Liham sa mga Taga-Roma
1 Ako si Pablo, isang alipin ni Kristo Jesus at tinawag para maging apostol, at ibinukod para sa mabuting balita ng Diyos,+ 2 na ipinangako Niya noon at ipinasulat sa Kaniyang mga propeta sa banal na Kasulatan.+ 3 Tungkol ito sa Kaniyang Anak, na supling ni David+ ayon sa laman,+ 4 pero ipinahayag na Anak ng Diyos+ nang buhayin siyang muli+ sa pamamagitan ng kapangyarihan ng banal na espiritu. Siya si Jesu-Kristo na ating Panginoon. 5 Sa pamamagitan niya, tumanggap kami ng walang-kapantay na kabaitan at atas bilang apostol+ para ang mga tao sa lahat ng bansa+ ay manampalataya at maging masunurin, nang sa gayon ay maparangalan ang pangalan niya. 6 Mula kayo sa mga bansang ito at tinawag din para maging tagasunod ni Jesu-Kristo. 7 Sumusulat ako sa lahat ng minamahal ng Diyos na nasa Roma at tinawag para maging mga banal:+
Sumainyo nawa ang walang-kapantay na kabaitan at kapayapaan mula sa Diyos na ating Ama at mula sa Panginoong Jesu-Kristo.
8 Una sa lahat, ipinagpapasalamat ko kayo sa aking Diyos sa ngalan ni Jesu-Kristo, dahil pinag-uusapan sa buong mundo* ang inyong pananampalataya. 9 Ang Diyos, na buong puso kong pinag-uukulan ng sagradong paglilingkod may kaugnayan sa mabuting balita tungkol sa kaniyang Anak, ang magpapatotoo na lagi ko kayong binabanggit sa mga panalangin ko+ 10 at na nagsusumamo ako na sana ay matuloy na ang pagpunta ko riyan kung posible at kung kalooban ng Diyos. 11 Dahil nananabik akong makita kayo para makapagbahagi sa inyo ng pagpapala mula sa Diyos na magpapatatag sa inyo; 12 o sa ibang salita, para makapagpatibayan+ tayo ng pananampalataya.
13 Pero gusto kong malaman ninyo, mga kapatid, na maraming beses kong binalak na pumunta sa inyo para makapangaral at makakita rin ng magagandang resulta gaya sa ibang mga bansa. Pero laging may pumipigil sa akin. 14 May utang ako sa mga Griego at mga banyaga, sa marurunong at mga mangmang;+ 15 kaya gustong-gusto ko ring ihayag ang mabuting balita sa inyo diyan sa Roma.+ 16 Hindi ko ikinahihiya ang mabuting balita;+ sa katunayan, ito ang makapangyarihang paraan ng Diyos para iligtas ang bawat isa na may pananampalataya,+ sa Judio muna+ at pagkatapos ay sa Griego.+ 17 Dahil sa pamamagitan nito, ang katuwiran ng Diyos ay naisisiwalat sa mga may pananampalataya at lalo pang napapatibay ang kanilang pananampalataya,+ gaya ng nasusulat: “Pero ang matuwid ay mabubuhay dahil sa kaniyang pananampalataya.”+
18 Mula sa langit, ibinubuhos* ng Diyos ang galit niya+ sa lahat ng di-makadiyos at masasama na gumagamit ng likong paraan para hadlangan ang iba na malaman ang katotohanan;+ 19 dapat sana ay kilala na nila ang Diyos dahil marami na siyang isiniwalat sa kanila.+ 20 Ang kaniyang di-nakikitang mga katangian ay malinaw na nakikita mula pa nang lalangin* ang mundo, dahil ang mga ito, ang kaniyang walang-hanggang kapangyarihan+ at pagka-Diyos,+ ay nakikita sa mga bagay na ginawa niya,+ kaya wala silang maidadahilan.+ 21 Dahil kahit nakilala nila ang Diyos, hindi nila siya niluwalhati bilang Diyos o pinasalamatan man siya, kundi naging walang saysay ang mga pangangatuwiran nila at nawalan ng pang-unawa ang mangmang nilang puso.+ 22 Kahit sinasabi nilang matalino sila, naging mangmang sila; 23 sa halip na luwalhatiin ang Diyos na walang kasiraan, niluwalhati nila ang mga imahen na kawangis ng tao, ibon, nilalang na may apat na paa, at reptilya,* na nabubulok ang katawan.+
24 Kaya dahil gusto nilang sundin ang puso nila, pinabayaan na sila ng Diyos na gumawa ng karumihan at sa gayon ay mawalang-dangal ang katawan nila. 25 Pinili nila ang kasinungalingan sa halip na ang katotohanan tungkol sa Diyos, at sumamba sila at naglingkod* sa nilalang sa halip na sa Maylalang, na dapat purihin magpakailanman. Amen. 26 Kaya pinabayaan na sila ng Diyos na magpadala sa kanilang kahiya-hiyang seksuwal na pagnanasa,+ dahil ang mga babae sa kanila ay gumawi nang salungat sa likas na pagkakadisenyo sa kanila;+ 27 at ayaw na ng mga lalaki na makipagtalik sa mga babae, kundi naging napakatindi ng pagnanasa nila sa kapuwa lalaki+ at gumagawa sila ng kalaswaan, kaya pinagbabayaran nila ang kasalanan nila.+
28 Dahil hindi sila naniniwalang dapat kilalanin ang Diyos,* pinabayaan na sila ng Diyos sa masasama nilang kaisipan para gawin ang mga bagay na hindi nararapat.+ 29 Sila ay punong-puno ng kawalang-katapatan,+ kalikuan, kasakiman,+ at kasamaan; sila ay mainggitin,+ mamamatay-tao,+ mahilig sa away, mapanlinlang,+ naghahangad na mapasamâ ang iba,+ mapagbulong, 30 naninira nang talikuran,+ galit sa Diyos, walang galang, mapagmataas, mayabang, nagpapakana ng masama,* masuwayin sa mga magulang,+ 31 walang unawa,+ hindi tumutupad sa mga kasunduan, walang likas na pagmamahal, at walang awa. 32 Kahit alam na alam nila ang matuwid na batas ng Diyos—na ang gumagawa ng gayong mga bagay ay karapat-dapat sa kamatayan+—hindi lang nila patuloy na ginagawa ang mga iyon, kundi tuwang-tuwa pa sila sa iba na gumagawa ng gayong mga bagay.