Liham sa mga Taga-Efeso
4 Kaya ako, na isang bilanggo+ dahil sa Panginoon, ay nakikiusap na mamuhay kayo gaya ng karapat-dapat+ sa mga tinawag ng Diyos 2 —tunay na mapagpakumbaba+ at mahinahon,+ matiisin,+ na nagpapasensiya sa isa’t isa dahil sa pag-ibig+ 3 at pinagsisikapang mapanatili ang kapayapaan para maingatan ang pagkakaisang dulot ng espiritu.+ 4 May iisang katawan+ at iisang espiritu,+ kung paanong may iisang gantimpala+ na inialok ang Diyos sa atin; 5 iisang Panginoon,+ iisang pananampalataya, iisang bautismo; 6 iisang Diyos at Ama ng lahat, na namumuno sa lahat at kumikilos sa pamamagitan ng lahat at sumasaating lahat.
7 At nagpakita ang Diyos ng walang-kapantay na kabaitan sa bawat isa sa atin ayon sa paghahati-hati ng Kristo sa regalong ito.+ 8 Dahil sinasabi nito:* “Nang umakyat siya sa kaitaasan, nagdala siya ng mga bihag; may ibinigay siyang mga tao bilang regalo.”+ 9 Hindi ba ipinapakita ng pananalitang “umakyat siya” na bumaba muna siya sa lupa? 10 Ang isang iyon na bumaba ang siya ring umakyat+ nang mas mataas pa sa langit+ para maisakatuparan ang lahat ng bagay.
11 Ang ilan sa mga taong ibinigay niya ay inatasan niya bilang apostol,+ ang ilan bilang propeta,+ ang ilan bilang ebanghelisador,+ at ang ilan bilang pastol at guro,+ 12 para ituwid ang mga banal, para maglingkod, at para patibayin ang katawan* ng Kristo,+ 13 hanggang sa magkaisa tayong lahat sa pananampalataya at magkaroon ng tumpak na kaalaman sa Anak ng Diyos at maging adulto,+ hanggang sa maging maygulang tayo gaya ng Kristo.+ 14 Kaya huwag na tayong maging mga bata, na tinatangay-tangay ng alon at dinadala ng hangin kung saan-saan dahil sa pakikinig sa mga turo+ ng mga taong nandaraya at gumagawa ng tusong mga pakana. 15 Sa halip, magsalita tayo ng katotohanan at magpakita ng pag-ibig, nang sa gayon ay maging maygulang tayo sa lahat ng bagay at makapamuhay gaya ni Kristo, ang ulo.+ 16 Dahil sa kaniya, ang lahat ng bahagi ng katawan+ ay nagkakabuklod at nagtutulungan sa pamamagitan ng bawat kasukasuan para maibigay ang pangangailangan ng katawan. Kapag ginagawang mabuti ng bawat bahagi ang papel nito, nakatutulong ito para lumakas ang buong katawan habang tumitibay ito dahil sa pag-ibig.+
17 Kaya sa ngalan ng Panginoon, sinasabi ko sa inyo na huwag na kayong mamuhay gaya ng mga bansa,+ na namumuhay ayon sa kanilang walang-saysay na kaisipan.+ 18 Nasa dilim ang isip nila at malayo sila sa buhay na nagmumula sa Diyos dahil wala silang alam at manhid ang puso nila. 19 Dahil hindi na sila nakokonsensiya, hindi na sila mapigilan sa paggawi nang may kapangahasan+ at ginagawa nila ang bawat uri ng karumihan nang may kasakiman.+
20 Pero hindi ganiyan ang natutuhan ninyo tungkol kay Kristo. 21 Tiyak namang narinig ninyo si Jesus at naturuan kayo ayon sa katotohanang itinuro niya. 22 Tinuruan kayong alisin ang inyong lumang personalidad*+ na naaayon sa dati ninyong paraan ng pamumuhay at pinasasamâ ng mapandayang mga pagnanasa.+ 23 At dapat na patuloy ninyong baguhin ang takbo ng inyong isip+ 24 at isuot ang bagong personalidad+ na nilikha ayon sa kalooban ng Diyos at batay sa kung ano ang matuwid at tapat.
25 Kaya ngayong itinigil na ninyo ang panlilinlang, magsalita ang bawat isa sa inyo ng katotohanan sa kaniyang kapuwa+ dahil tayo ay bahagi ng iisang katawan.+ 26 Kapag napoot kayo, huwag kayong magkasala;+ huwag hayaang lumubog ang araw na galit pa rin kayo;+ 27 huwag ninyong bigyan ng pagkakataon ang Diyablo.+ 28 Ang magnanakaw ay huwag nang magnakaw pa;+ sa halip, magtrabaho siya*+ nang husto at nang marangal para may maibahagi siya sa nangangailangan.+ 29 Huwag hayaang lumabas sa bibig ninyo ang bulok na pananalita.+ Magsalita lang ng mabubuting bagay na nakapagpapatibay, ayon sa pangangailangan, para makinabang ang mga nakikinig.+ 30 Huwag din ninyong pighatiin ang banal na espiritu ng Diyos,+ na ipinantatak sa inyo+ para sa araw ng pagpapalaya sa pamamagitan ng pantubos.+
31 Alisin ninyo sa inyong sarili ang lahat ng matinding hinanakit,+ galit, poot, pagbulyaw, at mapang-abusong pananalita,+ at anumang puwedeng makapinsala.+ 32 Maging mabait kayo sa isa’t isa at tunay na mapagmalasakit,+ at lubusan ninyong patawarin ang isa’t isa, kung paanong ang Diyos sa pamamagitan ni Kristo ay lubusan ding nagpatawad sa inyo.+