24 Ang di-sana-nararapat na kabaitan+ nawa ay mapasalahat niyaong mga umiibig sa ating Panginoong Jesu-Kristo sa kawalang-kasiraan.