Unang Liham kay Timoteo
2 Kaya nga una sa lahat, hinihimok ko kayo na magsumamo, manalangin, mamagitan, at magpasalamat para sa lahat ng uri ng tao, 2 sa mga hari at sa lahat ng may mataas na posisyon,*+ para patuloy tayong makapamuhay nang payapa, tahimik, seryoso, at may makadiyos na debosyon.+ 3 Mabuti ito at kalugod-lugod sa paningin ng ating Tagapagligtas, ang Diyos,+ 4 na gustong* maligtas ang lahat ng uri ng tao+ at magkaroon sila ng tumpak na kaalaman sa katotohanan. 5 Dahil may isang Diyos,+ at isang tagapamagitan+ sa Diyos at sa mga tao,+ isang tao, si Kristo Jesus,+ 6 na nagbigay ng sarili niya bilang pantubos para sa lahat+—ipangangaral ito sa takdang panahon para dito. 7 At para magpatotoo tungkol sa bagay na ito,+ inatasan ako ng Diyos bilang mángangarál at apostol,+ isang guro na magtuturo sa ibang mga bansa+ ng pananampalataya at katotohanan—sinasabi ko ang totoo, hindi ako nagsisinungaling.
8 Kaya nga gusto ko na sa lahat ng lugar na pinagtitipunan ninyo, ang mga lalaki ay magpatuloy sa pananalangin, na itinataas ang mga kamay nila nang may katapatan+ at walang halong poot+ at mga debate.+ 9 Gayundin, dapat pagandahin ng mga babae ang sarili nila sa pamamagitan ng maayos na pananamit, na nagpapakita ng kahinhinan at matinong pag-iisip, at hindi sa pamamagitan ng pagtitirintas* ng buhok o pagsusuot ng ginto o perlas o napakamahal na damit,+ 10 kundi sa paggawing angkop sa mga babaeng may debosyon sa Diyos,*+ ibig sabihin, sa pamamagitan ng mabubuting gawa.
11 Ang mga babae ay manatiling tahimik at lubos na nagpapasakop habang tinuturuan.+ 12 Hindi ko pinapahintulutan ang babae na magturo o mamuno sa lalaki, kundi dapat siyang tumahimik.*+ 13 Dahil si Adan ang unang nilikha, pagkatapos ay si Eva.+ 14 Isa pa, hindi nalinlang si Adan; ang babae ang lubusang nalinlang+ at nagkasala. 15 Pero maiingatan siya sa pamamagitan ng pag-aanak,+ kung mananatili siyang* may pananampalataya, pag-ibig, kabanalan, at matinong pag-iisip.*+